Little do you know
"Ayos ka lang diyan?" He asked. Tumango agad ako ng ilang beses. "Alright." Ngumiti siya bago umalis.Nanikip agad ang dibdib ko pagkaalis niya. Binalingan ko ang bakanteng upuan sa tabi ko at bumuntong hininga.
Napag isipan kong tumayo muna para lumabas. Pagkatayo ko, napatingin agad ako sa gawi nila Lanz. Nagtatawanan sila habang nag k-kwentuhan. I gulped. Pakiramdam, tutulo na ang luha ko. Shocks.
Napatingin sa akin si Lanz kaya mabilis akong ngumiti ng pilit. Hindi ko na siya hinintay na ngumiti din, naglakad na agad ako pababa sa bus.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. "A-ano bang..." Nahihirapan akong lumunok. "A-ano bang m-meron sa k--kaniya?" Bulong ko.
Umiling agad ako at ginulo ang buhok. Binuksan ko ang gripo at naghilamos. Baka mahalata niyang umiyak ako! Pagkatapos magpunas ng panyo sa mukha ay bumalik na agad ako sa loob ng Bus dahil nasa oras na rin para b-umi-yahe.
Pinilit kong takpan ang mukha ko gamit ang buhok lalo na't napatitig siya sa 'kin. "Umiyak ka?"
"H-huh? H-hindi! Naghilamos lang ako. Haha." Nag hirap hirap magsinungaling. Binalingan ko si Bree sa tabi niya at nginitian. Ang totoo, may sakit kasi si Bree. Kaya kailangan na may magbabantay sa kaniya. And...si Lanz din naman yung may gustong makasama si Bree..instead na ako. But bestfriend niya lang naman ako. Ba't ba parang big deal sa 'kin yun?
"Una na 'ko, Lanz." Saad ko at umakmang aalis na sa tabi nila. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang hawakan niya ang braso ko. "Yana.." Bumilis ng bumilis ang tibok ng puso ko. Nilingon ko siya.
Halata din sa mukha niya ang gulat. Mabilis niyang binitawan ang braso ko at umiwas ng tingin. Umiwas din ako ng tingin at umalis na.
Bumaling lang ako sa bintana. Unti-unti itong lumalabo dahil bigla ring umulan. Biglang may nag play na music sa Bus. I sighed. Kinuha ko agad ang headset ko at nagpatugtog ng mga favourite kong genre ng musics.
Maya maya, biglang may tumabi sa 'kin. Hindi na ako nag atubiling lingunin ito. "Hi Yana."
Napatingin agad ako sa nagsalita. "L-lanz?"
Ngumiti siya. "Dumating na yung kaibigan ni Bree, siya nalang magbabantay sa kaniya."
Kumunot ang noo ko. "H-huh? P-paanong--"
"I texted her friend." Putol niya sa sinabi ko. Napatango nalang ako at umiwas ng tingin.
"Mas kailangan ako ng bestfriend ko." He added.I startled. Inaamin ko, medyo nasaktan ako dahil bestfriend lang talaga yung turing niya sa 'kin. While me...nevermind.
Kinuha niya yung isang headset na nakasuot sa kanan kong tenga at inilagay sa tenga niya. Ngumisi siya at sumandal sa upuan.
Tahimik lang kami buong byahe. Nakatulog na nga siya. Habang ako, nakatulala lang sa may bintana.
Biglang nag play yung song na 'Little Do You Know' kaya mas naging emotional ako. Damang dama ko 'tong kantang 'to.
𝘓𝘪𝘵𝘵𝘭𝘦 𝘥𝘰 𝘺𝘰𝘶 𝘬𝘯𝘰𝘸, 𝘩𝘰𝘸 𝘐'𝘮 𝘣𝘳𝘦𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘩𝘪𝘭𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘧𝘢𝘭𝘭 𝘢𝘴𝘭𝘦𝘦𝘱~
𝘓𝘪𝘵𝘵𝘭𝘦 𝘥𝘰 𝘺𝘰𝘶 𝘬𝘯𝘰𝘸, 𝘐'𝘮 𝘴𝘵𝘪𝘭𝘭 𝘩𝘢𝘶𝘯𝘵𝘦𝘥 𝘣𝘺 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘪𝘦𝘴~
Nasa gitna ako ng paghikbi ko, nang bigla niyang isandal ang ulo niya sa balikat ko. Shocks, pa'no na 'to? Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko pero agad ding bumagsak ang mga panibago. Tinitigan ko ang mukha niya habang tulog na tulog siya. Grabe..ang amo² talaga ng mukha niya. I sighed.
