Dos

6 2 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa canteen. Pinili namin na maupo sa pinakahuli at pinakagilid na mesa para makalayo sa ibang nagkukumpulang mga estudyante. Nakapangalumbaba ako ngunit agad ding umayos ng makita kong titig na titig sakin si Note. 'No problema nito?
Kami lang ni Note ang nandito dahil si Kaye na ang bumili ng pagkain namin. Ako naman talaga dapat ang bibili, pero hindi siya pumayag dahil baka kung anu-ano lang yung bilhin ko at baka ikataba pa daw niya. Itatanong ko na sana kung bakit niya ako tinititigan ng maunahan ako nito na magsalita.

"Can you tell me something about Kaye?" Englishero ang kuya niyo mga beh! Mahihirapan ako nito jusko. 'Something about Kaye', ano toh survey?

"Bakit? Type mo kaibigan ko?" Opo, minsan po talaga ay makapal ang mukha ko. Minsan lang naman, tsaka hello, kaibigan ko pinaguusapan dito hallerrr,.

"Yeah." Ay,.hanep lakas ng apog mo beh.. "So? Can you tell me some things about her?" Lumingon ito kay Kaye na hanggang ngayon ay nakapila parin. Mataas pa ang pila kaya mukhang matatagalan pa ito.

"Ano bang gusto mong malaman?" Pag ito nagtanong ng mga gusto at hindi gusto ni Kaye,.tinamaan nga toh.

"Just random things,.you know, what she likes and dislikes.." Medyo nahihiya niya pang saad, kinamot niya pa ang batok nito at bahagyang yumuko. Tss. Tumpak nga talaga, tinamaan ang taena. Pano ba to? Sasabihin ko ba, eh kahit naman sabihin natin na may 'crush' ito sa kaibigan ko kaya siya nagtatanong, personal na bagay parin naman yung tinatanong niya at baka di rin magustuhan ni Kaye. "Ahh,.ok lang naman kung ayaw mo, personal parin naman yun kaya ayos lang."

"Marunong ka naman palang magtagalog eh!" Bulalas ko.

"Malamang, taga Pilipinas po ako." Aba't pilosopo ang kigwa! Bagay nga sila ni Kaye, tss.

"Tss. Ayaw niya sa pink, masyado daw'ng girly, mas bet niya yung orange or mint green. Mahilig din siya sa pizza, ham and cheese to be exact. Sa drinks naman, hmm..di naman yun mapili pero ayaw niya talaga ng alcoholic drinks, pero depende parin sa okasyion. Ano pa ba.." Ano pa nga bang gusto ni Kaye? Dahil sa pagtatanong ngayon ni Note ay narealize ko na wala pala talaga akong masyadong alam tungkol kay Kaye, di naman kasi siya nagsasabi ng mga gusto niya. Lahat ng sinabi ko ay pawang napansin ko lang, pero sigurado naman ako na lahat ng iyon tama. Tumingin ako kay Note at mataman lang din nito akong tiningnan. Ang ganda pala ng mga mata niya, ngayon ko lang din napansin na ang hahaba ng pilikmata nito at kinabog pa talaga yung akin. Di naman sa nagmamayabang pero masasabi ko rin talaga na maganda yung pilikmata ko ngunit ng makita ko yung kay Note ay parang nagdadalawang isip ako kung talaga bang maganda na yung akin. Ipinilig ko ang ulo ko, kung anu-ano nalang yung iniisip ko eh. "A-ahmm..wala na akong ibang maisip, siguro mas ok if siya nalang tanungin mo. Chance mo na rin yun." Ang siyang tangi ko nalang nasabi at tumingin nalang ulit sa pila. Hindi ko makita si Kaye, asan na kaya yun?

Raindrops by YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon