Pagkatapos ng dinner ay nagkwentuhan pa muna kami saglit at nagpaalam ng umuwi. Gusto sana ni mommy ay duon muna kami matulog ngayong gabi pero itinaboy na kami ni dad. Ewan ko ba. May something eh. Dama ko iyon kanina pa.
"Anong napag usapan niyo ni dad? " usisa ko kay martin. Heto nga at pauwi na kami. Kotse niya ang gamit namin. Ipapakuha ko nalang siguro bukas ang akin.
Tumingin muna ito sakin saglit bago ibinalik ang tingin nito sa harapan. "Wala" sagot nito. Tumaas nalang ang kilay ko sa sagot nito.
Sarap na sarap ang mga anak ko sa likod. Kapwa tulog ito maging si yaya ay nakatulog na rin. Siguro ay napagod ito. Napaka kulit na kasi ng kambal.
Pagkarating namin ay agad kong ginising si yaya. Kinarga ko na si Marga at si Morgan naman ay nasa daddy niya.
Hindi na namin inabala si yaya dahil alam kong pagod ito. Hinatid lang namin at binihisan ng pantulog ang dalawa bago kami sabay na pumasok sa kwarto namin.
Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Medyo marami rin ang niluto namin ni mommy. Hindi rin mawala sa isip ko ang tanong nito sa akin kanina.
Bakit nga ba ni isang eksena sa pagsasama namin ni martin bago pa ako magkaanak ay hindi ko maalala? Sumandal ako sa headboard dahil hindi pa ko inaantok.
"Hindi ka pa ba matutulog? " tanong nito sakin pagkalabas nito sa banyo. Umiling lang ako bilang sagot dito. Tinitigan ko pa ito pero agad rin akong nagbawi dahil tumitig rin ito pabalik sa akin.
Humiga ito habang ang ulo ay nasa lap ko. Jusmiyo. Pansin ko ang pagiging sweet nito simula pa kahapon.
Tumitig ito sakin at hinawakan ang kamay ko. "Ginagawa mo? " tanong ko rito. Ayoko kasing mag assume. Dahil di ako palaka. HAHAHAHA
ngumiti pa ito at hinalikan ang kamay ko. "Masama bang maglambing sa asawa ko? " at yun na nga sis. Natulala nalang ako. Sheym naman kasi. Napakaharot ni fafa ngayon.
Kamukhang kamukha niya talaga si Morgan. Napaka gwapo. Hinaplos haplos ko ang buhok niya. Pumikit ito dahil sa ginawa ko. Hawak pa rin nito ang isa kong kamay.
Hindi ko alam kung bakit at papano pero naramdaman ko nalang na hinahalikan ko na siya. Opo. Ako po ang humalik. Napaka harot ko na rin ata
Gumanti rin ito ng halik pagkalaunan. Pero para akong binuhusan ng malamig at agad natauhan sa ginawa ko. Naglikot ang tingin ko. Nakakahiya. Ako pa talaga ang nag initiate.
Maharot kang babae ka. Isip isip ko. Hindi ako makatingin kay martin. Napatingin lang ako rito nang marinig ko itong tumawa.
Bwisit. Nagawa pang tumawa. Nakakahiya talaga. Tatayo na sana ako ng pigilan ako nito. "San punta? Di pa tayo tapos ah" pagbibiro nito.
Inirapan ko lang ito at agad humiga. Nagtalukbong pa ako dahil nahihiya pa rin ako. Di ko alam ano pumasok sa isip ko ay hinalikan ko siya. Ang huling natatandaan ko lang ay tinititigan ko siya habang nakapikit.
Naramdaman ko nalang na pilit inaalis ni martin ang kumot. "Come here baby" tawag nito. Halos mag sirko ang mga intestine ko sa tiyan. Tunay na napaka harot ko. Char.
Ilang saglit pa ay tuluyan na ngang natanggal ni Martin ang damit ko. Ay joke. Yung kumot lang pala. Niyakap ako nito mula sa likod.
"tulog na tayo? " bulong nito sakin. Magrereklamo pa sana ako pero parang mahika na bigla nalang akong inantok at naghikab.
Natulog kaming nasa ganoong posisyon. Magkatabi at yakap yakap niya ako mula sa likod.
Iyon na ata ang pinakamatagal kong tulog. Sarap kaya matulog. Char. Nakatitig pa rin sakin si martin ng magmulat ako. "Good Afternoon Sleepy head " nakangiti nitong bati sakin. Naks. Sweet naman hubby. Enebe.
Ngumiti lang ako rito pabalik. Asa namang babatiin ko siya eh hindi pa ko nag toothbrush. Amoy imburnal pa ang hininga ko.
Tinulungan pa ako nitong tumayo. Nagtataka ko pa itong tinitigan dahil hanggang sa loob ng banyo ay nakasunod ito sakin.
Nilagyan na nito ng toothpaste ang sipilyo ko at iniumang sa akin. Nahihiya man ay hinayaan kong siya ang magsipilyo sakin. Para kaming mag asawa na inlove sa isa't isa.
Hindi ko maiwasang humiling na SANA NGA AY GANUN NALANG