Maingay palagi ang paligid kada gigising ako, papano ba naman yung bunganga ng mga chismosa naming kapitbahay nauuna pa yatang tumilaok sa mga manok tuwing umaga, hindi lang yan nag oover time pa sa gabi makapag chismisan lang!
Lagi akong issue ng mga pesteng to. Hindi ko alam kung inggit ba sila o gandang ganda sakin Hahahaha
Pero seryoso, kung hindi ako e yung mga kapatid ko. Baka nga nagagandahan sa lahi namin.
Ang sabi ng papa ko, may lahing kastila daw ang nanay nya pero tubong cebu naman ang tatay nya, samantalang purong tagalog naman ang mama ko, so anong tawag sa lahi ko, kanin baboy? Eww."Ate Lara, tama na pag iimagine dyan! yung costumer mo naghihintay sa labas,nasan na daw yung order nyang sapatos." Kahit kailan epal talaga tong babae na to, kung di ko lang kapatid to e natadyakan ko na to palabas!
Dumiretso muna ako sa banyo para maghilamos at mag toothbrush, nakakahiya naman sa costumer e.
Fourth year college na ko sa kursong Business Management, bakit iyon? Para madaling makapag apply sa malalaking kumpanya, at baka makabingwit na din Hahaha charot. Sa panahon kasi ngayon, pag wala kang natapos mahirap makakuha ng magandang trabaho na may malaking sweldo at mga benefits. Bukod sa pag aaral, namamasukan din ako as a Part-timer Crew sa isang fastfood chain na malapit lang sa skwelahang pinapasukan ko, at raket ko naman ang pag oonline selling. Mabuti nalang at nakakuha ako ng scholarship kaya di ako namomroblema sa tuition fee.
"Oy, Laraine nandyan na ba yung sapatos na in-order ko? Kailangan ko na kasi bukas e." Bungad sakin ni kuya Ji. Isa syang suking kapitbahay, ang nakakatuwa pa, pag order nya bayad agad.
"Ayy oo kuya ji nung isang araw pa nandito, nakakalimutan ko lang ihatid. Pasensya na ahh? Busy e." kamot ulo kong sabi, buti nalang sinadya dito.
"Okay lang, alam ko namang busy ka talaga e. Pagpatuloy mo lang yan para umasenso ka agad." Ginulo nya pa yung buhok kong kanina pa naman magulo at ngumiti bago umalis.
Kahit papano, nakakatulong din sa pag aaral ko yung kinikita ko sa pag oonline sell tapos nakakapag bigay pa ko kahit pambiling bigas at kapag may sumosobra pa, sa mga kapatid ko dagdag pambaon. Worth it naman pag aralin yung kapatid kong maldita dahil Top student at talagang masipag sa skwela.
Nagtimpla ako ng kape at bumili ng bente pesos na pandesal sa bakery na malapit. Tutal linggo naman at maaga pa, maghahatid nalang ako ng mga pa-orders. Mamayang hapon pa naman shift ko.
Inuna ko na yung anak ng kapitbahay naming chismosa na parang linggo linggo umo-order ng liptint sakin, pabor naman dahil kumikita ako ang kaso lang, napaka harot! Yung kapatid kong sixteen years old na di ko nakikitang nagbibibili o nagpapabili ng ganito kahit inaalok ko ng libre samantalang ito, nako! Kinse anyos palang nakarami na daw ng boypren hay nako!
Sunod akong dumiretso sa pamangkin kong maharot din, usong sweatpants at liptint din ang kinuha. Tsk kinukunsinti kasi ng magulang.
---
Mag aalas onse ng maideliver ko lahat ng pa order ko , may oras pa para magpahinga alas dos pa ang pasok ko.
Sa totoo lang, mas malaki pa ang kinikita ko sa pag oonline sell kaysa sa pag papart-time kung iipunin sa isang buwan lalo na kapag tinutukan, madalas late ako makapag deliver pero nakakaintindi naman daw sila. Mabuti naman!
Mabuti nalang talaga at nakabili ako ng sariling cellphone, noon kasi nanghihiram lang ako sa kapatid ko kaya medyo hirap ako sa pag oonline sell.
"Uyy bebe, andyan kana pala. Pakita ka kay manager, hanap ka nun e." Bungad sakin ng katrabaho kong si Grace. Binigyan ko sya ng nagtatanong na tingin pero nag kibit balikat lang sya kaya dumiretso nalang ako kay manager.
