Love together, be with you never"Truth or dare?"
"Dare," I said. Nagbulong-bulungan sila at mahinang tumawa. "Introduce yourself to him." They pointed at the guy beside us. He was alone. Tahimik lang na nagbabasa ng mga libro. Ang boring niya siguro, 'no?
I shrugged. Kinakabahan akong tumayo at lumapit sa kaniya. "Hi," But he remained silent. Ni hindi niya nga ako binalingan! I offered my hand, "I'm Via."
"I'm," Napalunok ako dahil sa lamig ng boses niya. "—Not interested."
I pouted. "What's your name nga?" Inis kong saad. Hinablot ko ang hawak niyang libro at tinignan ang pangalan niya dun. "So you're Kaizer?"
"Obviously," Masungit niyang saad at hinablot ang libro niya. "Nice to meet you," Nakangisi kong saad at bumalik sa lamesa namin.
"Done."
"Ayos 'yun ah? HAHAHA!"
And that's where our love story began.
We've been together for almost 4 years. Masaya kami, sobra. Every day, I fell more into him.
One day, he proposed to me. I didn't hesitate to answer him. Throughout our years of being together, we have been honest with one another. Totoo nga siguro ang quote na, 'Time flies when you're having fun.' Hindi na nga namin namalayan, 5 years na kaming mag asawa.
Gusto ko na talagang makabuo kami ng pamilya, ngunit ang daming pumipigil sa kaniya. He's being very workaholic, at siguro, tira tirang oras nalang niya ang naibibigay niya sa 'kin.
I trust him, pero sa bawat araw na lumilipas...unti unti itong nawawala. Lagi na siyang late umuwi, at kapag tinatanong ko siya tungkol dito, ni hindi niya ako matignan sa mga mata.
Napagtanto ko pang nagdadalang-tao ako, kaya't natakot ako.
Dahil nga't wala siyang oras para sa 'min, ipinadala niya pa dito ang nakababata niyang kapatid na si Kailer. Siya ang nagbabantay sa 'kin lagi, siya ang bumibili ng mga pangangailangan ko. Lalo na kapag sumasakit bigla ang tiyan ko.
Ngumiti ako kay Kaizer. "Girlfriend mo na pala yung boss niyo, SS." Separate soon.
Namutla agad siya kaya't mas lalong nanuyo ang lalamunan ko. "No, r-rumours lang 'yun."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit hindi ka makatingin sa 'kin?"
He sighed. "Look, pagod ako—"
"Alam kong matagal mo na 'kong niloloko," Nakapikit kong saad. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. "Wha—"
"Hindi mo na kailangang magsalita, okay? Marami akong gustong sabihin sa 'yo."
Huminga ako ng malalim. "Alam mo ba, miss na miss na miss na miss na k—kita.." Mahina akong tumawa ng pumiyok ako. "Naiintindihan kong...busy ka sa trabaho mo. At siguro, sa girlfriend mo di—"
"What the heck are you saying?" His voice boomed. "Anong girlfriend? Asawa na nga kita, 'di ba? Paanong magkakaroon ako ng girlfriend?"
"Hmm..perhaps kabit mo."
"Kabit?" He laughed. "Alam mo din ba? Ang sakit lang isipin na ginagawa ko ang lahat para sa'yo..para sa inyo, tapos paghihinalaan mo pa akong nambababae?" He sarcastically said.
"Alam mo din bang mas masakit yung nagsisinungaling ka na sa 'kin?" Sagot ko pabalik.
"Anong alam? Wala kang alam!"
"Ayun nga eh!" I cried. "Hindi na kita kilala! Ang dami ko nang hindi nalalaman tungkol sa asawa ko!"
"Ako din naman. Baka nga may relasyon na kayo ng kapatid ko—"
"Crazy! Hinding hindi ko nga naisip, kailanman, na magkagusto sa iba! Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo, Kai?! Kasal na ako sa 'yo, and I'm in love with you so much! Sa tingin mo kaya ko pang magtaksil?!"
I sighed heavily. "But it's fine. Magiging okay din ako."
That was our last conversation. Ilang months ang lumipas, hindi ko na siya makausap. Hindi ko na rin siya nakikita pa dahil lagi siyang maagang umalis.
Nung nanganak ako, wala siya. Siya sana yung unang unang hahawak sa kamay ko sa time na 'yun, pero hindi niya nagawa. Mas mahalaga pa sa kaniya ang trabaho. Kaya minsan naiisip ko, "Mahal niya pa kaya ako?" Mapait akong ngumingiti sa t'wing naiisip ko 'yan.
Sobrang sakit isipin, na nahihirapan agad ang anak ko pagkapanganak ko sa kaniya. Madalas siyang atakihin ng asthma, kaya't sobrang nakakapanlumo. Namana niya yata 'yun sa 'kin.
Confirmed. "So.. you're having an affair with your boss." Saad ko. "You..lied to me."
"Yes, I lied to you."
I bit my lips. Kung panaginip 'to, sana gisingin niyo na 'ko. "Pero hindi ako naniniwalang hindi ka rin nagsinungaling sa 'kin."
Tinitigan ko siya sa mga mata. "Yes, I lied to you, too."
"See?"
"Isang beses. I-isang beses lang akong nagsinungaling sa 'yo. Do you remember the day I told you that I would be okay too? That was a lie." I smiled bitterly.
"Sa tingin ko, mas makabubuti kung...maghihiwalay nalang tayo." Natigilan din ako sandali sa sinabi ko.
"What?"
Umiling iling ako dahil naninikip na ang aking dibdib. "You heard me right. L-look, masaya naman tayo...nitong mga nakaraang taon. Hindi ako nagsisising pakasalan ka. Yung mga masasayang araw natin? Hinding hindi ko 'yun makakalimutan. I-it w—was...a lot. It just w-wasn't...enough." Tinalikuran ko na siya pagkatapos.
I need to...change. At dahil maghihiwalay na kami, kailangan ko nang maghanap ng trabaho para mamuhay ng hindi siya kasama.
"Favour please? Pakibantayan m-muna yung anak ko." Mahina kong saad.
"Sa'n ka pupunta?"
Hindi agad ako umimik. Maghahanap lang ako ng trabaho... "Sa 'kin nalang muna yun. Pakibantayan siya, okay? Salamat."
Natagalan ako ng araw na iyon. Madilim na nang makauwi ako. I was also disappointed, because I thought, he would do exactly what I asked for. "Why is she here?"
Nandito yung boss niya. Sa bahay namin. "Nagawa mo pa talagang dalhin 'yan dito, ha?!"
Luminga linga ako. "At nasaan ang anak ko?!"
"V-via—"
Tumakbo ako papunta sa guess room. "Where is she.." Naiiyak kong saad. Halos mahimatay ako nang makita ko ang anak kong natutulog. Tinakpan ko ang bunganga ko.
"Baby..." Bulong ko at dahan dahan siyang binuhat. "Pinabayaan niyo lang siya d-dito?"
"V-via.."
"Get out, please." Saad ko sa kaniya.
"Via, I'm s-sorry—" He tried to hug me but I forcefully pushed him.
"Just. Get. Out!" I yelled.
"I'm...so sorry.." Mariin akong pumikit at umiyak nang makalabas na siya. "I'm sorry baby, pabaya si mama." Bulong ko. Hinalikan ko siya ng marahan sa noo.
For the last time, I rock my baby in my arms and sing softly to her. It helps me pretend that she's only sleeping.
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories
RandomA compilation of my one-shot stories (any genre/random). I'm accepting criticism! Thank you.