This chapter is dedicated to
Krassss15
devirhelle
shyLicamay______________________________________
Kasalukuyan kaming nasa isang resort para magrelax muna pansamantala.Sunday naman at family day. At isa pa ay magandang way rin daw kasi ito para maging mas komportable kami ni Martin na magkasama. Its my dad's idea. Kasama rin naman namin sila and also martin's parents.
Mas nag eenjoy pa nga yata ang matatanda kesa sa mga anak ko. Heto nga at karga karga ko si morgan dahil takot siya sa dagat. Panay ang iyak noong isama ni martin sa tabing dagat para sana paliguan.
Habang si marga naman ay ayun, kasama ang daddy nya sa buhanginan. Marga's laughters make me so happy. Iyong feeling of contentment ba.
Ngiti ngiti akong nakatingin sa mag ama ko ng biglang bumaling sakin si martin. Laglag panga ko sizt. Ang wafu nya tlga kahit naka kunot ang noo. Naka sando naman siya pero di ko maiwasang hindi mapuna ang magandang katawan nito.
Ako na ang unang nag iwas ng tingin dahil baka matunaw sya, hindi dahil sa init ng araw kundi dahil sa titig ko. Ibinaling ko nalang sa iyakin kong anak ang atensiyon ko.
"you wanna eat morgan anak? " panay kasi ang titig ni morgan sa watermelon. "namnam" sagot nito.
Natatawa na lang akong kumuha ng maliit na portion ng watermelon at isinubo iyon kay morgan.
Marami ang tao dito sa resort pero kahit ganoon ay tlgang makikita mong nag eenjoy ng bawat isa.
Ay makata na tayo masyado sizt.
Anyway, can't blame them. Ang ganda kasi ng ambiance ng lugar. At bukod pa dun ay maganda tlga ang serbisyo nila rito.
Ilang oras pa ay karga ni martin si marga na umiiyak. Panay turo ito sa buhanginan kung saan sila naka pwesto kanina.
"What happened? " bungad ko agad rito. Lalong lumakas ang iyak ni marga. Maging si morgan ay nagsimula na ring umiyak.
Ito ang problema namin sa kambal. Once umiyak si marga ay iiyak na rin si morgan. Parang alam na alam nya tlga ang nararamdaman ng kakambal nya.
"Shhhhh. Stop crying princess. Maglalaro ulit tayo mamaya okay? Masyado na kasing mainit. Hmm? " nag simula itong aluin ni martin. Alam niya kasing kapag tumahan si marga at ganon rin si morgan. Napapangiti na lang ako.
Martin is a great father. Napaka lambing nito sa mga anak namin. Ilang minuto pa ay tumahan na rin ang dalawa sa pag iyak. Kinuha ni martin si morgan at ako naman ang kumalong sa prinsesa namin.
Ganoon ang posisyon namin ni martin ng nagsidatingan na rin sila mommy. Even mayeth is giving me that nanunuksong tingin.
Inirapan ko na lamang siya at nakipaglaro nalang sa mga bata.
______________________________________Hindi na namin namalayan ang oras kaya't ang dapat na isang araw na family outing ay naging three days and two nights.
And now, we're back to reality. Nasa opisina ngayon si martin dahil may mga importante siyang tatapusin bago ang kasal namin.
Kakatagpuin ko rin ngayon ang designer na gumawa ng suit ni martin. Dapat ay siya ang gagawa pero nakiusap syang ako na lamang daw ang makipagkita.
Ewan ko kung isa ba ito sa mga galawang martin kaludkod. Kunwari ako nalang ang makipag meet sa kaibigan niya para maging close kami.
Pfft. Natatawa na lang ako sa mga iniisip ko.
Sinipat ko ang suot kong relo at nakitang I'm 15 minutes earlier. 10:30 kasi dapat sila magkikita pero inagahan ko na.
Tumingin ako sa may pinto para makita ang lalaking papasok. Alam kong lalaki ang kakatagpuin ko dahil "Pre" ang tawag dito ni martin.
10:45 na ay wala pa rin ito. Naiihi na rin ako kaya tumayo muna ako saglit at dumiretso sa restroom.
Saktong pagkaupo ko ay may lumapit na babae sa table kung nasaan ako.
"excuse me" saad nito. Maganda ito at sexy. Well, sobrang sexy pa nga dahil sa suot nitong sobra maka expose ng balat. Di ata uso rito ang mag DAMIT.
Ngumiti naman ako rito. "yes? " tanong ko nalang.
"Uhm, i was supposed to meet my boyfriend and i was told na ito ang pinareserved nyang table" she said again. Napakunot nalang ang noo ko.
"I'm sorry miss but my husband reserved this table for his friend. Baka nagka problema lang. " nakangiti kong sagot kahit gusto ko na siyang sipain. Ang arte kasi magsalita.
Bukod pa roon ay pinagtitinginan na rin kami ng iba pang taong nasa loob ng restaurant.
Dumating na rin ang manager dahil ayaw magpatalo nung babae. Hayan nga't tudo sigaw sa manager. Sobra sigurong mahal ang boyfriend dahil ipinaglalaban ang upuan.
Bigla nitong kinuha ang cellphone nito at may tinawagan. Nakuuuu boyfriend nya siguro.
Ilang minuto pa ay sinabi nito ang pangalan niya sa manager at totoo ngang naka reserve ang table na to under her name.
Bumaling sakin ang manager at tinanong naman ako kung sino raw ba ang nagpa reserve ng table na inuukupa ko.
"My husband. Martin Kaludkod" sagot ko.
"your what?! " nanlilisik na naman ang mata ni ate girl. Bat ba pati relasyon ko sa asawa ko kinukwestiyon nito.
Dumating naman ang isang empleyado at sinabing si Martin nga daw ang nagpa reserve...
Nakangiti na ko ng wagas kay ate girl pero, biglang nalukot ang mukha ko dahil sa sunod na sinabi ng empleyado.
"pinareserved po ni sir martin ang table na to under the name of Precious Brenelyn Malabriga"
"and that's me" singit naman ni ate girl.
"Wait what?! Kala ko ba boyfriend mo ang nagpa reserved ng table na to? " tanong ko muli rito.
Pero asawa ko si martin. Papaanong boyfriend din siya nitong babaeng to.
At kaya pala pre ang tawag dahil short for precious.
Nanlilisik kong tinitigan ang babaeng yun habang iniisip kung pano ko pipilipitin ang leeg ni martin.
Ang walangyang asawa nya, may girlfriend pa palang iba!Umuwi ako sa bahay na isa lang ang iniisip.
Lagot ka sakin Martin!