Special Chapter

564 26 30
                                    

"Once all struggle is grasped, miracles are possible."

- Mao Zedong -

••

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Samantha habang matamang nakatingin sa isang mataas na gusali. Nagaalangan kung tama ba ang naging desisyon niya na pumunta sa lugar na ito.

"This feels weird. I just want to be in my room." she whispered.

Dalawang buwan na rin ang nakalipas magmula nang mangyari ang hindi inaasahan. Sa bawat araw na lumilipas ay parang isang apoy na tila ba tinatapunan ng tubig na unti-unting nawawalan ng buhay ang dalaga. Sa umaga ay lalabas ito ng kwarto para samahan at tulungan ang ina sa ginagawa at minsan kapag tanghali at hindi kailangan ng ama nito na umalis para magtrabaho ay nakikipaglaro ito rito ng chess. Sa tuwing sasapit naman ang gabi ay maaga itong bumabalik sa kaniyang silid upang ibuhos ang luhang kaniyang pinipigilan sa pagtulo sa tuwing maaalala si Elara hanggang sa mapagod na lamang ito at makatulog.

"I hope it won't last long." she said before finally entering the entrance of the building.

Sa dalawang buwan din na iyon ay pinilit ito ng ina na magpatingin sa doctor. Nasa murang edad kasi ito noon nang mamatay ang kaniyang lolo na siyang maituturing na pinakamalapit sa kanya. Panay ang iyak nito at isang taon din itong hindi nagsalita. Labis ang kaba ng mga magulang niya noon na baka tuluyan itong mapipi kapag nagpatuloy pa iyon kung kaya naman ay hindi nila hinahayaang lumipas ang isang minuto na hindi nila kinakausap ang anak. Laking pasasalamat nila sa Diyos nang mangyari na bigla itong nagsalita. Ayaw na ng mga ito na maulit pa ang nangyari kaya pinilit ng ina nito na magpatingin ito.

"Excuse me, I have an appointment with my doctor." Samantha said as soon as she was asked by the nurse assigned.

"Your name miss?" the nurse asked.

"Samantha Aragon." she answered politely.

Matapos nitong may tingnan sa monitor ay iginiya siya nito sa isang silid na may puting pintuan.

"Nasa loob po ng silid na ito si doktora. Kanina pa po niya kayo hinihintay." maayos na sabi nito saka umalis na.

Bumuga ito ng mahinang hangin bago ay may nanginginig na mga kamay na hinawakan at saka dahan-dahang binuksan ang pinto.

Ito ang unang beses na makikita niya ang doktor na palaging kumakausap sa kaniya araw-araw.

"Finally, you're here." a sweet female voice from the inside said.

Pamilyar ang boses nito dahil boses lamang nito ang naririnig niya sa tuwing maguusap sila sa screen ng telepono nito. Tumanggi kasi itong ipakita ang mukha dahil tiyak na iiyak lamang ito sa tuwing kakausapin ito tungkol sa nangyari at ayaw niyang may ibang makakita sa kaniyang umiiyak. Ngayon lamang ito pumayag na pumunta mismo sa doktor at harapang makipagusap.

"Hi Samantha, how are you today?" she asked politely with a hint of joy in her voice.

Itinaas nito ang ulo mula sa pagkakayuko nito at tiningnan ang doktor na nasa harapan niya na siyang sumalubong sa kaniyang pagpasok.

"W-What.."

Bakas ang gulat sa mukha nito nang makita ang dalagang doktor. Natutop nito ang bibig gamit ang nanginginig na mga kamay at nanlalaki ang mga matang nakatingin ito ng deretso sa kaharap.

"E-Elara?"

..

Yoonike:

Hello everyone! Maraming salamat sa inyong suporta. Ang tagal na rin simula nang matapos ang kwentong ito pero nanghihinayang pa rin ako para sa character ni Sammy. Everyone deserves to be happy kaya naman magkakaroon ng panibagong kwento si Sammy. Ang special chapter na ito ay isang pasilip. Sana katulad ng Status Update ay inyo ring suportahan ito. Hindi na po epistolary ang susunod na kwento pero sana ay magustuhan pa rin ninyo. See you sa susunod na kwento. Keep safe and stay healthy everyone.

Status Update Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon