Chapter 4

7 3 0
                                    

"ihahatid na kita, come on."  Sabi ng lalaki at pilit na humaharang sa harap nito.

"No need! Hindi nga kita kilala e. Baka mamaya kung saan mo pa ako dalhin!" Tabig nya sa lalaki at nagpatuloy sa pag lalakad.

Bakit nga ba sya naglakad ngayong araw? Wala naman sa plano nya yun pero gusto nya makatipid kahit papano.

"Excuse me, You are not my type!"

Natawa sya sa reaksyon ng lalaki dahil mukhang napikon ito sa sinabi nya.

"Edi mabuti naman. Dun ka na nga! I don't talk to strangers." Pigil parin ni laraine ang tawa dahil lalong kumunot ang noo nito at nagsalubong ang makakapal na kilay.

"Just tell me if you want to know my name, hindi yung gagamitin mo pa ang phrase na 'i don't talk to strangers'  I won't buy it"  at talagang ginaya pa nito ang tono sa pagsasalita nya sa phrase na iyon.

"Whatever! Umalis kana at wag ka ng magpapakita sakin, malilipasan nanaman ako ng gutom dahil sayo."
Iritable nyang sagot dahil nakakaramdam na sya ng gutom pero hindi sya tinatantanan nito.

"I'm Zayn. Now let's go vien I'll treat you for Midnight snack." Napaawang ang labi nya sa sinabi nito at hindi agad nakapag react na hilahin sya nito papunta sa sasakyan

"A-ah Teka nga! Di ako sasama sayo bitawan mo nga ak--" Pero bago pa nya matapos ang sinasabi ay naipasok na sya sa sasakyan nito at nailagay na ang seatbelt sakanya.

Bababa na sana sya pero narinig nya ang click ng pinto hudyat na nakalock na ito saka umikot patungong driver seat.

"San mo ba ako dadalhin? Sinasabi ko sayo mister! Kapag binenta mo ang mga organs ko at basta nalang itinapon sa kung saan ang katawan ko hinding hindi kita patutulugin! Mumultuhin kita araw araw gabi gabi." Banta nya sa lalaki habang lumilinga linga sa paligid.

"Silly, I'm not a Criminal. But I like it kung araw araw at gabi gabi mo akong mumultuhin!" Humalakhak ang lalaki kaya kinilabutan sya ng husto.

"H-hoy! Hindi magandang biro yan ah! Kapag namatay ako ng maaga jusko baka mabaliw ang mga kapatid ko!" Hysterical nyang sigaw habang pilit binubuksan ang pinto ng kotse kahit umaandar pa ito.

Napasapo ang lalaki sa tiyan kakatawa bago umayos at nagsalita

"I'm not a killer nor a syndicate vien so stop over thinking." Sumiryoso ito at bumalik sa kalsada ang tingin

"Oh sorry naman. San mo ba kasi ako dadalhin? Saka bakit ba vien ka ng vien? Laraine nga kasi." Nahihiya nyang turan sa lalaki.

"Laraine is so common, I like vien, Simple but beautiful." Mahinang sagot sakanya nito. Hindi nya gustong tinatawag sya sa pangalang iyon, dahil naaalala nya kung paano sya lambingin ng ama kapag umuuwi ito.
Hindi nalang sya umimik at hinayaan itong magmaneho.

Maya maya pa ay huminto sila sa isang eleganteng restaurant. Bumaba ang lalaki at pinag buksan sya ng pinto.

Nag aalangan pa syang bumaba dahil sa suot nya.
Plain Maroon fitted long sleeves at white high waist jeans na tinernuhan lang ng Heels na may tatlong pulgada ang haba. Iyon kasi ang suot nya sa pag attend sa graduation ng kapatid kanina, nagbihis lang sya ng pantrabaho pag duty na at isinuot ulit iyon pag uuwi na.

"Come on. Akala ko ba gutom kana?"  Tinanggap nya ang nakalahad nitong kamay at bumaba na ng sasakyan. Saka na yang hiya, gutom muna.

Pag pasok palang nila ay napansin na agad ang mga tao sa paligid. Mag aalas onse na pero marami rami pa ang tao sa restaurant na ito at kung titignang mabuti mukhang mayayaman ang mga ito dahil sa eleganteng pananamit at sopisikadang kilos.

A life with youWhere stories live. Discover now