Maaga akong nagising dahil sa lakas ng buhos ng ulan, dinig ko ito mula sa bubong namin na yero. Tiningnan ko ang orasan sa lamesita at nakitang alas-siyete y media na pala ng umaga. Tinanaw ko naman ang labas mula sa di kalakihan at nag-iisang bintana sa aking kwarto at nahimigan ko ang medyo madilim na kapaligiran. Wala akong pasok ngayon kaya ang plano ko sana ay magpahinga ngunit hindi yata ako hahayaan ng ulan na to, kaya wala akong ibang nagawa kundi ang bumangon at maligo kahit na nanginginig ako sa sobrang lamig.
Matapos kong ayusin ang aking sarili ay bumaba na ako upang tumulong sa mga gawaing bahay. Paniguradong hindi makakapagbenta ngayon si momma ng bibingka dahil sa malakas na ulan. Nakita ko si Myusa na nakatanaw sa labas mula sa aming bintana. Nilapitan ko ito at binati.
"Good morning Myusa, asan si momma?" Sabi ko sabay halik sa buhok nito. Pinakagusto ko talaga ang buhok niya kaya hindi ko hinahayaan na iba ang naggugupit sa kaniya, dapat ako lang, at masaya rin ako na hindi siya nagpapagupit din sa iba. Mahal na mahal ko ito kahit na minsan ay hindi ko matantiya ang kakulitan nito.
"Nasa kusina po ang momma ate." Sagot nito sa malambing na boses habang hindi parin iniaalis ang paningin sa buhos ng ulan. Napapansin ko na sa tuwing umuulan ay hilig talaga niya na panoorin ito, kahit na kinakausap mo siya ay hindi niya talaga iniaalis ang paningin sa tinatanaw. Minsan nga ay itinanong niya sakin kung saan daw nanggagaling ang ulan kaya ipinaliwanang ko sa kaniya ang tungkol sa water cycle, ngunit dahil bata pa ay hindi niya agarang nakuha ang ibig sabihin ng evaporation, kung kaya't nauwi rin kami sa mahaba-habang explenasiyon ulit.
"Bakit mo ako hinahanap anak?" Rinig kong sabi ni momma. Naglakad ako papubta kay momma sabay mano.
"Good morning po momma."
"Good morning rin anak,..teka, kumain ka muna halika. Hindi ka nakapaghapunan kagabi kasi ang himbing na ng tulog mo. Siguro busy ka na naman sa iskol kaya ganon ka nalang ka pagod ano.." Nakaupo na ako sa hapagkainan habang inaalis naman ni momma ang takip sa mga pagkain. Matapos akong bigyan ng plato't kutsara ay umupo rin ito sa tabi ko.
"Hindi naman po masiyado. Marami lang talaga kaming pinag-aaralan na kailanagan kong tandaan kaya napagod lang talaga ang utak ko kahapon." Sabi ko bago sumobo.
"Ganon ba,..pero anak wag mo naman masiyadong pagurin ang sarili mo, dahil mas lalo kang walang maintindihan kapag pagod yang utak mo." Sabi ni momma sabay himas sa buhok ko.
"Sige, kumain ka ng marami ah,..puntahan ko lang yung kapatid mo." Tumayo na si momma at tuluyan na nilisan ang hapagkainan. Patuloy lang ako sa pagsubo at nguya ng maalala ko na naman ang nangyari kahapon. Hindi ko maiwasang isipin kung bakit may mga taong ganon, mga walang modo. Maintindihan ko naman kung nagmamadali yung drayber ng sasakyan na yun, pero sana inilugar niya yung pagharurot niya. Hindi ko na maisip kung anong mangyayari sa mundo kung mas lalong dadami ang mga taong katulad nila. Pero bahala na, ba't ko ba yun iniisip? Mygash selp, mind your own negosyo!
BINABASA MO ANG
Raindrops by You
General FictionKung minsan talaga ay hindi natin matantiya ang panahon. Yung sobrang init tas bigla na lang palang uulan. Minsan naman sobrang dilim ng kapaligiran na akala mo uulan, pero nagdaan ang ilang oras ay sumilay na si haring araw. Kahit sabihin na natin...