Chapter 16: Carles

387 28 23
                                    

Ken's POV

"Hey...mom? Dad? Narinig ko yun. Anong dapat niyong sabihin sa akin?"

"Allan, sabihin na natin. Its about time."

"I'm listening.." sabi ko sa kanila.

Nagpakawala ng isang malalim na pag hinga si daddy.

"Ken...we are sorry na itinago namin ito sayo. But know that your mommy and I loves you very much. You are our pride and joy." Dad started.

"Ken, kahit na malaman mo ito ngayon sana intindihin mo na wala kaming ibang gusto kundi mabigyan ka ng magandang buhay." Mom added.

"Mom, Dad, please direchohin niyo na ako. Ano ba yun?"

"Ken, you are adopted."
Dad finally uttered those three words.

They look so worried and kinda scared.

Noong bata pa lang ako, I had a gut feeling na rin kasi. Isa na dun is hindi ko sila kamukha. May kutob ako na hindi ko sila totoo na mga magulang pero kailanman hindi nila pinaramdam sa akin na hindi ako iba. Dala ko man ang apelyido nila, in my heart I can feel my real parents are somewhere out there- maybe they don't want me or yet a story I still have to discover. Hindi ko man lang alam kung bakit ipinamigay ako pero soon I hope malilinawan na ako kung bakit. And maybe that time is now. I believe the time has come.

"Uhm... Alam ko naman po eh..."

"What?! Kailan pa?!" Mom asked.

"Hindi naman po na alam ko. Pero malakas po kasi yung kutob ko because aside na hindi ko kayo kamukha, hindi ko kilala mga relatives natin at may naririnig ako noon na adopted ako.

Pero don't get me wrong, hindi po ako galit sa inyo kasi alam ko naman po na binigay niyo ang lahat lahat na kailangan ko para mabuhay ng maayos at marangal. I just need to know the whole story I guess."

"Salamat anak. Anak ka namin kahit ampon ka. Anak ka namin. Naiintindihan mo Ken? Galing ka sa puso namin."

"Yes alam ko naman yun dad, mom."

Niyakap ko sila and they somehow became emotional na rin eh.

"We will explain sayo...pero I think...dapat kasama rin dito si Steven."

"Huh? Bakit? What about Steven?!"

"Ken...k-kapatid mo si Steven."

"What?!"

----

Rita's POV

Nag e-empake na kami ni Ella for our trip to Carles. Excited na rin kami to see Isla de Gigantes!

"Ella...anong oras ka pumasok dito kagabi?" Sabi ko habang nagtutupi ng mga damit at bikini ko.

"Ewan nakalimutan ko ate...basta before midnight siguro."

"Naks dami niyong pinag usapan ni Ken ah"

Nakita kong ngumiti ito habang nagtutupi ng mga damit niya kaya inihagis ko ang isa kong bikini sa kanya

"Hoy Daniela Iriñgan! Kinakausap kita!"

"Ay! Hahaha ate naman eh!"

"Haluh siya! Ano? Bingi bingihan? Yung ngiti mo aabot na sa tenga mo."

"Eh kasi ate...may sasabihin ako sayo"

The CrossoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon