Unang Karupukan

96 7 3
                                    


"ANO ka ba? Magbi- bikini lang eh." Kanina pa ako sene- sermunan nitong si Travy dahil sa ayaw kong magsuot ng bikini.

"Ayaw ko, hindi ko carry yon promise." Sino ba kasing matinong nagpa uso ng bikini na yan?

"Hoy bruha, nasa city ka wala ka sa probinsya." Singit ni Hara na kaibigan ko rin.

Umismid ako palibhasa ang sanay sila sa ganoon samantalang ako hindi kasi hindi naman ako mahilig sa mga ganoon.

"Sige angal pa ibabalibag kita." Ngumuso ako kay Travy na matalim ang tingin sakin.

Wala na naman akong takas dito e nag dragon mode na ito.



"HUBARIN mo yang Short Dawnjie." Ito na naman kaming tatlo nag aaway sa tabing dagat.

"Ayaw ko pinagbigyan ko na nga namagbikini e." Sagot ko kay Hara na umirap nalang.

"Bahala ka nga dyan padalang pilipina kapa e marupok ka naman." Saad ni Travy bago nag tampisaw sa dagat.

Tumingin ako kay Hara.

"Heh!" Saka ito sumunod kay Travy mga bruha iniwan ako.

Bumuntong hininga nalang ako saka rin sumunod sa dagat. Nasa bakasyon kasi kaming tatlo for dahil kakabalik ko lang galing New York kaya bonding daw.

Kahit naman nasa New York ako ay hindi naman ako nakakagala dahil puro aral ang ginawa ko.

WE'RE having a fine dinner dito parin sa resort sinulit na namin ang bonding dahil babalik naman ako sa NY sa makalawa.

"By the way Dawn gusto mo parin ba si Hex?" Napakunot ang nuo ko sa tanong ni Travy habang nakangisi naman ito.

"Oh interesting, sya parin ba?" Napatingin naman ako kay Hara na tumaas taas pa ang kilay.

Kinagat ko ang ibabang labi ng maalala ko ang tinutukoy. Aw kinilig tuloy ako.


Karupukan gone wrong -under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon