Seventy

346 29 8
                                    

Samantha
021419


Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa gitna ng parke na madalas naming puntahan ni Elara sa tuwing gagala kami at magaaya itong kumain ng sorbetes. Malakas ang kabog ng dibdib ko na kahit siguro isang metro pa ang layo sa akin ng tao ay maririnig ito. Kanina ko pa rin paulit-ulit na tinitingnan ang lamesa at dalawang upuan na sinadya kong inilagay sa ilalim ng puno at nilagyan ng mga palamuti upang matiyak na nasa ayos ito.

"Bakit ba ang tagal ng oras?" tanong ko sa sarili habang sumusulyap-sulyap sa relong pambisig.

Ilang araw ko ring pinagisipan at pinagplanuhang mabuti ang lahat para sa araw na ito. Sa una ay nagdalawang isip pa ako kung gagawin ko ba talaga ito dahil maaaring hindi na ako kausapin pa ni Elara pagkatapos nito o kaya naman ay mas malala pa nito ay hindi na niya ako papansining muli na ikinatakot ko ng lubos. Ngunit sa tuwing sasagi sa aking isipan ang mga ikinikilos nito sa tuwing gagawa ako ng isang bagay na hindi lamang gawain ng isang kaibigan ay may kung anong bagay ang nagpapalakas sa aking kalooban. Napangiti ako bigla ng maalala ang sinabi nito sa akin na hindi niya kakayanin kung mawawala ako sa tabi nito. Hindi man katulad ng nais ko ang ibig sabihin ng mga salitang binitawan niya ay may sayang lumukob pa rin sa akin ng maisip na baka sakaling kahit kaunti ay may espesyal itong nararamdaman sa akin. Isa iyon sa nagbigay ng lakas ng loob sa akin upang ituloy ang mga plinano ko.

Nasa malalim akong pagiisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at biglang lumapad ang kaninang ngiti ng makitang nag-haha react si Elara sa post ko kanina. Napailing ako ng makitang ang dami nitong mensahe sa akin na paulit-ulit lang naman na tinatanong ako kung seryoso ba ako sa mga sinabi ko sa kanya. Natawa pa ako ng biglang rumihistro sa isipan ko ang mukha nito sa tuwing iritable ito dahil hindi niya makuha ang gusto.

5:45 pm

Apatnapu't limang minuto na ang lumipas pero wala pa rin ito. Pilit kong inaliw ang sarili upang maiwaglit sa isipan ang kabang nararamdaman at ang kung ano pang negatibong bagay na maaaring pumasok sa isip ko. Nagbukas ako ng facebook at nagtingin ng kung ano ano. Chineck ko rin ang messenger ko dahil baka may importanteng mensahe na hindi ko nabasa. Nang mawalan ng gana ay naisipan ko na lamang na manood sa YouTube.

"Iha, gising." nagmulat ako ng mga mata ng may marinig na boses.


"Hmm.." daing ko nang makaramdaman ng ngawit.

"May kikitain ka ba rito? Alas Singko ng hapon kahapon pa nung huli kitang madaanan dito. Magtitinda na lamang akong muli ngayong umaga pero nandito ka pa rin." sabi ng matandang babae na naglalako ng mga kakanin.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid at nakitang maliwanag na ang sikat ng araw. Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko at kunot noong tiningnan ang orasang pambisig.

06:03 am


It's February 15, 2019. I waited but she never came.

Status Update Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon