Ikapitong Karupukan

24 5 2
                                    


"WELCOME to the first ever reunion of our batch- " yon lang ang narinig ko sa alumni president namin dahil naghiyawan na sila.

In fairness hah, successful ang mga baliw kong kaklase noon halos lahat talaga.

"Dawnjie Montello?" Nilingon ko ang nagsalita.

Nanlaki pa ang mata ko ng mamukhaan ito.

"Race Yamato?Long time no see ah." Tuwang- tuwa kong saad dito.

Tumawa ito kaya maslalong naningkit ang ang singkit na nitong mga mata. Oh well, ex ko sya- ex crush. Harot.

"Kaya nga e, I heard doctor kana ah." Magiliw na saad nito.

"At Engineer kana raw." Natawa kami pareho.

Ibang klase rin at mas pumugi ito ngayon balibhasa may lahing hapon ito.

Nag umpisa ang kasiyahan at nakipagsalamuha kami sa iba. Ang saya lang kasi after the hardship and chasing our dreams ay ito na nga hawak na namin.

"So, kayo ba ay may mga asawa na?" Curious na tanong ng isang ka- klase namin.

Umiling ang iba habang proud namang tumango ang iba.

"Ikaw Dawn, single or married?" Ngayon ako naman ang nakita nila. Umiling ako saka tumawa.

"Single." Single mom, yon sana ang tamang sagot.

"Wohhh ayan ang air force and Navy natin."

Lahat ng atensyon ay nabaling sa mga dumating na pulos naka unipormi pa. Agad na nagtatalon ang puso ko ng magtama ang paningin namin, paktay na.

Pinagpawisan ang kamay ko sa seryosong titig nito sa akin.

"Trav, restroom lang ako." Bilon ko sa kaibigan kong ngumisi lang.

"Ayan friend, magtago kana at baka umiral na naman ang karupukan mo." Inirapan ko si Hara saka naglakad palabas ng venue hindi naman talaga restroom ang punta ko e.

"Are you avoiding me?" Napatalon ako.

"Ay hotdog mo!" Naitakip ko ang isang kamay sa bibig ko. Pahamak naman.

Slow motion pa ang ginawa kong maglingon sa kanya habang kinakalma ang sariling puso.

"Wag ka ngang sulpot ng sulpot." Tumaas naman ang kilay nito habang seryoso parin ang tingin.

"Sabihin mo nga bakit mo ako nilayasan? For pate sake woman dapat nag usap muna tayo at akala mo ba hindi ko alam na may anak tayo." Napakagat labi ako.

Hindi ko din alam kong galit ba ito dahil natural naman ang tuno nito at seryoso lang ang mukha.

"Wag mo akong daanin sa kagat labi mo Dae baka magahasa kita." Ay ang wild.

Ayos lang naman kung gahasain ako ng Navy na ito. Ay L*ntik ang harot mo Dae kaya ka naaanakan e.

"Sino naman ang nagsabi sayong may anak tayo?" Hilaw na ngiti ang naibigay ko rito pano kinakabahan talaga ako.

"I have my ways, babe." Aw kinilig ang bituka ko.

"At dahil marami kang utang sa akin maniningil na ako." Mabilis syang naglakad papunta sa akin at hinigit ako sa kotse nya.

"Utang? At saan mo ba ako dadalhin?" Tumigil sya saka ngumisi. Ito na nga ba e.

"Sa langit." Kinilabutan ako.

Nag iwas ako ng tingin rito. Sorry mga anak magkakaroon yata kayo ng kapatid sa murang edad, marupok kasi ang mommy nyo e saka ang gwapo kasi ng Daddy nyo.

Huhu.










#Marupok

Karupukan gone wrong -under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon