Steven's POV
Bigla na lang natulala si Ella sa sinabi ko at napakunot ito ng noo.
"Ha?! Anong sabi mo?!"
"Uhm no what I mean is, presently...ikaw ang kasama ko ngayon. Kaya importante na alagaan kita. Nakakahiya naman sa kapatid ko at kay Rita diba pag hindi kita inalagaan." I explained.
"Ah ok. Mabuti na yung klaro Steven."
"Di ka ba pagod? Magpahinga ka muna."
"Inaantok nga ako eh."
Sagot niya at napa hikab ito."Sige na magpahinga ka na. Wala pa namang update. Gigisingin na lang kita mamaya."
"Eh pano ka?"
"Ha? Ok lang ako. Uupo lang ako dito."
"Sigurado ka hindi ka inaantok?"
"Ok lang ako Ella. Wag mo ako alalahanin. Sige na. Eto kumot. Maginaw kasi umuulan pa."
"Salamat."
-----
Ang hirap matulog ng naka upo. Pero ginusto ko naman to eh. Konting sakripisyo para kay Ella. Naninibago ako. Mula sa pananamit namin, sa mga kinakain namin pati na rin sa mga tao dito. Parang nag re-retreat lang kami ni Ella. Simpleng buhay ganun. Walang cellphone, walang any devices with us.
If malayo ka sa cellphone mo, mas nakikita mo ang mga bagay na mas importante. Mas napapahalagahan mo ang mga tao sa harap mo. At mas nakikita mo kung gaano ka importante ang bawat segundo, minuto at oras. If I spend my time on my phone, grabeng oras na pala yung nasasayang ko.
Kahit hindi ako close sa mga nagpalaki sa akin na parents ko, aminado ako na sa bahay mas marami pa ang oras na kaharap ko ang phone ko sang sa kanila. Ngayon, nakikita ko ang mga ginahawa ng mga tao, ang mga tulong nila, ang mga trabaho nila, ang pagmalasakit nila. At nakikita ko rin sa mukha ni Ella ngayon kung gaano siya kaganda. Hindi lang sa labas kundi maganda din ang kalooban niya.
---------
Rita's POV
Yakap na yakap lang ako kay mommy sa loob ng van. Si daddy naman hawak ang isang kamay ko. Nasa gitna nila akong dalawa.
Nung nakarating na kami ng resort, dun na nag sink in sa akin na totoo na pala. Totoong naka survive kami at wala na kami sa isla. Kaya't sobrang saya ko. Pero at the same time, nalulungkot ako na wala pa rin si Ella at si Steven dito.
Nung bumababa na kami papuntang cottage, nagtinginan muna kami ni Ken bago pumasok sa mga kwarto namin.
"Ken, salamat ha!"
"Sus wala yun. Salamat din!"
"Para saan?"
"For bearing with me."
"Like as if I had a choice. Haha"
"Haha tama nga."
"I'm just kidding. Its a pleasure na ikaw ang makasama ko doon. You helped me calm my fears."
"The pleasure is mine, Rita. Lahat gagawin ko sayo. Remember? Since we were 5."
"Yeah I will never forget that, Ken"
I smiled at him."Same here. Sige na maligo ka na para maka pag lunch na tayo."
"Sige."
At pumasok na kami sa mga kwarto namin. Nagugutom na ako I can't wait to eat and rest. Since alam ng resort ang nangyari sa amin, they gave us a complimentary lunch. Hay grabe yung gutom namin ni Steven. Takam na takam kami sa seafood buffet at desserts. Nandito kami sa restaurant/cafe nila.
BINABASA MO ANG
The Crossover
General FictionRita and Daniela are twin sisters who has completely opposite likes, dislikes and tastes in almost everything. They live in Taguig. They have an ancenstral resthouse in the city of love- Iloilo, where they go every summer with their parents ever sin...