"What a good day!" maligayang sambit ni Venice habang paalis na siya sa trabaho.
Dalawang araw matapos ang nangyari, simula noon ay nagpatuloy na siyang sumakay ng bus.
Same seat, same bus.
Aliw siyang naghintay habang iniisip kung ano na naman kaya ang is-sketch nung katabi niya. Paghinto ng bus sa harap nito ay masaya itong nag lakad at sumakay agad.
Hinanap niya ang lalaki at nung nakita niya na ay napairap siya nang malamang may katabi ito. Umupo na lamang si Venice sa likod at patuloy na nagmasid sa paligid, sikretong hinihintay na bumaba ang katabi nung lalaki.
'Nako Venice! Nababaliw ka na!' sigaw ng utak nito pero binalewala niya lamang at tumingin sa labas ng bintana.
Nakaramdam siya na may umupo sa tabi niya kaya naman kusa siyang umusog at nanatili ang mata sa labas. Nung malanghap niya ang pamilyar na amoy ay agad nanlaki ang mata nito.
Tumingin siya sa katabi at boom! Katabi niya na pala yung lalaking balak niyang tabihan.
"H-hello!" ngayon ay kumaway na talaga si Venice upang makuha ang atensyon nito.
Unti-unting tinaas ng lalaki ang ulo niya at ngumiti kay Venice saka nagpatuloy sa pags-sketch.
Napairap na naman si Venice.
'Well, at least this time nginitian niya na ako.' sabi nito sa sarili at itinuon ang pansin sa sketch pad ng lalake.