One Of Three

352 26 20
                                    

Samantha
04252020

Mahigit isang taon na ang nakalipas simula nang mapagdesisyunan kong umamin sa nararamdaman ko para kay Elara. Malinaw pa sa aking isipan ang alaala ng mga nangyari ng araw na iyon. Yung magkahalong kaba, saya at hindi maipaliwanag na pakiramdam na lumukob sa akin habang naghihintay sa pagdating niya sa aming tagpuan ngunit maski anino nito ay hindi ko nakita. Paulit-ulit ko itong pinadalhan ng mensahe ngunit ni isa ay wala akong natanggap na tugon mula rito. Isang linggo akong hindi lumabas sa loob ng kwarto ko matapos ang araw na iyon. Pilit na inaalo ang sarili at pinagagaan ang nararamdamang sakit ng unang pagibig. Sa isang linggo na iyon ay hindi man lang siya nagparamdam. Hindi man lang niya ako hinanap o kinumusta man lamang. Ang sikip sa dibdib na para bang biglang bumalik sa dati ang lahat noong mga panahong hindi pa kami magkakilala.

"Sam, anak?" narinig ko ang boses ng aking ina mula sa labas ng pintuan ng aking silid. "Tapos ka na ba mag-ayos? Baka mahuli tayo." dagdag nito.

Nagising ako sa malalim na pagiisip ng marinig ang sinabi nito. Napatingin ako sa nakasaradong pinto na tila ba ay nakikita kong nakatayo ito roon.

"Palabas na po." sagot ko.

"Sumunod ka na lang sa baba at aalis na tayo." sabi nito.

Nang marinig ko na ang papalayong yabag nito ay ibinalik kong muli ang aking paningin sa salaming nasa harapan. Tiningnang muli ang itsura at saka napagdesisyunang tumayo at bumaba na.


Napangiti ang aking ina nang makita akong pababa ng hagdan.

"Nandito na siya." sabi nito sa aking ama na naghihintay na nakaupo sa loob ng sasakyan.

Kinuha ko ang isang garapon ng cookies mula sa lamesa sa kusina saka sumunod na sumakay na sa sasakyan. Ang kaninang lungkot na dulot ng mga alaala ay napalitan ng saya. Patungo kami ngayon sa lugar kung nasaan si Elara upang bisitahin ito at ang pamilya nito. Ilang araw ko rin itong hindi nakita kung kaya naman ay labis na pananabik ang aking nararamdaman sa mga oras na ito.

Manila Doctors Hospital

Tumigil ang sasakyan sa harap ng hospital. Bumaba ako kasama ang aking ina habang ang aking ama naman ay naghahanap ng mapaparadahan.

"Ayusin mo ang buhok mo. Nakakahiya naman kay Elara na ganiyan ang itsura mo." sabi ng aking ina saka nito inayos ang buhok ko.

"Salamat po." nakangiting sabi ko rito at deretsong nagtungo sa silid kung nasaan ang babaeng laging nasa aking isipan.

Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Bumungad sa aking paningin ang likuran ng mga magulang nito, ang ilang nurse at ang doctor.

"Time of death 11:25 am."

Nahulog mula sa aking pagkakahawak ang garapon na naglalaman ng cookies. Kasabay ng tunog ng pagkabasag ay ang paghagulgol ng iyak ng mga magulang ni Elara at ang unti-unting pagkabasag din ng aking puso.

Status Update Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon