"Ikaw nanaman?" Gulat nyang sambit ng nakita ang lalaki sa labas ng pinag tatrabahuan nya, at gaya ng kanina nakasandal ito sa hood ng sasakyan nito.
"Let's go?" Anito at nakapamulsang naglakad papuntang driver seat. Hindi nya alam kung sasama ba sya o iiwasan ang lalaki pero mas pinili nya ang huli.
"Hey! Where are you going?" Pigil nito sa braso nya
"Tigilan mo na nga ang pag hatid sundo sakin, hindi naman kita ka aano ano at isa pa, kung ginagawa mo to dahil tinulungan kitang madala sa ospital, patas na tayo kaya wag ka ng sunod ng sunod kasi kung may iba ka pang kailangan sakin malamang hindi ko kaya ibigay iyon, obvious naman na mahirap lang ako di ba? Wala kang mapapala sakin kaya sige na. Umuwi kana at wag ka ng mag sayang ng oras."hiningal sya sa haba ng nasabi, hindi nya rin alam kung bakit nya nasabi iyon pero halatang nabigla ang lalaki sa narinig.
"I don't need anything from you so stop assuming, I'm just Bored that's all." Sa totoo lang nasaktan sya sa sinabi nito na assuming pero baka nga totoo yon.
"Hindi ako nag aasume no! At kung na boboring ka, wag ako, wag sakin okay? Busy ako."naglakad na sya palayo dito pero hindi sya tinigilan
"Sige last na to ha? Sinabi ko naman kasi sayong quits na tayo e. Hindi mo naman kailangang bumawi ng sobra sobra." Nahihiya nyang sabi. Nagpakipot pa papayag din pala. Natawa sya sa sarili
"Fine whatever." Mabilis silang nakarating sa harap ng bahay nila . Nakipagtalo pa ito sakanya ng sabihin nyang sa kanto nalang sya ibaba dahil baka may makakita nanaman sakanila.
"Take this." Iniabot nito sa kanya ang isang paper bag. "Salamat talaga ha? Ingat ka ba-bye!" Pagkababa nya ay mabilis nitong pinaandar ang sasakyan hanggang sa hindi na nito matanaw.
"Ano naman kaya ang laman nito?" Tanong nya sa sarili
"Hi Lara? Sino yung naghatid sayo?"
"Ahh Jordan ikaw pala. Anong ginagawa mo rito? Anong oras na ah." Si jordan ay ang ex boyfriend nya na, tumagal lang sila ng ilang buwan pero nakipag hiwalay din sya.
"Ahh napadaan lang, Sino yung naghatid sayo?" Ulit nito sa sinabi.
"Kaibigan ko yon. Sige na pasok na ko late na din e." Pagdadahilan nya pero ang totoo ay ayaw nyang makipag usap ng matagal dito, hindi dahil may feelings sya kundi dahil alam nyang sya nanaman ang isyu kinabukasan kapag tumagal pa ang usapan nila, ayaw nya rin na umasa pa ito dahil wala naman na talagang pag asa.
"May kaibigan ka palang mayaman. Ahh sige Pasok kana bye." Tumango lang sya at pumasok na sa loob ng bahay.
Gutom na gutom na sya kaya sa kusina ang diretso nya.
"Teka ano ba yung binigay nya? Baka pagkain yon." Dumiretso sya sa paper bag na inilapag nya sa upuan.
"Wooooow! Cordon Bleu!!" Tuwang tuwa si laraine dahil hindi lang dalawa o tatlong sliced ng cordon bleu kundi sampu. Sa sobrang tuwa ay tinext nya ito.
Sinabi ko naman sayo na quits na tayo e. Pero sobrang Thankyou sa Cordon bleu ha? Super favorite ko to kaya Thankyou talaga. :)
-VienPag kapindot nya ng send ay napaisip din sya, bakit ko nga ba hinahayaan ang lalaking to na tawagin ako sa pangalang iyon? Hays.
Hindi na sya naghintay ng reply dahil bukod sa mukhang wala naman itong balak mag reply ay hating gabi na din.
Sinimulan nya ng kainin ang binigay nito at ganadong ganado sya. Pakiramdam nya ay kahit kailan hindi sya magsasawa sa pagkaing yon.
YOU ARE READING
A life with you
Non-FictionDISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual even...