First Chapty =)

5.7K 161 4
                                    


Princess POV:

         I'm silently lying in my bed. Kakagising ko mula sa mahimbing na tulog. Kanina pa ako nagising pero I haven't move an inch, nakatingin lang ako sa kawalan.

       Pasukan na ulit bukas, ano kaya ang mangyayari? I'm not one of those teenage students na excited sa first day of school. new friends? I prefer being alone. but don't get me wrong, I still have friends.

    Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko nasa side desk ng kama ko.

  1 message received

     Hi Beauty, Mall later. see ya :*
                                          -Shandra

       Kakauwi lang namin galing sa korea kahapon kaya hindi pa kami nakakabili ng gamit para sa pasukan. Kung ako pagpipiliin, basta't may ballpen at notebook lang ay swak na. Pero maraming kaartehan sa mundo ang mga babaeng kasama ko kaya naisipan nila mag shopping.

       Naligo na ako at nag-ayos. 10am ang usapan namin, may 30 minutes  pa naman bago mag 10am. Kinuha ko yung ipod ko at nagpatogtog.

     Anyway, I'm Princess Beauty Cruzyl, 16 years of age. Mas gusto kong tinatawag na Beauty kaysa Princess. Ayaw na ayaw kong tinatawag ako nun. Masyadong pambabae yung pangalan ko kaya naiirita ako. May Princess na nga may Beauty pa. Lintek na yan.

4th year highschool na ako ngayong pasukan. I'm known as "cold princess" sapagkat cold ako sa lahat ng taong nakakasalamuha ko. Lumaki ako sa Korea at dun din ako nag-aaral—well before. naisipan ng mga magulang ko na dapat ko daw maranasan ang mag aral dito sa pilipinas kasama ang mga kapatid ko. and I have nothing to do with that.

           Someone knocked on my door, binuksan ko ito at bumungad sakin si Shandra. Isa sa mga kaibigan kong babae. Tatlo silang mga kaibigan ko.

         "Hi Beauty!" Shandra.

         Tumango lang ako. I locked my door at sabay kaming bumaba. Maya't maya ay dumating na yung iba kaya pumunta na sa kami sa mall.

Pagdating namin sa mall ay agad namili ang mga kasama ko. Balak ata nilang pasukin ang lahat ng shops dito dahil kanina pa kaming palipat lipat. Kaya ayaw na ayaw ko kasama sa pagm-mall ang mga lintek na to dahil namimistulang fieldtrip yung ginawa namin.

          Tanghali na, kaya pumunta muna kami sa KFC para kumain. si Shandra at Yen ang nag-order habang kami ni Kara naman ay naghanap ng mauupuan.

         Maya't maya ay bumalik na rin sila dala dala yung mga pagkain namin. Inilapag nila ito sa lamesa at sinimulan na naming kumain.

      
        Habang kumakain ay napag-usapan nila yung skwelahan kung saan kami mag-aaral simula bukas, High Academy.

        ang High Academy ay isa sa mga pinakasakit na iskwelahan sa buong mundo. Halos mayayaman ang nag-aaral dito sapagkat napakamahal ng tuition fee nila. May mga scholarships naman dito kaya kung hindi ka ganun ka ganun ka aseson. sa buhay ay pwede ka magtake ng scholarships.

         "Who's Excited?" Yen. sabay nilang tinaas ang mga kamay nila —maliban sakin.

       "Ikaw Beauty, di ka ba excited?" Shandra. I just shrugged at pinagpatuloy kainin ang fries ko. sanay naman sila ganito ako eh. Sino bang taong excited mag-aral???

       "Ano pa nga ba?" kibit balikat na sabi ni Kara.

        Dumaan muna kami sa Watsons, ang wonderland ng mga babae. Wala naman akong hilig sa makeup kaya pumunta nalang ako sa gilid.

     Nakuha ang atensyon sa lalaking nagtitingin sa mga make up. Nilapitan siya nung saleslady at tinanong, "Hi sir, is there something that I can help?" Nandiri ako sa paraan ng pagsalita nung babae. Ipit yung boses niya at halatang nagpapacute sa lalaki.

     Iniwas ko na yung paningin ko at pumikit nalang. buti nalang may upoan dito, yung ibang watsons kasi walang mga upuan. kawawa tuloy yung mga jowang napilitan lang sumama.

      Pagkatapos namin dun ay pumunta sila sa Salon, magpapa 'newlook' daw kasi sila. Akala mo naman may ibabago pa yung mga  pagmumukha nila. umupo nalang ulit ako dun sa sulok. Lintek na yan naawa na aki sa puwet ko kakaupo.

"Stay put ka lang dyan, ok? Dont you dare leave us here." Yen. Tumango ako bilang sagot. Tss.

Natural na Black at mahaba hanggang puwetan ang buhok ko kaya hindi ko na kailangang galawin ito. Ilang beses na nila akong pinilit magkulay at ilang beses ko na rin sila rineject. Mga pakialamera masyado sa buhok. Hindi ko nga sila pinakialaman kahit iniisa isa na nila ang mga kulay sa crayola.

      Matapos ang ilang oras ng paghihintay ay natapos na din sila, Buti naman. Kunti nalang kasi ay iiwanan ko na sila at umuwi. Ayoko sa lahat ay  yung pinaghihintay ako.

         Umuwi na kami pagkatapos.
nagpaalam na sila sakin at ganun din ako.

        Pumasok na ako sa loob ng bahay. Nadatnan ko sila Queen At King sa sala na nunuod ng tv habang kumakain ng pizza. Kapatid ko silang dalawa at pangalan pa lang malalaman mong kambal sila. Hindi nama ganun kalayo yung agwat namin, matanda lang ako ng isang taon sa kanila.

        "Hi Ate." Bati sakin ni Queen na nasa tv nakatingin.

          Tumango lang ako at umakyat na papunta sa kwarto. bumaba lang ulit ako para kumain ng dinner.

         Nagpahinga ako saglit at naligo na rin. Hayss ang sarap talaga sa katawan ng tubig.

   Inayos ko yung mga gamit ko bago humiga. Sinet ko yung alarm clock ko at pumikit. Maya't maya ay nakatulog na rin ako.

Zzzzzzzzz...







       
----------------

The Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon