***Laraine***
Maaga ang pasok ko kaya maaga din akong bumangon para makakain manlang bago umalis. Ayoko namang bumili nanaman ng pagkain sa skwelahan dahil napaka mamahal. Isang order lang ng kanin ay 35 pesos na agad? E halos isang kilong bigas na iyon e.
"Lara anong oras ka umuwi? Hanggang alas diyes lang ang shift mo diba? Bumaba ako ng alas onse wala kapa." Panimula ng ate ko habang matamang nakatingin sakin.
"Wag mo nga akong tignan ng ganyan! May nadaanan kasi akong lalaking walang malay kagabi, bugbug sarado sya kaya humingi ako ng tulong para madala sa ospital okay? Tsk." Paliwanag ko habang sumisimsim ng paborito kong kape.
"Ahh. Akala ko may date ka e, teka may boyfriend kana ba?" Panunukso pa sakin hay nako! Bakit kaya isip bata tong ate ko?
"Tigilan mo nga ako ate leira! Date? Boyfriend? San naman galing yon? Wag mo sabihing naniniwala ka sa mga hinayupak na chismosa sa labas?" Sinadya kong lakasan ang boses ko ng makitang nakatingin samin mula sa labas ang lider ng mga chismosa habang nagkakape. Oh diba? Ke aga aga chismis agad!
Nagkibit balikat lang ang kapatid ko at bumalik na sa anak nya.
Alas otso ang klase ko kaya minadali ko ang paglalakad para hindi malate Iisa lang naman ang klase ko ngayon e, at napaka strikta pa naman ni Ms. Aria baka ipahiya ako nun.
Hooh! Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pa ako late. Ayokong mapahiya noh! Puro matapobre pa naman ang mga estudyante dito.
"Hey bes, buti hindi ka late, baka sabunin ka ni ma'am pag nagka taon." Salubong ni Margareth sakin. Ever since na pumasok ako dito sa FU sya lang ang nagpakita ng kabutihan sakin. Rich kid sya pero hindi matapobreng gaya ng iba.
Naalala ko nung first year college palang ako, madaming nantitrip sakin pero walang nag wawagi, bakit? Gawain ko yon nung high school kaya alam ko kapag pinagtitripan ako.
Pero one time hindi ko nailagan yung Isang baldeng tubig na naka abang sakin, ayun naligo ako ng wala sa oras, gusto kong maiyak nun pero pinigilan ko. Namomroblema ako kung papano uuwi ng ganon dahil wala akong pamalit, kapag nalaman ng ate ko ang nangyari, susugod at susugod yon. Oo napaka warfreak nun, bata o matanda kahit mayaman ka papatulan ka! Ganun kasira ang tuktok nun!Nilapitan ako ni Margareth para tulungan, nung una ayoko pang tanggapin kasi baka isa sya sa gumawa nun or baka may susunod pa silang plano pero wala akong choice. Pinahiram nya yung P.E uniform nya sakin at don nagsimula ang pagkakaibigan namin.
"Earth to laraine!" Kaway nya sa harapan ko kaya napa igtad ako sa gulat.
"Uh, sorry may naalala lang."
"Lagi ka namang nag ii-space out e. Anyway, kamusta weekend maliban sa work syempre." Natatawang nyang sabi.
"Ahh ganun padin nothing new. Alam mo namang simple lang ang buhay ko, pag walang pasok sa school, malamang nasa trabaho or di kaya pipick up ng orders ganun lang." Kibit balikat kong paliwanag.
"Ohh, ang boring. Wala ka bang balak mag boyfriend? Tutulungan kitang mag make over para lumitaw yang ganda mo." Prisinta nya pero tinanggihan ko. Make over? Di ko naman kailangan nyan habang nag tatrabaho noh!
"Tumigil ka nga. Wala pa sa isip ko yan! Saka na siguro kapag may trabaho na ako."
"Come on girl, hindi naman kita pinipilit mag boyfriend, it's just that para tigilan ka na ng mga bullies mostly ng mga lalaki. Malay mo when they realize how beautiful you are baka imbis bully-hin kapa nila ay mainlove sila sayo." Kinikilig nyang sabi habang nag iimagine. Duh!
"Nako kung isa lang sa mga bully na yon ang mainlove sakin mabuti pang wag na lang. I can be single forever." Napaismid sya sa sinabi ko. Oh wala namang masama doon. Nagpapaka totoo lang.
"Gwapo naman si Luke ah, mayaman, maganda ang katawan at talaga namang nakakainlove, ganun din si Ivan at Forth." Pag dating talaga sa gwapo walang pinalalagpas ang babaeng to.
"Dibale ng hindi gwapo o mayaman basta may puso, isa pa wala pa naman sa isip ko yan, naranasan ko na noon yan at talagang sakit lang sa ulo." Paliwanag ko. Nag ka boyfriend naman ako noon nung nasa Bulacan pa ako, pero hindi pa ko ready sa pang matagalang commitment, at mukhang ganun din sya kaya naghiwalay din kami matapos ang ilang buwan.
"Blah blah blah! Basta mag mamake over tayo kapag may free time kana!" Di ko na sya sinagot at saktong dumating naman si Ms.Aria kaya umayos kaming lahat ng upo.
"I'm sorry class hindi ako makakapag lesson ngayon sainyo, I have an emergency and I can't be here Tomorrow so yeah magsaya kayo."
Mataray nyang sabi sabay irap saming lahat. Bata pa si ma'am Aria kung tutuusin parang mag ka edad lang kami pero ang sabi nya 30 years old na daw sya samantalang 23 palang ako. Pero litaw na litaw ang ganda.
Kapatid nya ang owner/founder ng Fontanilla University kaya siguro natural na maganda sya. Minsan ko ng nakita si Madam Zoe Angeli Fontanilla-Buenavidez pero hindi ko makalimutan kung gaano sya kaganda sa edad na 44. Siguro dahil na din may pera kaya na memaintain ang kutis at ganda."Just keep reviewing, final exam will be on next friday, Goodluck guys! And see you when I see you.Bye!"
Pag alis na pag alis ni Ms.Aria ay nagkanya kanyang alisan naman ang mga kaklase ko. Tsk uuwi nalang siguro ako.
"Una na ko Margareth ah? Papahinga muna ako." Tumango lang sya at binalingan yung phone ko.
"Girl di mo ba yan nararamdaman? Kanina pa vibrate ng vibrate yan."
"Ahh oo sige na." Kumaway sya habang naglalakad palayo
Hays sino naman tong Unregistered Number?
"Ah, Hello? Sino ho sila?" Bungad ko para hindi naman masyadong bastos
"Is this Laraine vien Fuentes?" Tanong ng nasa kabilang linya
"Ah yes, sino ho sila?"
"This is Doctor Jona Gonzales of Castillo Medical Hospital, the patient you brought last night is awake and he's looking for you, can you come over?"
"Ganun po ba? Sige po pupunta ako." Nag paalam na si doc sakin kaya dun nalang ako dumiretso.
Kung tutuusin hindi ko naman sagutin yong lalaking yon kaya bakit kailangan ko pang puntahan? Hays! Bakit ba kasi ako pumayag ng hingian nila ako ng contact number?
Mabilis akong nakarating sa ospital dahil malapit lang naman sya. Dumiretso ako sa kwarto nya at gising na nga sya.
"H-hi, H-hinahanap mo daw ako?" Bungad ko kaya nag angat sya ng tingin sakin. May bandage na ang mga sugat nya at wala na ding bakas ng dugo.
"Not really,I just want to know if you're really pretty but I guess the nurses has a poor eyesight. you may leave!" What? The fuck! Is he for real?!
Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya"Aba! Kung alam ko lang na ganyang attitude pala ang meron ka, dapat hindi na kita tinulungan! No wonder nabugbog ka, ang sama naman pala kasi ng ugali mo!!" Bulyaw ko sakanya. Nakakagigil! Itinaya ko ang pahinga ko para lang makaharap sya
Dahil akala ko marunong mag pasalamat. I should have known. Matapobre din!Aalis na sana ako ng may magsalita ang lalaking nakatayo sa gilid nya. "I'm sorry for his attitude miss.anyway, Thankyou for saving his ass, how can we repay you for having a good heart?" bolero! Yun ang masasabi ko sa lalaking nagsasalita.
Sa boses palang nito halatang maharot ito."No need! Hindi ko kailangan ng kahit ano mula sa inyo. I shouldn't help him in the first place, bukod sa maattitude ang lalaking yan, nalipasan pa ako ng gutom dahil sakanya. And please, tigilan mo ang pag papakyut mo. Nakakairita!!" Dire diretso akong naglakad palabas ng hospital.
Ang kapal ng mukha ng lalaking yon! Tinulungan na ganon pa ang ugali? Mabalian sana sya ng mga buto!
YOU ARE READING
A life with you
Non-FictionDISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual even...