I've been sulking for a whole week. My parents didn't ask me anything but I knew they were worried. Wala na akong pakialam sa pag-aaral ko at hindi na rinnako pumapasok ng eskwelahan. Every time I tried getting out of my room I feel suffocating and it wasn't healthy.
Madalas na rin akong matulala sa kwarto ko. Dinadalhan lamang ako ni Mama ng pagkain, bumisita na rin si Bonita sa akin, at nakita ko rin ang madalas na pagbisita ni Joji.
Nasaktan ako. Hindi ko man lang namalayan na nasaktan ako. I just realized the pain when I was left alone in my room. Hindi ko na kayang lumabas ng bahay. Ganito ba talaga ako kahina? Ang saya na ni Arlet kung ganoon.
After getting betrayed, I got stung when Joji doubted me. Hindi ko aakalain sa kanya pa talaga. Siguro, tanggap ko pa kung si Arlet ang gaganon sa akin, pero si Joji? Okay lang ba talaga sya noong mga oras na yun?
Napahila ako sa aking buhok sa sobrang inis at gulong-gulo sa mga iniisip. How I wish I could just wash this away from me.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakarinig ng katok sa aking pintuan. I thought it was my mother, I didn't expect that ate Jan would be here, she timidly smile at me which I didn't reciprocate. Bumaba lamang ang tingin ko sa aking unan na hawak.
"So, you're not going to talk to me?" she started.
Ayoko. Umiling lamang ako sa kanya at tinakpan ang mukha ng unan. Narinig kong tumawa sya. Naramdaman ko na lamang ang paggalaw ng aking kama, siguro ay umupo sya malapit sa akin.
"I don't know what happened to you and Joji, but he looks like in hell." tumawa pa sya. She will never change. She likes it when people suffer. That's the same of why she laughs now.
"Want to come with me in a meeting? I need a secretary now."
"Go away ate. You have lots of secretary." sigaw ko.
Narinig kong tumawa sya kung saan man sya nakaupo, I even heard her tsked then, chuckled. Nababaliw nanaman ata sya.
"Halika na, you will like it there. Hindi lang papers ang makikita mo." pamimilit niya sa akin.
Sinilip ko sya sa unan, nakangiti sya sa akin. I guess I have no choice but to go. Unti-unti akong bumangon at sumimangot sa kanya. Sa uulitin ay natawa naman sya.
Lagi sa bahay si ate Jan. Kaya nang pumasok sya sa munti kong closet at pumili ng damit roon ay komportableng-komportable sya. Pumili sya ng isang kulay rose pink na ruffled long sleeve blouse, tapos ay isang white knee length skirt. Isang pares strapped sandals at isang pink na clutch.
Tinignan ko lamang ang ginagawa niya roon. Maya-maya ay hinagis niya ang towel ko sa kung saan ako, at sinalo ko iyon sa gulat.
"Go wash yourself!" sabi niya lamang.
Unconsciously, I obliged. Matagal-tagal rin ako sa banyo naligo. Masyadong madaming iniisip. Nag-away kami ni Joji, humingi sya ng tawad, at hindi ako rumesponde doon. Parang kahapon lang iyon nangyari, pero ako yung nobya niya dapat hinintay niya na lamang yung parte ng istorya ko. Hindi dahil nasaksihan niya ay gagawa na agad sya conclusion.
I sighed. Wiping the water on my face after showering. Paglabas ko ay wala na si ate Jan, ang mga nilabas niyang gamit sa closet ko ay nandoon na sa kamay nakadisplay. Isa-isa ko iyon sinuot. Ang aking buhok ay nakahalf ponytail gamit ang laso ni Joji. Sobrang sanay na akong gamitin iyon na kahit mag-away pa kami ginagamit ko pa rin.
Ang loyal ko tapos sya sa ibang tao lang maniniwala. Umiling ako ng ilang beses para matanggal sa isip ko iyon. Pagkatapos mag-ayos ng mukha ay lumabas na ako ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Yellow Ribbon
Novela JuvenilFirst story of my Remembrance Series. Dennise Hope Santillan