CHAPTER 16

12 1 0
                                    

Chapter 16


Scarlette Madison's POV


Paalis na kami sa pilipinas,babakasyon kami sa ibang bansa.Syempre kasama yung friends ni mom and dad,pati yung dalawang babae.

Pinipilit ko mang alalahanin yung nawala kung memories,pero sumasakit lang yung ulo ko eh.

Minsan naman bigla nalang sasakit yung ulo ko at may mga alala akong natatandaan,gusto kung balikan pero lalo lang sumasakit yung ulo ko eh.

Tumingin ako kela Ade at klaire,nakatingin lang sila sa akin na parang gusto ng umupo sa tabi ko.Nasa isang van kasi kami sakay papunta sa airport.

Parang nag bubulungan pa sila,ng mapansing na katingin ako sa kanila ay kaniya kaniya silang iwas ng tingin.

Gustohin ko mang pilitin na ibalik yung alaala ko,pero hindi eh.Kaya kahit hindi ko pa sila maalala.Tinawag ko sila at pinalapit sa akin,nag taka pa sila pero tumayo naman sila at lumapit sa akin,kung hindi ko to gagawin paano ko mababalik ang alaala ko kung ako lang mismo ang tumulong sa sarili ko at hindi magpatulong sa kanila.

Umupo sila sa aking tabi at kita ko sa kanilang mukha ang saya.

Sorry pero hindi pa rin talaga ako nakaka alala sa mga memories na nala wala sa akin!

Hindi ko man maibalik yung mga na wala kung alaala,mas pipiliin ko pa rin silang maging kaibigan. Tumingin sila sa akin at ngumiti,ngumiti naman ako ng pilit.

Bumukas yong pinto ng van,at pumasok sila mom pati yung parents nila klaire at Ade. Na gulat pa sila dahil magkakatabi kami,dahil ang nag daang mga araw ay panay talaga ang iwas ko sa dalawa.Gusto ko kasing maalala na ako lang ang magbalik sa memories na nawala,pero mahirap pala.

Tumingin lahat sa akin yung mga nasa labas ng van,nag pilit ako ng ngiti.Gulat pa rin ang nasa mukha nila.

"A-ahm,hindi ko pa po maalala.But I'm trying,kapag kasama ko sila baka unti-unting bumalik yung nawala kung alaala." nakangiti kung sabi bagaman unti-unti ng tumutulo yung luha ko.

Ngumiti sila sa akin at isa isang pumasok,akala ko pa uupo na sila kaso pumila sila sa harapan ko at yumakap isa-isa,bilang pagtanggap ng yakap syempre sinakal----este yinakap ko rin.Lolz XD!

"Wag kang mag alala mad mababalik rin yang memory na nawala mo,at masaya kami non na papakisamahan niyo ang isa't isa.And please kahit hindi mo pa naalala, tawagin mo nalang kaming tita at Tito lance,wag na yung sir at ma'am.HAHAHA." sabi ni ma'am-----este t-tita eunice mom ni klaire,at bigla nalang silang natawa kaya nakitawa na rin ako.Epic naman kung ako lang ang naka simangot.Lols XD!

Nag simula ng tumakbo ako----este yung van,nag kwe-kwentuhan yung mga katabi ko,minsan nag tatanong ako sa kanila kung kailan kami nag kakilala,excited naman silang sabihin yun paminsan-minsan nga eh!nag aaway pa kung sino ang mag kwe-kwento,yung mga parents naman namin nakikinig lang at nakikisama sa pag kwento at nakikitawa na rin.

Ang ingay ng mga katabi ko pero enjoy naman yung ride namin,hihihi naka katawa sila.Kung sakali mang ikaw ay may iba ng minamahal-------wait parang kanta naman yan eh.Eto na talaga kung sakali mang hindi na bumalik yung alaala ko tatanggapin ko pa rin sila bilang isang kaibigan.

Hindi ko namalayan na nakatulog kaming tatlo,napagod yata sa kakatawa kanina dahil kay klaire.

Minulat ko ang aking mga mata at tumingin sa labas ng bintana nasa airport na pala kami,wala ng tao sa loob ng van pwera lang saming tatlo.Nakita ko sila dad sa labas ng van na parang----hindi ko alam.Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.Nakita kong may nilabas si dad na bagay na hindi ko rin alam.

Gigisingin ko na sana sila Ade at klaire kaso biglang bumukas yung pinto ng van tatlong lalaki ang pumasok mga balot yung mga mukha nila kaya mata lang ang makikita sa kanila.

Humakbang papasok yung tatlong lalaki,habang papalapit ng papalapit sa dulo ng upuan dito sa loob ng van kung saan kami nakaupong tatlo ay mas lumalakas yung tibok ng puso ko.

Tatapikin ko na sana si klaire na nasa gitna namin ni Ade,but I'm too late tinakpan na niya yung ilong ko.I tried to struggle.But.....B-but....Everything started to spin.....Nakita ko pa yung dalawang lalaki tinakpan rin yung ilong nila Ade at klaire.Before I knew it,everything went black.



James Seamus's POV


"Mga lods,parang kinakabahan ako.Palapit tayo ng palapit sa airport kung nasaan sila mas lumalakas yung tibok ng puso k------." hindi ko na natapos ang sasabihin ko bigla nalang kasi ako binatukan ni George,tinignan ko siya ng masama na nasa tabi ko,andito kasi kami sa likod ng driver seat nakaupo.

"Ulol,bakla kana." natatawa niyang sabi,sinamaan ko nalang siya ng tingin kesa makipag sagutan pa sa kaniya.

Papunta kami sa airport dahil susunod kami sa bakasiyon ng mga binabantayan namin utos yan ng master------dad ni mad.Master tawag namin sakaniya.Skl.

Hindi alam ng tatlo na sasama kami,kaya once na mag kaharap kami,mag papanggap kami ba walang alam yan yung utos samin ni master.

Nag park na si asher sa isang iskeneta kung saan nakikita namin yung van nila master na papaalis at may isa pang van na nasa unahan.

Nagkatinginan kaming tatlo at alam ko na iisa lang ang nasa isip namin.

Pinaandar ni asher yung van at sinundan yung van nila master.Tahimik lang kaming sumusunod sa van baka mawala sa paningin namin kung mag usap usap kami.

Ito na nga ang sinasabi ko eh,kanina pa ako kinakabahan.Nang marating ang isang eskeneta ay dalawa ang daanan sa left at right.

"Saan tayo susunod Sa dalawang yan?" tanong ni George.

Tumingin ako kay asher na kalmado lang.

"Hindi natin alam kung alin sa kanila yung mga naka sakay na bantay natin,parehong puti yung van mahihirapan tayo." dugtong pa ni George, biglang umandar yung kotse na sinasakayan namin at kumanan yun.

Tumingin ako sa harap naka sunod kami sa-----ok! Parehong puti pala.Patuloy lang kaming sa pag sunod.

Biglang bumilis yung pag takbo ng van na sinusundan namin,kaya binilisan din ni asher.Baka napansin na may sumusunod.

Pumasok kami sa isang eskeneta,hindi na namin alam kung nasaan kami,makipot na ang daanan kasya lang sa sasakyan.

Biglang nawala yung van na sinusundan namin,dahil sa bilis ng takbo hindi na namin Na kita.Dahil sa tatlong eskeneta ang pagpipilian namin ng daan hindi namin alam kung saan nag punta ang van.

Nahampas ni asher yung manobela kaya napatingin ako sa kaniya,pinandar yun kung saan.

"Damn it!" yun lang ang nasabi niya at kumanan kami,kung saan namin mahahanap yung van ay hindi ko alam at may kutob akong andoon ang tatlo at alam din yun ni asher.


*******

A/N:sorry mga bebeh kung ngayon lang ako nakapag ud and short pa naman don't worry marami po ngayon yung ud ko.Sana naintindihan niyo hihihi peace tayo mga lods----esteee beh!

Enjoy reading😍

MY TWO BESTFRIEND'SWhere stories live. Discover now