Rita's POV
"Eh kung kay Ella lang siya dapat Ta, kakayanin mo ba yun?"
"Na magiging masaya si Ella? Syempre naman ate."
"Hindi. Na makita ang taong gusto mo na mahal ang ibang tao."
"Hindi iba si Ella ate."
"Grabe ka Rita. Sa ibang mga lalaki noon kung pagtabuyan mo sila para ka lang nagpapalit ng damit eh. Walang ka hirap hirap. Simple! Hindi nagtatagal kasi no emotions attached diba? Anong nangyari ngayon?"
Hindi ako makasagot. Wala din akong masasagot eh.
"Sayang. First time na sana na nakita kitang nagkagusto sa isang lalaki. Bad timing lang tsaka mas nauna sila ni Ella na nagkakilala. Pero dahil mahal mo talaga si Ella, nakikita kong willing kang mag paraya. Hay halika ka yakap! Lalaki lang yan. I'm sure may darating din para sayo."
Niyakap ako ni ate Michelle. Pagkatapos namin na maubos ang cake at kape ay hindi na ako bumalilk sa travel and tours office niya. Nauna na lang akong umuwi.
Sinabihan ko na lang siya na sabihan si Ella.Sobrang bilis ng mga pangyayari. Yung mga bugso ng damdamin ko these past few days ganun din kabilis mag shift. One second I'm tough as an iron, the next thing I know I'm as weak as a mashmallow.
Para sa mahal kong Ella...gagawin ko ang lahat. Hindi na ako rurupok kay Steven. Ibabaon ko na lang sa limot ang lahat. I hope that little secret between us will just remain between the two of us. How ironic how a small secret can create a big turmoil that can shake one's whole being.
Literal na niyanig talaga ni Steven ang pagkababae ko. At hinayaan ko naman siya. Habang nakaupo ako sa sasakyan ko, I looked at the front mirror.
"This is not so you, Rita. This is a fresh start. Tomorrow is a new day. You will be once again in your happy place with Ella. No disturbances. No guys and making outs. Just fun, family, peace and quiet."
--------
"Oh bat ikaw lang asan na si Daniela?"
Tanong ni mommy na naghahanda ng hapunan namin."Nandun pa siya kay ate Mitch kasama si Steven. Ihahatid lang daw siya dito mamaya."
"Ay oo nga pala nag paalam si Steven kanina." Sabi ni daddy.
Mabuti naman at nagpa alam siya kay dad.
"Nakapag empake na ba kayo?"
"Opo dad thursday night pa po."
"Ok good. Rita naalala mo ba yung childhood friend mo sa Iloilo?"
"Huh? Sinong childhood friend dad?"
Nagtaka naman ako sa tanong ni dad. Tinabihan ko muna sila ni mommy sa dinning table.
"Yung batang lalaki na nag save sayo sa ilog?"
"Ah yung batang lalaki na mukang chow chow! Haha! Nako sorry dad nakalimutan ko na yung pangalan niya masyado na kasi matagal yun eh."
Ok naalala ko na. We were just five year old back then. Grabe naalala pa ni daddy yun. Naghagabulan kami nun at nadulas ako sa ilog. Muntik na akong matangay ng alon nun mabuti na lang nandun yung batang lalaki.
"Haha chow chow talaga?" Tanong ni dad na natatawa.
"Eh yung ilong niya kasi ang cute tas chinito pa mukha talaga siyang chow chow dad I swear." I explained.
"Haha well anyway, kaibigan ko ang tatay niyan eh. Si Julius Angeles. Pumunta na sila ng Amerika noon diba? He messaged me at uuwi na rin sila ng Iloilo para magbakasyon. Sakto."
BINABASA MO ANG
The Crossover
General FictionRita and Daniela are twin sisters who has completely opposite likes, dislikes and tastes in almost everything. They live in Taguig. They have an ancenstral resthouse in the city of love- Iloilo, where they go every summer with their parents ever sin...