CHAPTER ONE

30 4 2
                                    

Chapter One

Scarlette Madison's PoV

Madilim,masukal,tahimik at mapanganib.Ito ang mga katangian ng isang gubat na mapanglaw at dito rin mag sisimula ang kwento ng matamis na pagiibigan Nina florante at laura.

Andito kami ngayon nanonood ng roll play ng grade 8 student.

Habang na nonood sinasabayan ko ang linya ng narrator,palibhasa kasi ako yung naging narrator noong grade 8 pa kami.

Habang busy sa panonood kinalabit ako ni adeline,taka ko siyang nilingon.

"Oh,bakit?" takang tanong ko sa kanya.

"Tara na,hindi naman maganda.Dapat yung kagaya satin maganda,psh alis na tayo Dali." tumayo na siya at lumabas ng hall.

Nagkatinginan kami ni klaire,kahit lito ay sumunod pa rin kami ni klaire palabas ng hall.

Pagkalabas ng hall naghihintay na si adeline sa labas ng pinto ng hall.

"Bakit ba tayo lumabas,maganda na yung panonood ko panira naman." yamot na tanong ni klaire,may pasabunot effect pa siyang nalalaman.

Tumingin ako kay adeline nakakunot ang kanyang noo at nasa bintana ng hall siya nakatingin.

Nilingon ko yun hindi ko alam kung sino ang tinitignan niya tatlong mga lalaki kasi ang nakaupo malapit sa bintana ng hall.

Naglakad ako papunta sa kanya ng hindi inaalis yung tingin sa mga lalaking nakaupo sa malapit sa bintana ng hall.

"Woiii,sino yung tinitignan mo diyan nakakunot pa ang noo mo." siniko ko siya at tinanguan yung may bandang bintana kung nasaan ang mga lalaki.

"Badtrip kasi,maganda na yung panonood ko pabadtrip ang ingay." nakakunot pa ring aniya.

"Ha?wala naman akong narinig na may nag iingay."lito,taka kong tanong ulit sa kanya.

Binaling ko sa kanya yung paningin ko at nakatingin na rin siya sa akin.

"Hindi mo kasi marinig dahil sinasabayan mo yung linya ng narrator."ipit niyang sigaw sa akin.

Tumingin ako sa paligid buti nalang walang tao sa labas kung meron man ay ngingilanngilan lang ang mabibilang.

Nahagip ng aking mata yung kaibigan naming isa na parang sira nag sasalita na walang kausap.

Tinuro ko kay adeline si klaire na parang sira sa pagsasalita ng walang kausap at may palakad lakad pa siyang nalalaman.

Nagkatinginan kami at alam kung pareho ang naiisip namin.Sabay kaming naglakad papunta sa likuran niya.

Pinakinggan mo na namin kung ano ang sinasabi niya at sabay namin gagawin kung ano ang Plano namin.

"Ba't ganon,ba't ganon,ba't ganon."yan ang paulit ulit niyang sinasabi,napapa sabunot pa siya sa buhok niya.

Nagkatinginan ulit kami ni adeline at sabay na tumango senyales na gagawin na samin kung ano ang naiisip namin.

"Woiii." sabay naming sigaw ni adeline Kay klaire.

"Ayyy,kangkong." sigaw niya at sabay na napatalon nagulat talaga siya napahawak pa kasi siya sa puso niya.Epic tuloy yung mukha,Natawa ako pati na rin si adeline.

Tinignan niya kami ng masama at sabay na umirap.

"Nakaka bwuiset kayo,hayss bahala nga kayo diyan." sabay walk out na aniya.Nagkatinginan naman kami ni adeline at nag turuan na kung sino ang may kasalanan.

"Ikaw kasi,alam mo ng ayaw niya na ginugulat." pag sisisi ni adeline sa akin.

"Wala naman siyang sinabing ayaw niyang magpagulat ha?sabihin nalang natin sumali ka kasi kaya natakot sayo epic ka rin kasing sumigaw HAHAHA." tatawa tawa kong sabi,grabe epic ang mga mukha ng mga kaibigan ko.

Natigilan nalang ako sa pagtatawa ka sabay non yung pag ubo ko Hindi ko na kasi kaya ang tumawa masakit na sa tiyan,ubo ako ng ubo huhuhuhu nabulunan lang naman kasi ako sa kakatawa.

