Chapter Twenty-five

109 6 0
                                    

Sa umaga ay si Hope ang nagbabantay kay Ate Jan sa hospital. Ako sa hapon at sa gabi naman ay si kuya. Ilang araw pa ang lumipas sa pag-alaga namin at pagbantay sa kanya hanggang sa nakauwi na si ate Jan sa mansyon ko. Hindi pa pwedeng tumira ang mga sanggol at si ate sa mansyon ng mga Lobregat dahil nagsimula nang irenovate ito.

Parang tanga, dapat hindi muna nila pinarenovate iyon, at ayan tuloy ang sitwasyon namin. Si Hope ay tumutuloy sa flower shop niya dahil nasa taas nito ay kwarto niya na. Medyo malaki nga ang building ng flower shop niya. Kaya siguro napagplanuhan niyang doon siya tumira habang inaayos ang mansyon ng mga Lobregat.

We bought the twins a crib and things they needed. Wala akong masyadong alam doon. Kahit naman naalagaan ko na si Madrid noon, ngunit, nasa dalawang gulang na, naglalakad at hindi na din dumedede. Mayabang din ang batang iyon.

Sa lahat ng pagkakataon, kasama ko si Hope. Pakiramdam ko pinagplanuhan ito ng kapatid ko. Duda na ako nang nagbigay siya ng katwiran babantayan niya ang pamilya niya kaya kami na raw ang bumili sa pangangailangan nito.

Matiwasay naman ang araw na ito. Si Hope na panay ang tawa at ngiti sa akin, kapag naman kausap ang ibang tao ay maglalaho iyon. Masama rin ang pinupukol niyang tingin, paminsan nahihimigan kong galit pa siya tono ng pananalita. I just observed her. Alam kong maldita na talaga ang isang ito pero hindi ganito kalala.

“Bibisita ako bukas sa mansyon mo. Anong gusto mong pagkain para makapagdala ako?” tinaasan ko siya ng kilay.

“Huwag na. Bisita ka naman. Kami na bahala doon.” sagot ko.

“Kami?” sya naman ngayon ang nagtaas ng kilay sa akin.

“Oo, kami.”

“Bakit ‘kami’? eh, ang sabi sa akin ni kuya ikaw lang naman nakatira doon at mga kasambahay.” ngumuso siya. May tunog ng pagtatampo, kumunot ang noo ko. Anong iniisip nito?

“Oo nga, kaya nga ‘kami’.” unti-unti siyang umiwas ng tingin sa akin. I smirked.

Ngumuso ako para itago ang ngiti ko nang ibalik niya ang tingin sa akin.

“Ah. Basta! Dadala na lang ako ng panghimagas.” suhestiyon niya. Tumango na lang ako, gusto niya yan, eh. Pero…

“Okay naman kahit wag na.” Binalingan niya ako ulit ng tingin.

“Eh, gusto ko nga magdala!”

“Okay. Pero okay lang din kahit wag na.” gusto kong tumawa dito.

Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin ng mapansing natatawa ako sa gilid niya. Nasa mall pa rin kami ngayon at kumakain ng pananghalian sa isang restaurant. Ayaw niya nang kumain sa fast food dahil memoryado niya na daw iyon, pasalamatkay ate Jan.

“May napansin ako.” pahayag niya ng humihigop kami ng sabaw. Hinintay ko ang karugtong noon, ngumisi siya.

“Mas bagay pala sayo ang mahabang buhok.” Piniigilan kong ngumisi gamit ang pagnguso.

Walang pinipiling oras ang kalandian.

“Gwapo kasi ako.” sumimangot naman siya agad.

“Ang unfair talaga.” bigla niyang sabi kaya napatigil ako sa paghigop ng sabaw.

“Bakit naman? Sabagay, unfair nga.” Ano nanaman kaya tumatakbo sa utak nito?

“Ang gwapo mo, mayaman ka, mabait, tapos responsable. Hindi ba pwedeng mamigay ka naman sa ibang tao ng ugali mo?” inirapan ko siya.

Lalandi ka ba o magrereklamo?

“Hindi ako iyan. Alam kong gwapo ako, pero hindi ako mabait. Mayaman ako, dahil naging responsable ako sa buhay ko. Yun lang yun.”

Yellow Ribbon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon