Sibling-Abuse

2 1 0
                                    

𝗦𝗶𝗯𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗯𝘂𝘀𝗲

"NASAN YUNG CHARGER KO?!" Inis kong sigaw sabay lingon sa kapatid ko. Sinamaan ko agad siya ng tingin.

"Ano? Ako na naman? Wala naman akong ginagawa!"

"May sinabi ba akong pangalan ha? Guilty ka?" Inis kong saad.

"Wala nga sa 'kin!"

Pinanliitan ko siya ng mata. "Anong wala?" saad ko at lumapit sa kaniya. Agad ko siyang tinulak paalis sa inuupuan niya.

"O DIBA?! INUPUAN MO PA!" Inis kong saad at kinuha yung charger ko. "Pano kung napirat to? Laki laki pa naman ng pwet mo! Parang babae!"

Umirap siya. "At least may pwet ako. Eh ikaw? Nawawala?"

Binato ko siya ng unan. Kainis 'tong lalaking 'to. Inamoy ko yung charger. "Tapos ang baho pa! Shocks!? Naghugas ka ba ng maayos ng pwet?"

"Di naman ako tumae! Argh! Mama oh!!"

"Nye nye! Tulog si mama!"

Ngisi ngisi ako ng padyak-padyak siyang umalis.

Pumunta ako sa kwarto para magpatugtog. I grinned. Very obvious na may plano ako. Ha! Ha! Ha!

Pinatugtog ko yung 'Mic drop' na song ng BTS na naka amplifier at nilakasan ang volume.

Sumayaw sayaw ako sa harap ng salamin. "Ten ten tenen ten! Yah nuga nesujodorop de I don't care! Mic drop jalsjdbkakanzavganai!"

Biglang bumukas yung pinto. "Ano ba yan ate! Ang sakit sa tenga! Pakihinaan nga!"

Nag crossed arm ako. "Bakit? Malakas ba?"

"Ay hindi, hindi.Ang hina nga eh. " Aba! Ang sarkisto pa ha! He rolled his eyes then banged the door. "Attityod?" Bulong ko.

Mahina pala, ha. Mas nilakasan ko yung volume at nilakasan din yung pagkanta ko.

"Kwakkkkkkkkk jaba neollll deooo swfavkalanwndkxlaiahdbdjox!" Umakto pa akong nag e-electric guitar. "Bal ballll jeosim neone mal mallll jeosimmmm!!!"

"ATEEEE!!!" Mahina akong tumawa. "Mama si ate oh!!"

Napairap ako. Sumbungero talagang 'to. Future reporter yata 'to o kaya naman lawyer eh!

Biglang pumasok si mama sa kwarto kaya dali dali kong pinatay yung patugtog. "Bakit nagpapatugtog ka ng sobrang lakas?!"

Ngumuso ako. Nilingon ko yung kapatid kong panget na nasa likod pa talaga ni mama! Ano ka, secretary? Padila dila pa siya sa akin habang pinapagalitan ako.

'Kainis ka talaga!' I mouthed him.

/

"Yniciaaaaa! Maghugas ka ng plato!"

Ngumuso ako. "Hoy, Ysmael! Maghugas ka daw ng plato! "

"Anong ako? Ikaw nga inutusan! Inutos sayo, utos mo rin sa iba."

Umirapa ko. "Syempre, ako ate mo! Maghugas ka na dun! Puro ka cellphone diyan! Daming kachat na babae!"

"Houy! Wala akong kachat na babae! "

"Nye nye.. " bulong ko sabay irap.
Pinindot ko ang timer at agad na pumunta sa pwesto. 3...2...1..

"*Woah* *clap* *8*  *wave* WAIT!  Renegadeee renegadee--"

"NYE!"

Inis ko siyang nilingon. "Ano ba?! Bakit ka nakikisali?! Aish! Ganda na ngs ng sayaw ko dun. "

Kinuha ko ang phone at binura yung video. "Puro tiktok!"

"Atleast tiktok lang! Ikaw, puro tilaok diyan! Panget naman ng boses!"

"Atleast marunong kumanta! Ikaw? Iw, no thanks."

Inirapan ko siya at kinuha yung unan para ibato sa kaniya. "ALAM KO NA KUNG BAKIT YNICIA PANGALAN MO! KASI NATUTUWA SIYA PAG NANG BULLY. PERO KAPAG SIYA YUNG INASAR, NAI-YNICIA! HAHA!" saad niya sabay takbo.

Binato ko lahat ng unan sa kaniya. "Kainis ka talaga!!!" Hinabol ko siya para kurutin. "Humanda ka saken--"

"Awww!!" Sigaw ko ng madulas ako. Tawa tawa naman siya sa akin. Naiiyak ko siyang sinamaan ng tingin. "MAMAAAA OH!!" Sumbong ko.

"Anong nangyari?! Bakit? Binubully mo nanaman ate mo?"

"Hindi kaya ma!  Siya yun-"

"Shhh! Maghugas ka dun!"

Ngisi ngisi ako sa kaniya habang pinapagalitan siya. Parang biglang gumaling yung tuhod ko at nakatayo agad ako.

Patalon talon akong naglakad. "Goodluck! Pakisama na rin yung mga plato ko sa kwarto! Thanks!"


One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon