Prologue

36 6 0
                                    




"Kael, apo. Kailan ka magkakaanak?"


I gave my cousins a deadly stare when they started laughing. Hinintay ko silang matapos na tumawa. I'm holding a wine at kung sino ang mahuling matawa, itatapon ko sa kaniya 'yong hawak ko. Birthday kasi ni lola and we held a small celebration for her. Lahat ng mga pinsan ko na nasa ibang bansa umuwi para sa birthday niya kaya tuwang tuwa siyang makita lahat kaming apo niya.


"Lola, mas matanda si kuya Matt. Bakit sa akin kayo nanghihingi ng anak?" I asked her then sipped on my glass.


"What? Why me? I did not laugh for your information, Kael." His lifeless looking eyes bore into me. I just rolled my eyes at him and he gave a not-so-fake shock. Ako kasi ang sumunod na mas matanda sa kanya kaya siguro sa akin nanghihingi ng apo si lola. Tsk.


"I did not laugh my ass. Kaharap mo ako uy! Hindi nga dapat ako tatawa, pasimuno ka." Sabi ni Aydan kaya nakatanggap siya kay kuya Matt ng hampas sa likod.


"Isa ka pa, Lucien Bryce. Ikaw itong maraming naging girlfriend. Baka may nabuntis ka na hindi mo lang sinasabi." I told Lucien and I saw how our girl cousins looking at Lucien with judging eyes.


"Huh? Girlfriend? Bro..." he chuckled before continuing what he's saying, "..they are just my friends. Drinking buddies, ganoon. And what buntis? Pfft."


"And you already touch all of them, for sure." Rafael seconded. Rafa, what the...where did he learn stuffs like this?


"Boys, Kylie's here. Your languages, gosh!" Loie Bella said referring to the bunso of our family as she looked at her kuya Lucien.


"And Rafa, for Pete's sake you're studying at a Catholic school. Magpakasanto ka naman kahit konti. Not to mention, you're still in high school."

"Sen high naman na ako."

"Still."

Gwen's just enjoying the bickering in the corner. Napapailing na lang si lola sa mga pinagsasabi namin. Nandito kami sa sala ng heritage house ni lola. We keep on preserving the house because there are many memories in this house. Memories with my loved ones.


"Gusto ko man lang maabutan ang mga magiging apo ko sa tuhod bago ako mamatay." She even chuckled and I don't like the idea. Si lola naman.


"Lola!"


"'La, stop saying those kind of stuffs." The girls are beside her on the long sofa. Nakaakbay si Kylie kay lola habang nakasandal ang ulo nito sa balikat ni lola.


"Hahaha...kailan nga Kael?" Lumakas na naman ang tawanan pero ngayon, mas nangibabaw ang tawa ni Lucien kaya kinuha ko ang yakap na throw pillow ni Rafa at binato sa kanya. So, this is where this pillow got its name from.


Napagtulungan namin si Aydan na kumanta since birthday naman ni lola. He get his guitar and played a song. Later on, we sang-along with him. We did the singing for at least one hour before calling it a day.


It's already past eleven o'clock. Nauna na si lola sa pumunta ng kwarto niya kaya pinaalalay na lang namin siya sa isa sa mga katulong. Pinatulog na rin naman ni kuya Matteo 'yong dalawa niyang kapatid, Kylie at Rafael. Babalik na rin kasi sila ng Baguio. Doon kasi sila nag-aaral. Kuya Matt, on the other hand is busy doing research upstairs. I don't know what's the research all about. He is a licensed physician, Cardiologist to be exact and the family doctor of the Ocampo family.


I'm sharing a room with the whole pack, I mean with the boys. Tulog na silang lahat except for me and kuya Matt. I'm checking my instagram that I haven't visited for a week. Nadaanan ko 'yong post ni Bella na kakapost lang. It's our family picture na kinuhanan kanina lang. I double tapped on the picture and scrolled down. My eyes caught a glimpse of a photo and it's from Bella, again. It was a photo of her with her friends.


My eyes landed on a tall girl. I can tell that I know her. She is a famous fashion designer if I'm not mistaken. Basta it's something like Laurent. Mukhang maldita. Pagtayo pa lang akala mo kung sino.


Morning came. Maagang umalis si kuya Matt for duty. Mamayang hapon pa ang balik noong dalawa sa Baguio. Si Gwen maaga ring umalis para sa taping ng upcoming movie niya. The others are probably, well, still sleeping. The titos and titas nasa kubo sa harap ng bahay. I saw Bella eating her balanced diet breakfast sa dining table. Buti na lang nagluto na rin ng breakfast sina manang para hindi ako ang magluto.


"Morning..." She greeted so I greeted her, too while walking downstairs.


I'm still wearing my paired pajamas, my hair's disheveled. Dumiretso ako sa island counter kung nasaan 'yung mga pangtimpla. Humihikab pa akong nagtitimpla ng kape ko.


"Ah, oo nga pala. You have a friend na Laurent ang apelyido, 'di ba?" I asked Bella while sipping on my cup of coffee. Inaantok pa ako kaya papikit pikit akong umiinom.


Nakita ko pa kung paano lumaki 'yong mata niya sa tanong ko. She sipped on her tea first bago sumulyap sa akin. Nakataas pa 'yong isa niyang paa sa upuan. Mukha siyang siga sa kanto. 'Yong kamay niya na ginagamit niyang pangkain nakapatong sa tuhod niya.


"Si Margaux? Why? Ikaw ah!"


"What? Anong mali sa tanong ko?" Kumunot ang noo kong tumingin sa kanya.


"There's nothing wrong asking if I have a friend whose last name is Laurent. What's wrong here is, you're interested in a girl, kaibigan ko pa. Wow!"


"I don't know if that's an insult. And hey, naalala ko lang. Ang hirap matulog kapag may hindi nasasagot sa utak mo, hindi mo kasi ramdam kasi wala ka noon." I said insulting her pero hindi niya 'ata narinig kasi busy na siya sa phone niya.


She even went to me holding her phone and showed me Margaux's ig account. Nalilito lang akong nakatingin sa kanya habang pinapakita 'yong mukha ni Margaux.


"Anong gagawin ko d'yan?" Tanong ko habang nakatingin sa phone niya.


"Alam mo ang hina mo kaya single ka pa. Mas maarte ka pa sa mga babae d'yan sa labas."


Lagi nilang sinasabi sa akin 'yan. Mas maarte raw ako sa babae. Whoo, stereotypes. Bakit hindi na ba kami pwedeng mag-inarteng mga lalaki? May standards din ako, uy! Tapos 'yong mga babae d'yan sa labas na todo papansin sa aming mga magpipinsan. Akala mo may parada, pabalik balik na maglakad sa harap ng bahay.


Dalawa lang naging ex ko. Isa noong high school, isa noong college. At 'yong dalawang 'yon hindi nagtagal ng isang taon. The high school one lasted for two months and the college lasted for one month. Pagkatapos noon, wala na akong nagustuhan. Napilitan pa ako sa kanila kasi ang dugyot nilang pareho which is I hate the most. Gusto ko malinis.


I thought it would be a peaceful morning kasi tahimik si lola. Nadatnan ko siyang pangiti ngiti lang habang nagdidilig ng mga halaman niya. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o ano.


"Mayap a abak lola..." Bati ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.


"Oh, Kael. Narinig kong gusto mo si Margaux."


Ano na namang nangyayari? Kawawa naman 'yung tao. Hindi niya alam na ilang beses nang nababanggit pangalan niya. Feeling ko nabulunan na 'yon ng ilang beses ngayon. Anong oras na ba ngayon sa France?


"Narinig ko kasi kayong nag-uusap ni Bella kanina." Ang ganda ng ngiti niya kaya hindi ko kayang sirain.


Pati 'ata 'yong nurse ni lola sa tabi, nakikinig. Nagkatinginan kami at agad din siyang napaiwas ng tingin. Nakita ko ito kagabi, eh na nakikitawa. Akala niya hindi ko siya napansin.


"Mabait 'yon. Sobrang lambing. Mukha lang masungit. Hindi mo ba maalala noong bumisita mga kaibigan dito ni Bella?" I barely remember pero naalala kong may bumisita noon dito. Hindi ko lang pinansin.


"Kapag pumunta na kayo ni Bella sa Paris, magkita kayo ah?"


Ngumiti na lang ako habang pinagmamasdan siyang magdilig.


×=×=×=×=×=×=×=×


May a abak
Good morning

La Ville Lumière: Paris (Series Of Cities #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon