=Syrene=
"Alam niyo po? Isa lang po 'yung kaibigan ni ate kasi hindi siya palakibo" sabi ni Jena na nakanguso.
Isa?! Akala mo lang 'yon, Jena.
"Bakit?"
"Kasi nga po iwas sya.."
Natawa naman ako dahil sa sagot ni Jena. Ang kulit kasi.
Bigla naman tumingin sa akin si Sean at nag smirk.
"Hmm? 'Di naman kasi siya ganoon sa akin. Siya pa nga ang nagpapunta sa akin rito.."
What the?!
"Talaga po? Alam niyo...."
Hindi ko na narinig pa ang kasunod na sinabi ni Jena dahil binulong niya ito.
"HAHAHAHAHA" tawa ni Sean na para nanamang walang bukas.
"Pff--HAHAHA--P-Pasensya na-- HAHAHA"
Ano bang sinabi ni Jena?!
Nakoooooo
"Ikaw talaga Jena. Baka pinapahiya mo na si Ate mo niyan ha" sabi ni Mama na kalalabas lang sa kwarto niya. Mukha naman siyang masaya.
"Saan ka pupunta, ma?" tanong ko agad ng mapansin ko na may dala siyang bag.
"May nag order pa kasi. Mag sarado kayo ng maaga ha? Aalis na ko" si mama.
"Ingat" ako.
"Ingat po mama" si Jena.
Lalabas na sana si Mama ng pigilan ito ni Sean.
Ano nanaman kaya?
"Teka lang po"
Tumingin naman sa kaniya si Mama na nagtataka.
"Ahh.. mag papaalam po sana ako na--" si Sean.
"Liligawan niyo po si ate?" putol sa kaniya ni Jena.
"Jena.." pag banta naman sa kaniya ni Mama.
Singit kasi ng singit.
"Ayon nga po. Kung pwede po na mag trabaho si Syrene sa store. Hindi naman po pagod roon" sabi niya na nakangiti.
'Yon lang pala.
Iba ang inexpect ko e.
"Talaga? Nako blessing ka palang bata ka" sabi ni mama na abot langit ang ngiti.
Bata?! HAHAHA
"Bata na baliw.." bulong ko nalang at nag roll ng eyes.
Mukha bang bata 'yan?
Kung dati mukha siyang bidang character sa isang novela. Ngayon, para sa akin, mukha na siyang chimpanzee.
"Ayos lang sa akin 'yon. Mabuti nga 'yan para makapag ipon siya habang bakasyon. College na 'yan ngayong pasukan" si mama.
"Ganoon po ba?" si Sean na tumingin pa sa akin
"Hmm.." si mama habang tumatango pa.
"Sige po. Bukas na bukas po ay mag sisimula na siya"
"Salamat ha? Osige una na ako. Kung gusto mo ay bumalik ka pa bukas"
Bago umalis si Mama ay tinapik niya pa ang balikat ni Sean. Chansing rin siya e.
Nang umalis si Mama ay tyaka ako tumayo.
"Paano naman 'yung babae? Edi tatlo na tayo?" tanong ko.

YOU ARE READING
Unreasonable Love (On-going)
Romansa"Dream big, aim high" Syrene has been saying that to herself-- it's always in her mind-- she thought it would help her, but she've reached her ultimate goal because of him. "Halt, the love. Hush, for now. Because there is no love between us, love ai...