Chapter 3: Bad Intention

400 36 8
                                    

Daniela’s POV

“Spark?”
“Oo spark ang title ng painting.”
Sagot ni Steven at napakamot ng ulo niya.

Nag-iwasan kami ng tingin. Grabe ang lakas naman nun. Parang kuryente na dumaloy sa mga ugat ng kamay namin.

“Uhm, punta na tayo sa taas?” Pagyaya niya.

“Sige tara.” Sabi ko habang hawak hawak pa ang kabilang siko ko. Nakita ko rin na medyo nahihiya si Steven.

Hanggang sa natapos na naming libutin ang Gallery niya.

“Grabe ang ganda. I had a great time, thank you Steven ha”

“Wala yun. Ako nga dapat magpasalamat dapat diba. So? Dinner?”

“Sure” I smiled. Pero seyroso hindi na ako nahiyang humindi nagugutom na rin kasi ako eh.

He brought me to this idyllic restaurant. Napa ka cozy at laid-back. I love it. Tagong restaurant. Tapos parang Italian-garden style sa loob.

Marami lang kaming napag usapan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Marami lang kaming napag usapan. We talked about my course as an architecture student, family business and our relationship with our family na rin. Only child lang daw siya pero hindi siya close sa parents niya. Nagulat naman akong marinig yun. Bihira lang sa mga only child ang hindi close sa magulang.

“Mabuti na lang kahit feel kong distant sila sa akin, they supported my decision somehow.”

“Syempre anak ka pa rin nila ano. Pareho tayo. Pero ang magkaiba lang, close kami ni mommy at daddy. Nung una, ayaw nila mag architecture ako gusto nila business ad. Mabuti si ate na lang kumuha nun. So why do you feel distant ang parents mo sayo?"

"Ewan ko parang may tinatago sila sa akin. I also had this weird dreams about myself mula ng bata pa ako pero lagi sa mga lugar na unknown or unfamiliar sa akin."

"Oooh. Weird. Pero baka ganun lang talaga sila?"

"Parang. Di ko na sila kinakausap tungkol dyan eh basta ok lang ang trato namin sa isa't isa and they support me, then all is well."

We talked while munching on pesto pasta and pizza and red wine. Ang gaan kausap ni Steven. Tingin ko, magiging kaibigan ko to habang buhay. I can see him in my life forever.

“Daniela? Pwede pa ba kitang mayaya ulit soon?”

“Nako on-going pa nga lang tayo dito nagyayaya ka na ulit ha.”

“Syempre mabuti nang nagpapaalam ng maaga hehe”

“Ay hala Steven, magbabakasyon pala kami ng Iloilo. May bahay bakasyunan kasi kami doon eh. Mga more than a month din kami doon. Family tradition na ginagawa namin every summer eh. This Saturday na ang alis namin.”

“Nako ganun ba...di bale keep in touch na lang tayo. Salamat ulit ha.”

“Sure just message me anytime. You're welcome and thank you din sa dinner."

The CrossoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon