Chapter Seven

8 4 0
                                    

=Syrene=

Bukas na bukas ay pupuntahan ko agad si Sean.

Kailangan ko ng pera para bayaran ang utang ni Mama. Hindi ko alam kung 'yon lang ang inutangan niya pero kailangan ko na raw 'yon bayaran, ASAP.

Si Kuya Alex kasi ang nag ssupply sa amin ng mga skincare products para sa online store ni Mama.

Kapag hindi namin nabayaran 'yon wala na ang store namin.

Bali four thousand nalang ang kulang since binayaran ko na ang three thousand. Mabuti nalang ay may one hundred pang natira para sa pamasahe ko bukas.

"Ma, saan ka ba galing?" tanong ko agad ng makauwi si Mama. Si Jena naman ay nasa kwarto niya.

"Ha? Nag deliver ako, ang dami nga, e."

Oo nga pala, siya ang nag ddeliver sa mga orders. Medyo mahirap lalo na't tricycle lang ang gamit niya at inaarkila pa namin 'yon.

Mabuti na nga lang ay mabait ang kapitbahay namin at binigay nalang na three hundred per day ang tric.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni Mama.

"Maaga pa naman ahh?" ako.

Hapon palang naman.

"Oo nga. Ano bang gusto niyo?"

"Kahit ano" sagot ko.

"Maaaaaaa!" sigaw ni Jena. Nag mamadali pa nga lumabas ng kwarto. As if naman malayo ang tatakbuhin niya.

"Ohh bakit?" tanong ni Mama habang nakangiti.

"Alam mo ma, sa tingin ko ay nakipag date si ate"

Tumingin naman sa akin si Mama na parang kinikilig pa.

Ano bang sinasabi ng bata na 'to?

"Bakit naman?" si Mama.

"Kasi pagka uwi niya bad mood siya e. Alam mo naman si ate ma 'di ba? Kapag may nag confess sa kaniya bigla iinit ang ulo?" paliwanag ni Jena na tumawa pa kaya tumawa rin si Mama.

"Mga baliw.." bulong ko at nag roll ng eyes.

"Oo nga.. na aalala ko pa ang mga naikwento sa atin ng ate mo. Ikaw, na aalala mo pa ba?" tanong ni Mama sa akin.

Nangiinis ba siya?

"Oo.." sabi ko.

Hinding-hindi ko makakalimutan 'yon. Bwisit..

~~past~~

Jeremy Rosario

Hi syrene!

*waving emoji*

HAHA do u know me?

Yeah, y?

U sure?

Yes

U know what? You're
my first love

What?

I miss you. Pwede ka ba
ligawan?

Didn't reply

Ano bang sinasabi ng siraulo na 'yon? Anong akala niya sa akin tanga? 'Yon ba ang tingin nila sa mga babae?!

Unreasonable Love (On-going)Where stories live. Discover now