CHAPTER 6

6 0 0
                                    

Kumunot na naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.  Aba't!  Balak pa atang magmalinis itong haliparot na ito. 

"wag mong sabihing hindi totoo dahil si precious na hitad pa mismo ang nagsabi sa akin at in announce niya pa sa restaurant! " nanggigigil kong saad dito.

Ito ang nakakainis sa mga lalaki eh.  Huli na nga deny pa.  Char.  Selos naman agad self?  Ay joke lang.  Hahahahaha

"naniwala ka naman?  Sa tingin mo ba ay magagawa ko pang lumandi e kulang na nga ang oras ko sa kambal? " rason nito.  At talagang pinitik pa ako sa noo.  Bwisit talaga

"Aray naman!  Nananakit kana ah!  Gusto mo bang kasuhan kita ha?  Makukulong ka at mawawalay sa anak natin hmmp" pagrereklamo ko.  Ang sakit kaya. Napaka laki pa naman ng daliri nitong damulag na to.

"tsk.  Lumapit ka nga dito" utos nito.  Ay wow.  Ano ako ha utusan?  Awit.  Drama pa self. 

"bakit ba? " pag iinarte ko.  Pero lumapit lang din ako.  Bat ba?  Grasya na tatanggihan ko pa?  Ay no way!

"kaibigan ko yun. Tsk.  Magseselos ka nalang sa kaibigan ko pa.  Masyado mo namang pinapahalatang patay na patay ka sakin" tatawa tawa pa ito habang sinasabi yun.  Ay jusko.  "yabang mo!  Assuming masyado ha? "bwelta ko naman. 

Pero halos mawala ako sa katinuan nung bigla niya akong halikan!  Oo sis.  Ni kiss ako ni Martin ko.  Smack lang pero para akong nakuryente. 

Pagkatapos ay yinakap ako nito.  " wag kang magselos dun" yun na ang huling sinabi nito bago ako makarinig ng mahinang hilik. 

Pinisil ko pa ang ilong niya dahil trip ko.  Char.  Akala ko kasi ay charot niya lang na tulog siya.  Totoo na pala.  Sayang.  Pero hindi ko pa rin maiwasan kiligin.  Unang halik niya iyon sakin mula ng magkita kami sa party.

Halos mag a alas kwatro na akong nakatulog. Wag niyo ng tanungin kong bakit.  Baka akusahan niyo pa akong manyak.

Nakaalis na si Martin ng magising ako.  Hindi man lang ako ginising.  "Hi baby" lambing ko kay Marga.  Wala si Morgan dahil hiniram nila mommy.  Ayaw raw kasing sumama ni Marga kaya heto at binibihisan ko siya.  Balak ko kasing sumunod nalang duon.

Hinugot ko ang cellphone sa bulsa ko at nagsimulang magtipa.  Ipagpapaalam ko kay martin Na pupunta ako sa bahay. 

"Kasama ko si Marga, sunod kami sa bahay. Duon kana rin dumiritso.  Dinner"

Pagkatapos kong ma send ay gumayak na kami.  Tahimik lang si Marga sa likod katabi ni yaya.  Lumalaki pa ang mata nito kapag tumitingin sa bandang harap. 

Napakacute na bata.  Manang mana sakin syempre.  Hahahaha

Dumaan pa kami saglit sa paboritong restaurant ni dad at nag take out.  Ilang minuto pa'y inihimpil ko na ang sasakyan sa harap ng bahay.  Karga ko si Marga papasok habang nasa likod lang namin si yaya.

"Hey mom,  dad" bati ko sa mga ito. Kapwa magkatabi at nilalaro si morgan. Panay ang tawa nito.  Paborito talaga nito sila dad.

"come here apo" yakag nito kay Marga.  Agad rin namang inabot ng anak ko ang kamay ni mommy.  Nagkwentuhan pa kami tungkol sa balibalitang boyfriend ni Mayeth.  Madalas raw kasing may kasama itong lalaki.  Isa raw sa modelo nito. 

"kamusta nga pala iyong lakad mo kahapon? " biglang tanong ni daddy.  Natigilan muna ako saglit at pilit na ngumiti.  "Ayos lang dad." tipid na sagot ko. Nag tanong nalang ako ulit tungkol sa rumoured boyfriend ni mayeth. 

Kakababa ko lang dahil pinatulog ko pa ang kambal ng dumating si Martin.  "kanina ka pa? " tanong ko dito.  Agad naman itong lumapit at humalik sa pisngi ko. Nagulat man ay hindi ko nalang pinahalata.

"Halos kakarating ko lang.  Maagang natapos ang meeting kaya dumiritso na ko dito" sagot nito.  Hindi pa rin nito binibitawan ang bewang ko.  Natigil lang ako sa pagtitig dito ng marinig ko ang tikhim ni daddy. 

Tumawa lang si mommy na parang teenager na kinikilig.  Jusko naman.  Umakyat saglit si Martin para tignan ang mga bata.  Sumama naman ako kay mommy sa kusina para magluto.

"don't you remember him anak? " pagkakuwan ay tanong nito.  "Hindi pa po my" mahinang sagot ko.  Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito.  Hindi na rin nag usisa pa si mommy at ipinagpatuloy nalang namin ang pagluluto.

WS: Young, WILD and freeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon