MARTIN'S POV
I'm so tired the whole day. Ginabi na rin ako ng uwi dahil talagang napaka dami ng naiwan kong trabaho noong nagbakasyon kami. Bukod pa dun ay inaasikaso ko rin ang ilang detalye sa kasal namin ni Margo.
Speaking of, ni hindi man lang ito tumawag o sumagot man lang sa mga messages ko. Kanina kasi ay tinanong ko ito kung nagkita na ba sila si precious. Pero ni isa sa tanong ko ay wala man lang sagot.
Dumaan muna ako sa kusina para uminom sana ng tubig pero para akong aatakihin sa puso dahil sa gulat.
"Ano ba naman Babae! Papatayin mo ba ko sa gulat? Ayusin mo nga yang sarili mo! " panenermon ko dito. Halos panawan ako ng ulirat dahil sa bruhang to.
Literal na bruha dahil napaka gulo ng buhok niya. Mapagkakamalang nest ng ibon eh. Bukod pa dun ay all white ito. Hawak pa ang isang kutsilyo.
"Bat ngayon ka lang? Hindi mo ba alam na anong oras na mister? Uwi ba ng matinong asawa yan? Kung sabagay. May girlfriend ka pala! " bulyaw nito sakin. Pinulot na nito muli ang apple sa lamesa.
Di ko iyon napansin agad. Kaya siguro ay hawak niya ang kutsilyo. Kumunot ang noo ko sa huling sinabi nito.
"Girlfriend? At sang chismosa mo yan narinig?" taas kilay kong tanong dito. Tinitigan niya pa ko ng masama bago nag walk out.
Napaka isip bata niya talaga. Hayyy
Umakyat na rin ako pagka inom ko ng tubig. Magkatabi na kaming natutulog ni Margo. Naisip ko kasing kailangan na naming masanay ulit sa ganoong set up.
Nakahiga na ito patalikod sa akin ng lumabas ako sa banyo. Humiga na rin ako pagkalaunan.
Ilang saglit pa ay naghihilik na ito.
MARGO'S POV
sinadya ko talagang antayin siya sa kusina. Madalas kasi ay duon ito dumidiretso.
Gusto ko sana siyang awayin dahil sa Precious na yun pero naisip kong wag nalang. Kasal kami at ikakasal ulit ilang linggo mula ngayon pero alam ko namang hindi niya ko mahal.
Well, hindi naman sa mahal ko siya or what. Pero napaka pangit naman na lumalandi pa siya sa iba samantalang may anak na kami.
Umakyat na ako at sinilip muna saglit ang kambal bago pumasok sa kwarto namin. Pinikit ko nalang ang mata ko dahil naiinis pa rin ako sa haliparot na yun.
Pitikin ko ilong niya eh. Mas maganda naman ako dun. Bumuntong hininga nalang ako.
Pumasok din agad si Martin na malandi sa kwarto namin. Dumiritso ito sa banyo. Ilang minuto pa ay narinig kong bumukas ang pinto.
Sinikap ko nalang na wag siyang silipin. Naging ugali ko na kasing pasimpleng titigan ang pandesal ni Martin. Charot. Hahahaha
Naramdaman ko pang lumubog ang kabilang bahagi ng kama. Hayyyyy. Nag damit kaya siya?
Eme lang uy. Di ako gaya nung precious. Hmmp.
Nagpanggap nalang akong humihilik. Kesa mabadtrip ako sa lalaking to siya nalang iinisin ko. Palagi kasi siyang nagrereklamo sa hilik ko. Abot raw hanggang sa kabilang kanto.
Ngayon ay nilakasan ko pa lalo. Hahaha. Bwisit siya. Sana hindi siya makatulog. Napakalandi. Ki lalaking tao napaka harot. Hmmp.
Nasa kasagsagan ako ng pagpapalakas ng hilik ko ng maramdaman ko ang braso ni Martin na nakayakap sakin. Oh my God. Ramdam kong napaka lapit nito sakin.
Napatigil ako sa paghihilik ng maramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko. Jusmiyo marimar! May binabalak ata si Martin. Di ako readyyyyyyy!!!!
"Kamusta ang lakad mo kanina? " biglang sabi nito. Sheks. Alam niya bang gising pa ako?
Hinigit ako nito at pinaharap sa kanya. "Kamusta kako iyong lakad mo kanina? " pag uulit nito. At dahil bisto na ako ay nagmulat nalang ako ng mata. Duhhh alangan namang ilong. Char
Kikiligin na sana ako dahil ang lapit ng mukha ni martin pero naalala ko na naman yung haliparot na babaeng yun.
"hindi masaya. May girlfriend ka pa sa lagay na yan ha? Hoy martin haliparot! May anak na tayo pero kumikiringking ka pa sa ibang babae" pag rarant ko dito. Nakakainis. Lumayo nga ako sa kanya. Gusto ko mang magkadikit kami pero nakakainis siya.