CHAPTER 13

8 2 0
                                    

Chapter 13



Scarlette Madison's PoV



Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata,bumungad sa akin ang puting kisame.Inikot ko yung mga mata ko sa loob ng kwartong ito.

Lahat puti ang aking nakikita,napansin kung may gumalaw sa kaliwang bahagi ng kamay ko kaya tumingin ako don,si mom.

Natutulog siya nakaharap yung mukha niya sa akin,tumingin ako sa maingay na bagay na nasa----hindi ko alam.

Hindi ako gumalaw baka magising si mom,pansin pa naman na wala siya tulog.

Ipipikit ko na sana ulit yung mata ko ng umangat yung ulo ni mom at mag tama ang aming paningin,medyo nagulat pa siya ng makitang totoong gising na talaga ako nangunot ang noo ko ng pinakita ni mom na expression.At bigla nalang siyang yumakap sa akin,gamit yong isang kamay ay niyakap ko si mom.

"Thank God,gising kana honey."umiiyak na sabi ni mom at kumalas sa yakap,hinalikan niya ako sa noo at umayos ng tayo." Tawagin ko lang yung doctor,wait lang anak."sabi niya at hinalikan pa ako sa noo bago tuluyang umalis.

Ilang minuto lang ay may pumasok na dalawang doctor at dalawa ring nurse,kasunod yon ay pumasok si mom and dad ngumiti sila sa akin,kaya nag pilit nalang ako ng ngiti.Bumaling yung tingin ko sa mga doctor na may ginagawa kung ano ano na hindi ko alam.

Pinikit ko nalang yung mga mata ko at naririnig ko ang mga pinag uusapan nila mom,dad at yung mga doctor.Hindi ko nalang pinansin hindi ko naman na iintindihan.

Ilang minuto pa ay nag paalam na ang mga doctor,narinig ko pa ang pagbukas at pag sara ng pintuan.

May naramdaman akong tumabi sa hospital bed ko sa kanan,minulat ko yung mga mata ko at bumungad si dad at mom.

"May nararamdaman ka bang masakit anak?" tanong ni mom na makikita sa kanya mga mata ang pag aalala.

"W-wala po." sagot ko,wengya ang sakit ng lalamunan ko.

"Gusto mong kumain anak?" tanong naman ni dad.

"G-gusto ko po'ng uminom ng tubig ang sakit ng l-lalamunan ko." napangiwi ako sa sagot ko biglang tumawa si dad at pumunta sa may side table,si mom naman naka ngiti lang siya sa akin at parang may gustong sabihin.

"Spill it mom." seryoso kong sambit,napalunok pa siya at tumingin kay dad kaya tumingin rin ako doon at na ngayon ay nakatingin na parin samin si dad.

"N-nothing,nag alala lang kami sayo,ilang araw kanang hindi pa nagigising." kinakabahan niyang sabi,ramdam ko rin ang pag aalala niya.

"Ilang araw na ba akong tulog?" takang tanong ko.

"10days anak." mapait na ngiti ang pinakita sa akin ni mom.

"Bakit ba ako nandito?"kunot-noo kung tanong.Tumingin ako kay dad na nabitawan niya ang kutsara na hawak niya.Nagugulat siyang tumingin sa akin.

Nagkatinginan pa sila ni mom,pati rin si mom ay nagulat at sabay na tumingin sa akin.

" D-dad,tawagin mo yung d-doctor."dali-dali namang lumabas si dad at tumingin sakin naman si mom.Hinawakan niya yung kamay ko.

"A-anak wala ka ba talagang natatandaan kong bakit ka nandito." kinakabahan na ani ni mom,nangunot naman ang noo ko at nag isip kung anong nangyari sa akin at bakit ako nandito.

Mas nangunot ang noo ko ng mapag tantong wala talaga akong maalala.

"Wala,ano kasi ang nangyari mom----?"hindi ko na tapos ang sa sabihin ko ng bumukas ang pintuan at may pumasok na dalawang babae na kasing tanda ko,kasunod yun ay isang lalaki na kasing tanda ni dad at dalawang babae na kasing tanda rin ni mom.

MY TWO BESTFRIEND'SWhere stories live. Discover now