8

2 0 0
                                    

Anim na buwan na na magkakilala si Venice at Zachary.

Ngayon mismong araw na ito ay balak ni Venice umamin kay Zachary patungkol sa nararamdaman niya.

Kinakabahan man ay nilabanan niya ito.

Halos mangatog ang tuhod niya nung pasakay siya sa bus.

Hindi pumunta sa trabaho niya si Jerome at Zachary, nagtext naman si Jerome at sinabing busy daw ito sa school kaya binalewala na niya ito.

Umupo siya sa upuan na halos angkinin na nila. Kumaway si Venice kay Zachary bago umupo.

Should I say it now? I mean, if he'll reject me, I can't just run, right? right. mamaya na lang, pag malapit na ako sa amin para naman may rason ako para magmadali!

Di mapakali ang utak ni Venice, kung ano-ano na lang ang pumasok sa utak niya kaya minabuti niyang makipag-usap na lamang kay Zachary gamit ang sign language. Ayaw niyang makipag-usap gamit ang boses, alam niyang kaya ni Zachary basahin ang sinasabi niya pero hindi iyon patas para Venice. Mas gusto niyang makipag sign language kay Zachary dahil para sakanya ay mas matatawag niya itong pag-uusap.

"I like you." gamit ang sign language ay sinabi iyon ni Venice.

Nanlaki ang mata ni Zachary.

"No, I love you." gamit na naman ang sign language ay sinabi iyon ni Venice.

Ngunit wala siyang natanggap na sagot kay Zachary.

"Oh, sinong bababa?" sigaw nang drayber na nagsilbing hudyat upang tumakbo papalayo si Venice.

Madaling-madali siya sa pagbaba at narinig niya ang sigaw ni Zachary bago ito makalabas ng bus.

Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa. Halos takbuhin ni Venice ang pagitan para lamang makatawid ng mas mabilis.

"VENICE, SAY IT OUT LOUD! PLEASE!" dinig niyang sigaw ni Zachary.

Napahinto si Venice sa pagtawid at lumingon sa likod.

Nakangiti si Zachary sa dulo ng pedestrian kung saan huminto ang bus.

Nang-init ang gilid ng mata ni Venice. "SAY IT OUT LOUD!" sigaw ulit ni Zachary.

"I LOVE YOU, ZACHARY!" sigaw ni Venice.

Hindi niya maintindihan ang nangyayari.

"I LOVE YOU TOO, VENICE!"

Parang huminto ang mundo. Tuluyang lumandas ang luha pababa sa pisngi ni Venice, tinakbo niya ang pagitan nila ni Zachary ngunit hindi yata sang-ayon ang tadhana sa paglapat ng balat ni Zachary kay Venice.

*beep!* agad lumingon si Venice sa pinanggalingan ng busina at nakitang may paparating na sasakyan, mabilis ang takbo.

Masyadong mabilis ang pangyayari.

Masyadong malakas ang tibok ng puso.

Masyadong marami ang luha na naipon sa mata ni Venice.

Sa isang iglap, nakaramdam ito ng pagtulak kasabay ng pag pikit niya ay ang nakakabinging sigawan at busina sa kung saan.

Pagdilat ay nakita niya ang lalakeng nakahandusay sa sahig habang nakatingin sa langit, duguan ang damit at may luha sa mata.

Tinakbo niya ulit ang pagitan sa kanilang dalawa. Ngayon, wala nang busina, wala nang taong nakaharang sakanya, silang dalawa na lang. Sakanilang dalawa na lang nakatuon ang pansin ng lahat.

"Zach! Zachary!" natataranta nitong sigaw, tinatapik niya ang balikat ng binata at ang tanging sagot na natanggap niya ay, "You have the most beautiful voice I have ever heard, I wish I could hear your voice while waking up in the morning."

"Wh-at—it's okay, you're okay, the ambulance is on its way, please, just wait, Zach, please!" sabi ni Venice at hinawakan ang kamay ni Zachary, hinalikan niya ito at ramdam niya ang pag-agos ng luha sa kanyang pisngi.

"I love you, and I wish I could spend my next lifetime with you."

"What are you saying? You're gonna spend your lifetime with me now, please, don't go, I love you, Zach, please."

Little did Venice know, someone ruled the game.

"The price is paid." a lady whispered. "Reaper, if he doesn't make it, take care of him personally."

"Understood." her necklace replied.

Love Language Where stories live. Discover now