Chapter 18: Stuck

303 25 26
                                    

Rita's POV

"Rita?...This will pass. Every thing will be ok. For now...let's just wait. Ok?"

Sabi ni Ken habang hinahagod ang likod ko.

Wala akong magawa kundi sumandal sa balikat niya at umiyak. Laking pasalamat ko na sobrang positive ni Ken sa ganitong oras at panahon. Hindi ko kakayanin mag-isa ito.

Yung mga ibang turista ay may tent na dala at pinahiram muna sa amin. Mabuti at tumila na ang ulan. Gumawa din sila ng bonfire para mainitan kami. Ang ganda pagmasdan dahil tulong tulong din talaga ang lahat dito. May nag shi-share din ng mga pagkain nila. Mas pina prioritize nila kami ni Ken at ng guide at driver.

Wala kaming magawa kundi ang maghintay at ng ma rescue na kami dito.

Hindi pa rin ako mapakali. Hindi pa nakabalik ang mga rescuer kanina na sinabihan kong hanapin si Ella at Steven. Sana mahanap na nila sila. Sobrang alala na ako sa kambal ko at sa taong mahal ko.

Nakakabaliw. Pero mas natuto akong kumapit sa Diyos ngayon. Iniisip ko rin na baka parusa to dahil hindi ako nagseryoso noon sa mga lalaki? Parusa ba to dahil inagaw ko ang atensyon ni Steven kay Ella? I can't think straight.

"Rita, kape ka muna." Sabi ni Ken at umupo ito sa tabi ko.

Ken's POV

I can't believe this mishap happened. We are so blessed to be alive. I can't believe I experienced this. Hindi kapani paniwala.  Sobrang worried na ako kay Ella at Steven. Sana mahanap na talaga sila. Hindi ako mapakali. I have to comfort Rita din kasi. Habang nakikita ko itong tulala, malungkot, at umiiyak, nawawalan din ako ng pag-asa.

If her smiles were contagious, so does her sadness. Nilapitan ko siya at binigyan ng kape habang alala ang mga ibang turista na makahanap ng signal at tumawag sa mga kilala nila at humingi ng tulong. Wala eh lahat ng gamit namin natangay.

"Sa-salamat."

"Rita...wag ka ng malungkot. Nandito naman ako eh."

She just stared at me blankly. Who am I kidding? Sino ba naman hindi malulungkot sa sinapit namin? Ok lang sana pag nandito si Ella at Steven. Kaso wala. Nagkwento na lang muna ako.

"Naalala mo noon noong naglalaro tayo palagi kada hapon? Hindi kompleto ang araw ko non pag hindi kita kasama. Lahat ng trip ko game ka rin. Kaya hindi ko kaya yung muntik ka ng matangay sa ilog." Nakita ko ang peklat nito sa may siko niya.

"Bakit ganun noh? Magkasama tayo palagi pag na di-disgrasya ako."

Natahimik ako sandali. Oo nga. This is the second time na magkasama kami sa isang aksidente.

"Baka meant na maging tagapagligtas mo ako.haha" I jokingly said. Pero wala talaga siyang reaksyon. Naka tutok lang siya sa apoy habang hawak hawak ang kape niya.

"Rita, kahit ano pang mangyari hindi ako magdadalawang isip na sagipin ka"

Tiningnan niya ako at sumandal siya sa balikat ko.

"Salamat, Ken."

"You're welcome."

Bigla na lang dumating ang bangka na sumagip sa amin ni Rita kanina.

Ngunit nadismaya kami ng bumalik silang walang kasama. Hawak hawak ni kuya ang lampara niya hinanap niya kami. Itinaas ko ang kamay ko.

"Rita nandyan na si kuya"
Napatayo ako pero nakaupo pa rin ito.

"Sorry wala na talaga kaming mahanap doon. Tsaka madilim na. Kulang ang mga tao at gears para mag dive ng ganitong oras. Pero wag kayong mag alala nakapag padala na ng mensahe sa port bukas na bukas pag ok na ang panahon aalis na tayong lahat dito at gagawa ng search and rescue operation para mahanap ang mga kapatid niyo."

The CrossoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon