"hoy lara umamin ka nga!" Gulat nyang tinignan ang nakatatandang kapatid dahil sa sigaw nito.
Tinanghali na sya ng gising dahil mag aalas nuebe na. Alas onse pa naman ang klase nya kaya hindi nya kailangang mag madali
"Ano nanamang isyu mo ate? Ke aga aga echosera kana din!" Nayayamot nyang sagot.
"Sinong naghatid sayo at naka ferrari pa daw? Saka anong oras kana ba umuwi? San ka nanggaling?" Sunod sunod nitong tanong sakanya kaya nabigla sya.
"San mo naman narinig yan?" Patay malisya nyang tanong at nagsimula ng kumain.
"Dyan sa labas. Ayoko sanang maniwala kaso ikaw daw talaga ang nakita nila dahil dito mismo sa harap ng bahay natin huminto ang sasakyan." Tuloy tuloy nitong sabi sakanya
Pisti lagi aning mga chismosa oy! Bulong nya sa sarili.
"So sino nga? Bakit ba ayaw mong umaming may ka date ka?" Pagtataray pa nito.
"Hindi ako nakipag date! Dami mo namang tanong. Tabi nga dyan."
Hawi nya dito dahil nahaharangan ang TV. Pini-featured pa naman ang buong pamilya ni Madam Zoe na Idol na idol nya. Naiirita na sya sa kapatid dahil walang preno ang bibig nitoKung bakit ba kasi pumayag pa akong magpahatid eh! Sinasabi ko na nga ba pahamak ang lalaking yon!!
"Alam mo lara wala namang problema kung mag boyfriend ka e. Hindi ka naman na bata." Pangungulit pa nito sakanya.
"Ang sabi sa tv, tatlo ang anak ni madam pero bakit hindi pinapakita ang nag iisang lalaki? Gusto ko pa naman makita! Hays." Bulong nya na narinig naman ng kapatid.
"Hoy kinakausap kita! Bakit ba ang laki ng interest mo sa pamilya na yan?"
"Idol ko kasi si Madam Zoe, Ang ganda ganda nya. Sya din ang founder ng pinapasukan kong university." Tumango tango lang ito na mukhang naintindihan na sya
"So ano nga? Boyfriend mo ba yun? Ipakilala mo kasi!"
"Bat ba ang kulit mo ate? Hindi ko nga boyfriend yon! Wala akong boyfriend at hindi date yung kagabi! Tumigil ka na nga!" Sa pang aasar talaga magaling ang kapatid na ito, at dahil pikunin sya, hindi na ito nahihirapang bwisitin sya.
"Suuus! Wag mong sabihin na hindi ka pa nakaka move on kay Jordan? Tagal na nun sis." Pang aasar pa nito na sinasabayan pa ng mapanghusgang titig.
"Pwede ba ate! Tantanan mo ang lovelife ko! Epal ka masyado e palibhasa walang jowa!" Tinawanan lang sya ng kapatid kaya nagpatuloy na sya sa pagkain.
"Ohh yung boyfriend mo tumatawag na yata." Paninimula nanaman ng kapatid kaya napabaling sya sa cellphone na kanina pa pala tumutunog.
"Tsk!" Nayayamot nyang sagot at nagmartsa palabas ng bahay
Unregistered number
Sino naman to?Dahan dahan nyang itinapat sa tenga bago nagsalita
"Ah, hello? Sino ho sila?"bungad nya.
"It's me vien. Let's have a lunch together I'll pick you up." Anang nasa kabilang linya. Vien? Isa lang ang tumatawag nito sakanya
"Hindi pwede! May klase at trabaho pa ako. Bye!" Pinatay nya na ang tawag at napatitig sa screen.
"Oh bakit, inaaaya ka ulit magdate?"
"Ay giahak! Bakit ka ba nandyan?" Gulat nyang sambit sa kapatid.
"Umamin kana kasi! Wala namang magagalit e.maliban nalang kung sinagot mo na si Arvin." Kibit balikat nyang sabi na parang may pinahihiwatig
"Ate pwede ba?! Una si jordan, ngayon si arvin? Tantanan mo na ako! Wala akong ka date at hindi ko din sinagot si arvin kaya ikalma mo na yang bunganga mo!"
YOU ARE READING
A life with you
Non-FictionDISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual even...