Ngayon na ang first day of school namin at ayoko pang pumasok.
"Nakasimangot ka na naman." singit ni Kuya Luke habang ako ay nagmumuni-muni. Sabagay, mahilig talagang mag comfort si Kuya Luke kaya sanay na ko.
Nang makipag-break ako kay Alex nawalan na ko ng pag-asang magmahal mas pinili kasi ni Alex na maging isang mayaman kesa mahalin ako.
Habang nagda-drive si Kuya Luke ay nag-uusap kami. Si Kuya Luke ay kaibigan ko simula pa noong nasa elementarya pa lang kami at ngayong Grade 8 na kami ay magkaibigan pa rin kami.
Sa pagmumuni-muni ko sa may bintana hindi ko napansing nasa tapat na kami ng school namin. Binuksan ko na ang pinto ng passenger seat at lumabas na saka muling isinara 'yon.
Sakto namang nahagip ng mata ko si Alex, ang ex ko. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa classroom namin ay rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga schoolmates ko.
"Uy, Ex niya 'yon, 'di ba?"
"Sayang siya, tsk."
Sa inis ko ay napatakbo na lang ako patungo sa Comfort Room. Sinubukan kong maghilamos para mapakalma ang sarili ko. Pulbos lang naman ang nilagay ko sa mukha ko, walang problema.
Nang paalis na ako ay hindi ko napansin na nandoon rin pala ang kaibigan kong si Athena. Mataman niya akong tinignan bago nagsalita.
"Okay ka lang ba?" tanong niya.
Tumango lang ako dahil alam kong oras na sagutin ko ang tanong niya ay sunud-sunod nang magpapatakan ang mga luha ko.At 'yon ang iniiwasan ko, ang umiyak sa harap nila. Hindi nila ako dapat makitang mahina, hindi pwede.
YOU ARE READING
"sunset memories"(on Going)
Romance"Sunsets are proof that endings can often be beautiful too."