Chapter Twelve

13 3 2
                                    

=Sean=

Nang makarating ako sa bahay nila Syrene, tahimik lang at patay halos lahat ng ilaw.

Nakakahiya naman kung iistorbohin ko pa sila ng ganitong oras.

Sayang rin naman kasi 'yung mga pinamili ko.

Pero siguro bukas nalang dahil hindi naman masisira 'tong mga 'to.

Paalis na sana ako ng bigla akong tawagin ni Jena mula sa loob.

"Kuya?" tanong ni Jena na parang nagtataka pa.

"Ahh, oo ako nga. Nandiyan ba ang ate mo?" tanong ko at lumapit ulit sa gate.

"Wala po, pero pasok muna po kayo" nakangiti niyang sabi at binuksan ang gate.

Anong oras na pero wala pa rin si Syrene? Ano bang ginagawa nila?

Pumasok ako sa loob at napansin agad na magulo ang bahay nila dahil ang daming nagkalat na papel dito.

"Ano po 'yan? Shawarma nanaman ba?" tanong niya sa akin na itinuro pa ang dala kong mga paper bag.

"Hmm, ito sayo, ito sa ate mo at syempre sa mama mo. Ikaw na ang bahalang mag bigay ha?" sabi ko naman at iniabot sa kaniya lahat.

"Talaga po? Salamat po kuya" sabi niya na abot langit ang ngiti.

Ngumiti lang ako sa kaniya at umupo na sa maliit nilang sofa.

"Where's your mom?" I asked.

"May sakit po, e. Nasa kwarto po siya."

Agad na inilabas ni Jena ang mga pinamili ko at agad itong inilagay sa ref.

"Ahh, ganoon ba.."

"Si ate po kasi ang nag deliver ng mga products ngayon dahil nga po sa sakit ni mama" sabi ni Jena at umupo rin sa sofa gaya ko.

"Oras na, nag deliver pa siya? May kasama ba siya?" tanong ko agad.

Hindi naman tama na mag deliver siya ng mag isa lalo na kung aabot siya ng ganitong oras.

"Hmm, hindi ko po alam e. Pero baka wala po." sabi naman niya.

"Ahh, osige, inihatid ko lang talaga 'yan. Babalik nalang ako rito bukas. Ilock mo ang gate agad ha?" bilin ko sa kaniya at tumayo na.

It must be hard for her to fix these mess. She's too young to do some house chores.

Ang liliit pa naman nila.

"Sige po, hindi ko na po kayo ihahatid, aayusin ko pa po kasi 'to e." sabi niya na mukhang nahihiya pa.

"It's ok.." I said and went outside of their house.

I feel like, they're not safe here, this village is the cheapest. I don't even know if I should call this a 'village'.

"Lock the door and gate, ok? Bye for now" I said and waved my hands towards her.

Nang makalabas ako ng gate ay tinignan ko pa muna si Jena kung ni lock na niya ang pinto, ginawa naman niya.

Pag pasok ko sa kotse, ay sakto naman na bumuhos ng malakas ang ulan.

Unreasonable Love (On-going)Where stories live. Discover now