"Na sakin parin ang huling halakhak HAHAHAH." sabi niya at tumawa ng malakas na parang meron siyang gagawing masama.

Tinignan ko siya ng masama at inirapan,iniwan ko na siya doon habang mas lumakas pa yung pagtawa niya bahala ka diyan mag enjoy ka sa kakatawa hanggang maubusan ka ng hininga hahahaha.

Hahanapin ko nalang si klaire baka mag suicide yun hahahaha joke lang.

Tumingin mo na ako sa loob ng hall at kung magkataon ka nga naman nasa akin yung tingin ng tatlong lalaki yung nauupo sa malapit sa bintana doon kasi na baling yung mga mata ko,kinabahan naman ako kaya napaiwas ako ng tingin at nagmadali nalang maglakad.

Bakit ako kinabahan?hayss iling-iling,binalewala ko nalang ang isipin yun.Makapag hanap na nga sa haliparot na amazona na yun.

"HOY,WAITTTTT SOFIAAAAAA." sigaw ng kung sino,inikot ko yung magaganda kung mata(di joke lang) sa loob ng university may babaeng tinatawag ng lalaki pero patuloy pa rin sa paglalakad yung babae na parang walang na ririnig na halos mawalan na ng boses yung lalaki sa kakasigaw.Ohhh poor boy.

Pinag patuloy ko yung pag lalakad at nakadating ako sa cafeteria.Pag pasok ko hinanap ng mga mapupungay kong mata (tsaaarrroott maharot)yung haliparot na amazona,ilang years na kaming magkakasama sharekolang.

Hindi naman ako nagkamali at andoon nga siya kumakain mukhang good mood na rin,nakakain na kasi tsssk haliparot na amazona na nga matakaw pa hahahha.

Naglakad ako papunta sa kanya at naupo sa harapan.Napansin niya siguro yung presence ko kaya umangat yung paningin niya sa akin pero ang walanghiyang haliparot inirapan lang ako.Hanlaaaa Kala ko naman good mood na ang haliparot na to.

"Asan si adeline?"tumingin pa siya sa linakaran ko at bumaling sa akin.

"Hindi ko alam."sagot ko sa kanya at nagkibit balikat." Bakanaubusannanghininga HAHAHAH."bulong ko at tumawa ng malakas.

Natakpan ko yung bibig ko at tumingin sa loob ng cafeteria nakatingin na pala ang mga tao dito sa loob may ilan ring tao kasi na andito.Napalunok tuloy ako at binaba yung tingin.

Inangat ko yung mga malapusa kung mata(kidding)kay klaire.

"Anong sabi mo,hindi kita maintindihan.Asan si kate adeline?" lito,kunot noong tanong niya.

"Iniwan ko siya don sa tapat ng-----." omgggg sabay kaming napatayo at dalidaling lumabas ng cafeteria.

Amazonang haliparot pa naman yun,tsssk ba't ko ba nakalimutan.

Halos takbuhin na namin pabalik sa hall,yung mga taong nakaharang sa dapat daanan ko ay tinutulak ko na,yung iba ay napupunta yung mukha sa trashcan dito sa loob ng campus hahahah epic pa naman yung mukha.

Pag dating namin sa labas ng hall hindi na namin siya nakita,sinabi ni klaire na papasok siya sa loob ng hall baka andoon lang.

Huwag naman sana,habang lumilipas yung kada oras kinakabahan na ako.Hindi na ako mapakali,halos lahat ng room dito ay pinasukan na namin nagbabakasali  na andon lang.

Pumunta na kami sa parking lot at sa labas ng university pero walanghiya hindi namin makita.

Napaupo nalang ako sa isang bench dito sa loob ng campus at nailamos ang mukha sa mga palad ko.

Naiiyak na ako,haliparot nasan kana ba?kasalanan ko kasi ito dapat hindi ko siya iniwan.Bakit ba kasi hindi ko naalala.

"Mahahanap rin natin siya." yun lang ang sinabi ni klaire pero mararamdaman mo sa kanya na seryoso siya,niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya pabalik nagbabagsakan na yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

MY TWO BESTFRIEND'SWhere stories live. Discover now