"AYAN buntis kana naman, magaling." Ngumuso ako sa sarkasmong saad ni Travy."Nang umulan yata ng karupukan ay hindi ka nakuntento sa pagtatampisaw kaya nilunok mo pa, bruha ka." Napabaling ako kay Hara na syang nagsalita.
"Masarap- este marupok kasi ako." Napakamot ako sa pisnge habang tinaasan lang nila ako ng kilay. Huli ka Dawn.
"Kung sabagay masarap naman talaga si Hex." Saad ni Travy umismid naman si Hara rito.
"A t asan ang magaling na iyon?" Baling ulit ni Hara sa akin kaya napangisi ako ng hilaw rito.
"Hindi ko alam baka nasa trabaho." Napapikit ako ng abahan nito akong sapukin. Kasapok- sapok naman talaga.
"Ano yon? Aba parang tumae lang sya at umalis ah." Kunot noong saad ni Travy.
Ngumuso ako, paano kasi tinakasan ko naman si Hex kinaumagahan.
"Pasalamat ka walang sabit iyang lalaki mo kunh meron pa ingu- ngungod talaga kita sa inidurong malandi ka." Nakanguso lang ako sa panenermon ni Hara sa akin kanina pa.
"Sorry na kasi nandito na e." Wala na akong magagawa nandito na ang baby e.
Kasalanan ko naman talaga pero bakit kasi ang rupok pagdating kay Hex? Nakakainis.
"Malamang ano pa nga ba." Umirap pa si Travy.
Ngumiti ako sa kanila kaso inirapan nila ako kaya napanguso ulit ako.
"JORSHAN Hex please sit down." Napakamot ako sa ulo kanina pa kasi naglulumikot ang mga batang ito.
"Jorson bumaba ka dyan sa sofa." Juice miong mga bubwit ito.
Sige mag anak ka pa self para naman maaga kang tumanda.
"Hija, may bisita ka sa labas papasukin ko ba?" Tumango ako kay manang na kasama ko dito sa bahay may sariling bahay naman kasi ako.
"Baby Jorson bumaba ka naman na dyan nak." Pamamakaawa ko sa anak kong ginawa ng kabayo ang sandalan ng sofa.
"No Mommy I wanna ride." Napahilot ako sa aking sintido.
"Ikaw Jorshan bakit sa sahig ka nakaupo?" Baling ko anak kong tulog na pala sa sahig buti at may matt naman.
"Big boy, bumaba ka na dyan." Para naman akong na freeze sa baritonong boses na iyon.
"Papa? Your here." Tuwang- tuwang bumaba ang anak ko sa sofa at tinakbo ang lalaki sa may bungad ng sala.
Habang ang isang kambal naman ay pungas pungas pang tumayo at sumunod sa kakambal naiwan naman akong nakamaang lang.
Kumurap- kurap ako saka bumaling sa kanila.
"Hi." Bati nito. Wow? Nagawa nya pang mag hi hah?
"Nice, buhay ka pa pala?" Inirapan ko sya.
Right, hindi naman ako galit sadyang nagtatampo lang talaga paano it's been five months na ang nakalipas.
Naglakad sya palapit sa akin kasama ang kambal.
"We should catch up." Umismid ako, the last time we catched up e iba ang nangyari.
"No." Mariin at taas kilay kong sabi.
"You look so beautiful and very pregnant." Napa ayos ako nag upo sa sofa dahil sa pangahas nyang titig.
"Boys, go and play with your toys while mommy and papa is talking." Agad naman tumalima ang kambal sa sinaad ng ama.
Matilim ko syang tiningnan habang umuupo sya sa tabi ko.
Sh*t this man for being handsome.