Naglalakad ako palabas ng campus nang mamataan ko ang iilang tao na tila ba hinahabol dahil sa kanilang pagmamadali. Tiningala ko ang kalangitan ng mapansin na hindi naayon sa oras ang dilim ng kapaligiran. Tama nga ang hinala ko, nagbabadya na naman ang ulan.
Pinagsawalang bahala ko na lamang ito at ipinagpatuloy na ang paglalakad. Paglabas ko ng gate ay nagtuloy-tuloy parin ako hanggang sa makaabot ako sa kanto kung saan naroon ang mga jeep na masasakyan ko pauwi.
"Oh dalawa nalang kulang! Miss, sasakay ka ba?" Tawag pansin sakin nung drayber.
"Opo manong."sagot ko rito. Itatapak ko na sana ang paa ko sa jeep nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa. Agad ko itong kinuha at binasa ang text message na natanggap.
From Momma;
Nak, pakidaanan naman yung bayad ni Aleng Tasing sa inutang niyang bibingka kahapon. Sinabi ko na sakaniya na ikaw nalang ang kukuha.Tss. Nasa kabilang kanto pa yun eh, pero keri langs. Umatras ako dahil may sasakay na iba. Pinuntahan ko si manong drayber at sinabing hindi nalang sasakay dahil may dadaanan pa'ko.
Agad akong nakipagsiksikan sa mga papasakay na pasahero para makatawid sa kabilang kanto. Si Aleng Tasing ay matagal ng kakilala ni momma kaya nakasayanan narin ang paminsan-minsang pag-utang, agad rin naman itong nagbabayad kaya ayos lang. Nang makatawid ay agad kong pinuntahan ang maliit nitong karinderya kung saan siya palaging namamalagi. Nakita ko na abala pa ito sa pag-aasikaso sa mga kumakain kaya hindi na muna ako pumasok at gumilid nalang muna.
Patuloy parin ang pagpasok ng mga costumer nila Aleng Tasing kaya nilibang ko muna ang sarili ko sa pagse-cellphone. Busy ako sa kaka-scroll ng biglang may pumatak na tubig sa screen ng cellphone ko. Tiningala ko ang kalangitan at namataan ko ang maliliit na butil ng ulan. Kung minamalas ka nga naman oh.
Hindi ko na hinintay na mabawasan pa ang costumer nila, kailangan ko ng makuha ang bayad para makauwi. Unti-unti ng naririnig sa bubong na yero ang bawat patak ng ulan, senyales na lumalakas na nga ito. Agad akong pumasok at nilapitan ang isa sa mga katulong ni Aleng Tasing sa kaniyang karinderya.
"Ate, pasensiya na sa abala, pero pwede niyo po bang sabihin kay Aleng Tasing na nandito yung anak ni Myrna?" Hindi naman ako ipinanganak na makapal ang mukha kaya syempre medyo nahihiya pa ako ng sabihin ko yun. "Pakisabi po na kukunin ko lang sana yung bayad niya sa inutang na bibingka." Agaran naman itong tumango at tumalikod na upang puntahan si Aleng Tasing. Nakita ko itong may ibinulong at para bang no'n lang naalala ni Aleng Tasing ang utang niya. Tss. Matatanda nga naman, madali ng makalimot.
"Ay nakung bata ka! Pagpasensyahan mo na ako ere, ehh...masyadong maraming bumibili, nakalimutan ko na tuloy." Sabi niya habang nagmamadaling kumukuha ng pera sa bulsa. Iniabot niya ito sakin at inilagay ko naman agad ito sa bag, mahirap na, baka mabasa pa sa ulan.
BINABASA MO ANG
Raindrops by You
General FictionKung minsan talaga ay hindi natin matantiya ang panahon. Yung sobrang init tas bigla na lang palang uulan. Minsan naman sobrang dilim ng kapaligiran na akala mo uulan, pero nagdaan ang ilang oras ay sumilay na si haring araw. Kahit sabihin na natin...