Pinalis ko ang pawis na nasa aking noo at nagsimulang suriin ang mga lupaing pinagtaniman ko ng mga iba’t-ibang gulay at prutas. Sa ilang taon kong pananatili dito ay ngayon lamang ako nakakuha ng satisfaction sa pagtatanim.
Nilibot ko ang lugar at isa-isang sinusuri ang mga pananim. Hinding-hindi ako magsasawang gawin ito araw-araw. Ito lamang ang tanging magandang nangyari sa tatlong taon ko rito. It was a hard and wrecking start, but at the end of the year it was profitable for us.
Nakuntento ako dito. Ang kulang na lang ay siya.
How are you?
Napatingala ako sa sinag nang araw at ngumiti na lamang bago sumigaw ng kagalakan!
“Hoy, Joji, bakit ang ingay mo?”
Agad akong napalingon sa likod ko at nakita si Leo na nakahilig sa isang puno ng mangga. Tumawa ako dahil halatang naistorbo ko ang kanyang pagtulog.
“Masaya ako.” sabi ko.
Pumikit na lamang siya ulit at tinakpan ang kanyang mukha ng sumbrero.
“Huwag kang patulog-tulog dyan Leo at tinatawag ka nga pala ni Aling Baleng.” huling sabi ko sa kanya bago umalis sa harapan niya.
Hinubad ko ang aking t-shirt at binaladra na lamang ang katawan. Alam kong ako lang mag-isa dito naglilibot sa mga pananim. Nakita ko ang isangkamatis na pulang-pula at malusog na kaya pinitas ko iyon at nilagay sa bayong na dala. Yun ang ginawa ko sa buong araw na paglilibot na parang namamalengke lamang.
Napuno ang bayong ko ng mga gulay at prutas. Binalak kong pumunta sa ilog na malapit rito para maghugas ng kamay at ng mga pinitas ko. Isa-isa ko iyong nililinis kahit na pinagtitinginan ako ng ibang nanay na naglalaba sa kabilang dako.
Sabi nila ay gawain daw ito ng mga babae ngunit dahil wala akong asawa at kahit naman pakasalan ko iyon ay hindi niya gagawin ito. Naging stress reliever ko na ang pagtanim, pagkuha at paghugas ng mga gulay at prutas bago ako umuwi sa amin. Libangan ko, kumbaga.
Isinawalang bahala ko na ang kanilang paninitig dahil wala akong pakialam kung magmukha akong bading sa paningin nila dahil unang-una, alam kong gwapo akong lalaki.
Pagkatapos sa paghugas ay umuwi na nga ako sa mansyon na binili ko. Ako, at ang mga kasambahay lamang ang naninirahan dito.
My parents were furious about this whole farming business. Ano pa inaasahan mo? Lagi naman. Mga pakialamero. Hindi na lang sumaya para sa mga anak, gusto pa nilang mangialam. Mabuti sana kung tama yung desisyon. Hindi naman.
My life. My choice. My decisions. Wala kayong pakialam.
Naligo ako at kumain ng mag-isa sa dining kahit na ang haba ng lamesa at maraming upuan ang nandito. Ano bang aasahan? Mag-isa lamang ang may-ari.
Nang mahiga sa kamay ay tulala akong nakatingin sa kisame. Kamusta na kaya yun?
She was a child back then, yet, mentally abused.
Kahit ilang gulang pa ang tanda ko sa kanya, hindi ko naman sya pinatulan. She sees me as her brother since biologically she had none.
Lagi ako noon kina Tiyo Rodrigo at Tiya Celia. May-ari ng isang fishing company si Tito Rodrigo kaya lagi din akong pumupunta doon. Masyado akong mahilig sa isda, kakainin man o hindi. My parents never paid attention to me, the reason why it was easy to sneak out and go to Tito’s house where his office is.
Lahat ng trabahante ni Tito ay puro kamag-anak niya. From his office to all the naval movement, it was all his relatives. That’s how I met his brother’s daughters, Faith and Hope.
BINABASA MO ANG
Yellow Ribbon
Novela JuvenilFirst story of my Remembrance Series. Dennise Hope Santillan