Two Of Three

339 22 11
                                    

Samantha
04252020

Napayuko ako at napatitig sa nabasag na garapon na naglalaman ng cookies. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Yung pagasa na kaninang pinanghahawakan ko ay biglang naglaho.

"S-Samantha..." basag ang boses na banggit ng ina ni Elara sa pangalan ko.

Nagangat ako ng ulo atsaka tumingin sa kanya ng deretso. Patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mata nito na animo'y parang tubig sa napabayaang gripo. Binawi ko ang aking tingin at isa-isang pinagmasdan ang mga matang nakatingin sa akin. Ang mga tingin nila ay kababakasan ng awa, lungkot at kawalan ng buhay. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa nakikita.

"I-I'm s-sorry." mahinang sabi ko saka madaling lumabas ng silid.

Nanlalabo ang paningin ko habang tumatakbo palabas ng hospital. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng aking mga paa. Natagpuan ko na lang basta ang sarili ko sa isang lugar na puno ng ingay ng mga batang masayang naglalaro. Nang ilibot ko ang aking paningin sa paligid ay mas lalo lamang akong napaiyak. Napa-upo ako sa damuhan ng parke kung saan kami dapat magkikita ni Elara noon habang humahagulgol na parang batang inagawan ng kendi.

6:03 am

Naghintay pa ako ng isang oras, umaasang darating pa siya. Isang oras ulit, baka nakatulog lang siya at nakalimutan ang napagusapan namin. Isang oras pa ulit, iniisip na baka wala lang siyang makitang sasakyan. Hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang oras akong naghintay sa kaniyang pagdating namalayan ko na lang ang sarili kong naglalakad sa ilalim ng malakas na ulan, giniginaw at umiiyak sa sakit.

"Anak, saan ka ba nanggaling? Alalang-alala kami sa'yo. Bakit hindi ka umuwi kagabi? Napatawag pa kami sa mga pulis para lang mahanap ka. Sam, ano bang nangyari sa'yo?"

Wala akong naintindihan maski isa sa mga sinabi ng aking ina. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay imbis na sumagot sa mga tanong niya ay bigla ko na lang itong niyakap.

"Mom, ang s-sakit. Sobrang sakit." umiiyak na sumbong ko sa kanya.

Niyakap niya ako nang mahigpit pabalik. Hinahagod ang aking likuran habang ako ay patuloy na isinusumbong na parang bata ang lahat ng hinanakit ko.

"Magpahinga ka muna. Dadalhan na lang kita ng pagkain sa kwarto mo." sabi ng aking ina ng tumahan na ako sa pag-iyak.

Inalalayan niya akong maglakad paakyat sa kwarto saka lumabas upang maghanda ng makakain habang ako naman ay nagtungo sa banyo. Inalis ang lahat ng saplot sa katawan atsaka inilublob ang sarili sa maligamgam na tubig. Nakatulala lang akong nakatingin sa kisame habang ang luha ko ay patuloy na dumadaloy pababa sa aking mata. Akala ko ay hindi na ako iiyak matapos akong aluhin ng aking ina ngunit nagpatuloy iyon ng isang linggo.


"Sam, anak." gulat na sabi ng aking ina matapos akong makitang lumabas ng aking silid matapos ang isang linggong pagkukulong.

Ngumiti ako sa kanya. Alam kong hindi kaaya-aya ang aking itsura ngayon dahil sigurado akong namamaga pa ang aking mga mata mula sa pag-iyak, namamayat na rin ang aking katawan mula sa hindi pagkain at magulong buhok. Dali-dali ako nitong sinugod nang mahigpit na yakap at hinalikan sa aking noo saka kamo sabay na nagtungo sa hapag kainan kung saan ay nakangiting naghihintay sa amin ang aking ama. Napagdesisyunan kong pumasok na sa school dahil malapit na matapos ang taon at baka maging dahilan pa ng pagliban ko sa klase ang hindi ko pag-graduate.

Nang makababa ng sasakyan ay lahat ng mata nila ay nasa akin nakatingin. Hindi ko alam kung anong dahilan pero isa lang ang napansin ko, may awa sa mga mata nila.

"Don't forget your assignment. See you tomorrow." sabi ng teacher namin bago kami hinayaang makalabas ng silid para mag-recess.

Inilagay ko nang maayos ang gamit ko sa bag saka lumabas at nagtungo sa room nila Elara. Kung hindi ako nito gusto higit pa sa kaibigan ay wala na akong pakialam. Ang mahalaga na lang sa akin sa mga oras na ito ay hindi siya mawala sa aking tabi.

"Excuse me, nasa loob pa ba si Elara?" tanong ko sa isa sa mga kaklase niya.

Tinitigan ako nito na parang nagtataka saka nagtanong, "Hindi mo pa ba alam ang nangyari? Akala ko alam mo na kaya hindi ka pumapasok."

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Naaksidente si Elara last week. Nabangga raw ng sasakyan. May nakarinig sa admin office na nasa hospital daw siya ngayon at comatose raw ang lagay. Nagpunta yung mga magulang niya rito para ipaalam yun. Hindi mo pa b-"

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nito. Mabilis akong tumakbo papuntang admin office para ikumpirma iyon pero ayaw nilang maglabas ng impormasyon kaya naman ay nagmamadali akong nagtungo palabas ng gate ngunit hindi ako pinayagang makalabas ng guard. Wala na akong ibang maisip pa na paraan para makalabas kung kaya nama'y dumaan na ako sa makipot na butas sa likod ng school kung saan madalas lumabas ang mga estudyanteng tumatakas sa klase.

"H-Hello? Si Sam po ito." habang naghahanap ng masasakyan ay tinawagan ko ang number ng mama ni Elara na madali rin naman nitong sinagot. Tinanong ko kung nasaan ito ngayon.

Malakas ang tibok ng puso ko habang nasa loob ng sasakyan. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Kailangan kong makita ngayon si Elara.

"I-Ito po yung bayad." nanginginig ang boses kong sabi saka inabot ang bayad.

Bumaba ako kaagad ng sasakyan at tinungo ang silid na sinabi sa akin ng ina nito. Sa nanginginig na mga kamay ay kumatok ako. Nagbagsakan ang kanina ko pang pinipigil na mga luha ng makita ang walang malay na katawan ng babaeng mahal ko na nakahiga sa hospital bed.

Patuloy pa rin ang pag-iyak ko habang nakaupo sa damuhan nang malakas na tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa. Nang tingnan ko iyon ay nakita ko ang pangalan ng aking ina. Tiyak na nagaalala na ito sa akin ngunit hindi ko iyon sinagot at patuloy na inilabas ang lahat ng sakit gamit ang mga luha.

Sa mahigit na isang taon na ganoon ang kalagayan ni Elara ay walang araw na hindi ko siya binisita. Kapag may pasok ay matapos ang klase ay sa hospital ang deretso ko. Kapag walang pasok ay doon ako natutulog. Akala ko may pag-asa pa na magigising siya pero hindi na nangyari yun. Sabi niya manatili pa ako sa 2019 niya pero siya naman yung unang lumisan.

Status Update Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon