“Push na, Mamih! Push!”
Narinig kong sigaw ni ate Jan sa sala namin kasama ang kanyang asawa. Kung madumi tong isipan ko baka iba ang nasa imagination ko. Umiling na lang ako para mawala iyon. Naglakad ako papunta sa sala kung nasaan sila naglalaro ng isang mobile game. Nilagay ko ang mga meryenda para sa kanila ta bumalik na sa kusina.
Lagi na sila dito bumibisita. Paminsan naman ay si Tito Murphy andito rin, kung hindi si Kuya Milan ay sya ang kasama ni ate Jan. I sighed, wala si Joji dito. Umuwi ng Tsina o kung saan man lupalot ng mundo ang sabi ni kuya Milan dahil kahit pamilya niya ay walang alam kung saan pumupunta si Joji. Hindi na din raw tinuloy ni Joji ang pag-aaral dito.
Nalungkot ako ngunit ipinagpatuloy ko na lamang ang buhay ko.
“Ginagamit mo pa rin pala yan?” ate Jan asked.
Napahawak ako sa aking buhok na nakatali gamit ang laso na binigay ni Joji. Hindi ko naman ito basta-basta mawala sa sistema ko, eh. Ngumiti lamang ako sa kanya, si kuya Milan naman ay sinuri lamang ako gamit ang kanyang tingin habang umiinom ng juice niya.
“Babalik din yun.” komento niya.
Nilingon siya ni ate Jan. Kumunot ang noo niya sa asawa at tinaasan ng kilay.
“Sinong babalik? Eh, kung bumalik ka na kaya sa paglalaro. Tss.” tumawa ako.
Sinabi lang naman yun ni kuya para pagaanin ang loob ko kahit okay lang naman ako. Nanood lamang ako ng movie habang naglalaro silang dalawa sa tabi ko. HIndi ko na namamalayan ang pagyakap ng antok sa akin at ang pagsira ng aking mga talukap.
“Anong gagawin natin dyan ngayon? Maling bata yung nakuha mo!”
I heard a man spoke softly in front of me. Nakapiring ang aking mga mata. Kahit na pilit kong sumilip sa baba ay hindi ko pa rin makita na hula ko dahil sa kadiliman. Naiiyak na ako ngunit kahit mag-ingay ay hindi din nagagawa dulo’t ng pagtali sa aking bibig. I was hopeless.
“Bakit kasi iyan yung kinuha niyong bata?” lumuha lamang ako sa kung saan ako nakaupo.
“Siya lang naman doon na maganda ang pananamit.” katuwiran nito.
Nakarinig ako ng malakas na kalampag ng kung anong gamit na malapit sa kanila.
“Ang bobo! Hindi ibig sabihin na maganda ang pananamit ay anak mayaman na agad!”
HIndi ko alam kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Kahit nga ang sitwasyon ko ngayon ay hindi ko din maintindihan kung para saan. Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ko sa kinauupuan ko, ang aking mga kamay na nakatali sa aking likuran ay sobrang higpit na animo’y para akong isang hayop na itinali lamang para patayin. Sa mga oras na ito ay wala akong maisip. Kuya Joji, nasaan ka na ba?
Ang pawis ng aking noo ay nahuhulog na sa aking pisngi kasabay ng mga luhang hindi nila madinig sa pagkakahulog. I silently cried. I silently hoping for my parents to save me from this people, but those prayers weren’t heard.
Nagising na lamang ako bigla. Humahangos na ako sa aking kama. Tumatagatak na pawis sa noo at leeg. Its been days and my nightmares were repeating the whole year. My therapist told me that my brain was recalling those memories. Muntik na nga akong kunan ng appointment ni ate Jan sa isang hypnotism expert ngunit hindi pumayag si kuya Milan dahil masyadong delikado iyon sa akin.
Kinuha ko ang aking tumbler na may lamang tubig at ininom iyon. Lumingon ako sa orasan ng kwarto na naghihiwatig na hatinggabi pa lamang. I recited the rosary prayers before going back to sleep. It always work.
Nagising ako para maligo, kumain ng agahan, mag-ayos para pumasok ng paaralan, pagkatapos ng klase ay pupunta ng clubroom para magrelease ng newspaper. Kahit naman pariwara at kakaibang rules ng club na ito ay assigned pa rin kami sa pagrelease ng newspaper na ang laman ay puro kaganapan sa buong taon. Kasama ko ang mga new members ng club at si Bonita na assistant ko dahil iniwan na nga talaga ng mga pioneers ang trabaho sa akin. Pagkatapos ay pupunta ako sa research namin sa laboratory at uuwi ng bahay.
BINABASA MO ANG
Yellow Ribbon
Genç KurguFirst story of my Remembrance Series. Dennise Hope Santillan