Hinintay na lamang namin ang interior designer ng kwarto kaya andito kami ngayon sa sala. Naglalaro si Hope sa cellphone ko, at si ate Jan ang kasama niya. Habang kami dito ay panay ang paglalaro sa dalawang bata.
“Saan dito ang gusto mo?” tinuro ko ang isang baby bottle at isang laruan ni England.
Sinasayaw ko naman si England kung paano iwinagayway kapag pista kaya sinita ako ni ate Jan sa pagkarga sa bata. Sumimangot ako. Napatingin ako kay England na ganoon din ang mukha. Nagkakatuwaan lang naman kami. KJ din itong nanay niya eh.
Dahil wala na akong magawa kasama itong sanggol ay pinagtinginan naman namin isa-isa ang mga picture frame at mga muwebles doon. Isa-isa kong ipinaliwanag iyon na parang maintindihan ng bata. Someday, he’ll understand this in the future and this is educational.
“I bought this urn in a charity auction.”
Madami iyon. Sometimes, I get creepy with all of the urns here when I’m alone. I just wished I didn’t bought them, but those charities are playing with this trick, they can at least, you know? Just favor the person for sponsorship.
Then, we proceeds to my picture frames. Dahil ako lang naman may-ari nito, ay puro pagmumukha ko lang makikita nila sa sala. Kuya has picture too. Since, he’s not living here. Bale apat na picture frame ang meron ako sa sala. Ganoon ako kamahal ng mga kasambahay ko dito.
“Eto yung oras na nagtatanim ako. Pawis na pawis si Tito, noh? Gwapo pa rin.” I said.
Walang reaksyon akong natanggap. Kuha iyon ng isang photographer na dayo dito. Akala pa nga noon ay magsasaka nga ako, sadyang trip ko lang itong pagtatanim, lalo na’t kinalakihan ko na. Natapos ko ang mechanical engineering at nakapasa sa board exam habang nagtatrabaho dito. Hindi ko rin na inalintana ang makukuha ko sa pag-aaral dahil maliban kay Hope, napamahal na ako sa pagtatanim.
“Eto yung nagtopnotch si Tito! Kita mo yang tindig na yan? Iyan ang tindig ng mga Daniel! Dahil Lobregat ka ay baka nga mas maganda pa ang magiging tindig mo kung sakaling grumaduate ka.”
Bored niyang tinignan ang litrato kong iyon. Hindi man ninais ngunit pinalad. Nakasuot ako ng barong kulay pula at ang nakalibot ng kahel na malong sa balikat. Iyon ang graduation picture uniform namin kaya iyan talaga ang makikitang litrato kapag nakapasa sa board examination.
Kasama kong nagdiwang sina Nanay. Hindi pamilya ko. Naalala ko pang humabol sina kuya para samahan akong magdiwang. Parang may pumahid na mainit sa aking dibdib nang maalala ko iyon. Ngumiti ako sa aking pamangkin na hindi ko inakalang ngingiti pabalik.
“Ang cute cute mo!” nanggigil ako sa kanya.
Ang sunod na litrato ay ang pinakagusto ko. Ang pagdiwang nang kaarawan ko iyon. Kasama ang lahat ng kasambahay at trabahante. Nasa gitna ako nakaupo at may kulay pa ng pinta sa mukha. Saktong sabay iyon sa kaarawan ng Sto. Niño kaya puro pinta ang mukha namin. Si Nanay Ermita na nakasimangot sa camera at si Aling Baleng na nakahawak sa tenga ni Leo na sinabuyan naman ng pinturang itim ni Ate Linda. Kuhang-kuha iyon sa camera. Ang mga trabahante na imbes sa camera nakatuon ang tingin ay sa nagbabangayan na si ate Linda at Leo, tumatawa.
Napansin ko naman ang itsura ni Kiko na nasa taas ng upuan nakatayo at nakaheart sign pa ang kanyang mga braso sa itaas ng ulo. Napailing ako. Bakit ngayon ko lang sya napansin? Narinig ko ang hagikhik ni England kaya napatingin ako sa kanya.
Kahit sina kuya ay narinig din at tumakbo papunta sa kung saan kami nakatayo para makita ang halakhak ng anak. Si Hope naman ay naka-abang na ang camera sa walang tigil na tawa ng pamangkin namin. Kaya natatawa na lang din ako sa kanya.
Tumingin ako kay Hope. Ngumiti ako sa kanya nang makitang pati pala ako ay napasama sa kanyang video. Binigyan niya ako ng malungkot na ngiti. Hindi ko maintindihan. Binalik ko na lamang ang tingin sa pamangkin ko.
BINABASA MO ANG
Yellow Ribbon
Novela JuvenilFirst story of my Remembrance Series. Dennise Hope Santillan