Matagal ko na 'tong tinatago. Itong nararamdaman ko. Sobrang tagal ko nang niloloko ang sarili ko. Palagi kasi akong pinananaigan ng takot.. Takot na baka iwasan niya ako, na baka i-reject niya ako, at baka magalit pa siya. Ayoko talaga.
Well, sa totoo lang.. he's my Ideal man. Hindi ko in-expect na mahuhulog ulit ako sa kaniya. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya dati—bestfriend, I mean.
Lagi ko siyang sinusuportahan sa babaeng gusto niya, kahit durog na durog na ako. Kaya kong gawin ang lahat..maging masaya lang siya. Nasasaktan din kasi ako kapag nasasaktan siya.
Napahikbi ulit ako habang inaalaala yung mga panahon na hindi ko pa siya gusto..pero masaya kami. Gusto kong bumalik sa panahong yun. Yung hindi ako nasasaktan ng ganito. Yung kahit magkagusto pa siya sa iba, wala akong mararamdamang pagkirot sa puso ko.
My dad told me, na darating daw ang lalaking deserve ako after 10 years. Naniniwala ako dun, kahit imposible. I have no choice. Siguro ipakakasal niya ako sa lalaking hindi ko kilala..
Mariin akong pumikit at kinagat ang labi. Ayoko na. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at mabilis na inilipat ang music.
//
HIS P.O.V
Nagising na talaga ang diwa ko nang mapasandal ako sa balikat ni Yana. And..I heard that. Narinig ko ang bawat paghikbi niya, crystal clear. Sinabayan pa ng ganitong music.
Gusto ko na ring umiyak. Nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan siya. Gustuhin ko mang itahan siya ngayon, at yakapin..pero hindi pwede. Ayokong mas palalain pa ang sitwasyon namin. Kung anong meron kami.
Yung mga ngiti niya kanina, alam kong peke yun. At muntik ko nang hindi mapigilan ang sarili ko kanina!
Actually, she's my ex. Yes, ex. We're childhood sweetheart, pero matagal na yun. Kahit na ganun, naging magkaibigan pa rin kami.
Sa totoo lang, ayoko nang magsinungaling. Pagod na pagod na ako. Pero nangako ako sa mama niya after mamatay ng anak namin 6 years ago. Na after 10 years..kapag hindi pa rin nag work, iiwasan ko na siya. Pero ang hirap hirap. Dahil ngayon pa lang, gustong gusto ko na siyang maibalik sa 'kin.
I tried..na kalimutan 'tong nararamdaman ko. Pero hindi ko talaga kaya. Araw araw, mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. Pero ayokong ipakita yun sa kaniya.
Yes, I like Bree. But Yana is different... Sobra.
Tumigil na ang Bus. Binalingan ko siya. "Kain tayo?" Aya ko sa kaniya.
Hindi agad siya umimik. "Sige." Napangiti agad ako at tumayo. Pinauna ko siyang bumaba at sumunod nalang ako.
"Anong gusto mo?"
"Uhm..kahit ano." Natatawa niyang saad. I chuckled. "Alright." Saad ko. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya nang hindi siya nililingon.
Siguro mas okay na ganito muna kami. Patuloy naming lolokohin ang sarili namin, patuloy na magpapanggap. Ayos na ako dito. Ayos na ako na bestfriend ko lang siya kasi mas masaya naman kami.
Habang naglalakad, binalingan ko ang maliit na nakasulat sa braso ko.
' 𝙻𝚊𝚗𝚣𝚈𝚊𝚗𝚊4𝚎𝚟𝚎𝚛 '
4 years pa...4 years pa akong maghihintay, magtitiis at magpapanggap, Yana. Kaya ko naman siguro yun. As long na nakakasama ko siya..Ang babaeng mahal na mahal ko.
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories
RandomA compilation of my one-shot stories (any genre/random). I'm accepting criticism! Thank you.