"Good afternoon sir, hanap nyo daw po ako?" Nag angat sya ng tingin sakin
Bago nagsalita"Laraine, I just want to ask you kung gusto mo bang mag full-time tutal malapit naman na din ang bakasyon nyo right?" Ahh eto pala. Full-time? Ibig sabihin, eight hours akong magtatrabaho at minimum ang sahod. Pwede na.
"Oo naman ho sir, Gustong gusto po. Ano po bang kailangan kong gawin?" Diretso kong sabi. Pabor na pabor naman kasi dahil makakapag ipon ako, sakto dahil senior high school na ang bunso namin na si Van Michael sa susunod na pasukan, si Lianna Mair naman First year college na din sa pasukan, si Vonn Marco naman ay 3rd year college na.
Bilib ako sa mga kapatid ko, hindi sila demanding. Kung ano lang ang ibigay namin ng ate ko tinatanggap nila ng walang reklamo. Kapag may projects madalas nagpapatulong sakin kung papano makakagawa through recycled object kahit na binibigyan naman sila, ang katwiran pa kaya namang gawin ng walang gastos, kaya bakit pa bibili, o kaya naman e ibili nalang daw ng bigas at ulam o kaya gatas ng anak ni ate Leira Ann. Never ko silang narinig na magdemand ng kahit ano. Hanga ako kasi kahit na naispoil sila sa mga magulang namin noon hindi nila hinahanap ang ganong klaseng buhay ngayon.
Namatay ang mama namin anim na taon na ang nakakalipas sa sakit na chronic Hypertension with superimposed preeclampsia at doon na nagsimulang maghirap ang pamilya namin, dating Seaman ang papa ko pero ng nailibing ang mama, hindi nya na kami inuwian.
Sobrang hirap ang dinanas namin, doon dumating ang lahat ng problema, naputulan kami ng ilaw, naputulan ng tubig tambak ng utang, at nahinto kami ng ate ko sa pag aaral. Sya ay di na nag aral ulit pag tapos maka graduate ng high school pero ako, heto't nag aaral ulit.
---
Pauwi na ko galing sa trabaho ng may mahintuan akong lalaking nakahandusay sa gilid ng kalsada, di ko alam kung lalapitan ko ba o lalagpasan
Sa huli, naisip kong lapitan at gisingin sya, baka kasi lasing lang at di na kinaya. Imposible namang pulubi e maayos naman ang suot. Naka itim na pantalon sya at kulay blue na t- shirt, nakasuot din ng top sider yata ang tawag sa style ng sapatos na to.
Di ko makita ang mukha nya dahil padapa ang pwesto nya arrgh! Napaka lasinggero naman!! Pilit ko syang itinihaya para makita ang pag mukha nya.
"Shit! Anong nangyari sayo?" Sa gulat ko ay napasigaw ako, pano ba naman puro pasa at duguan ang mga braso nya, medyo may punit na din yung t-shirt na suot nya, putok yung kaliwang kilay at may dugo sa gilid ng labi, namamaga din yung kaliwang mata nya. Infairness ang gwapo kahit bugbog-sarado ha! Mukhang walang malay kaya nagpatulong ako sa gwardyang nakatayo di kalayuan sa pwesto namin.
Madilim sa parteng ito kaya siguro walang nakakapansin sakanya.
20 minutes bago dumating yung Ambulance. Potek! Emergency to pero 20 minutes bago dumating? Tsk! Baka patay na pasyente di pa sila umaabot sa ospital!!napairap nalang ako sa dalawang lalaking nagbuhat sakanya para mailagay stretcher bago ipasok sa sasakyan.
"Sakay na po mam."
"Bakit ako sasakay? Sya lang yung pasyente hindi ako!" Iritable kong sabi. Gagawin ko naman dun? Plus gutom na gutom na ko!
"Kayo po ang tumawag samin kaya dapat samahan nyo sya hanggang dun, sakay na mam sayang oras."
Padabog akong sumakay sa ambulance car "ni hindi ko nga kilala ang taong to tapos dapat ko pang samahan?! Nag magandang loob na nga akong maisugod sya dito ngayon ma isasa alang alang pa yung gutom ko!" Nakakainis ang lalaking to! Bakit ba kasi sya nagpa bugbog? Siguro masamang tao to. Hays bahala na atleast nakatulong.gutom naman.
Mag aalas dose na ng makauwi ako sa bahay, grabe yung gutom ko kaya dumiretso agad ako sa kusina.
"Sana naman nagtira sila." Bulong ko
Baka kasi masarap ang ulam at malibang nanaman sila sa kain.May naabutan pa akong konting sardinas na may itlog, baka para sakin talaga to. Hahaha
YOU ARE READING
A life with you
Non-FictionDISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual even...