Dalawang araw akong hindi nakapasok sa mga klase ko dahil muli na namang bumalik yung takot ko. Yung takot ko na baka may manakit na naman sakin. Dalawang araw narin ako na nagmumukmok lang sa kwarto, pumapasok lang si momma upang hatiran ako ng pagkain. Alam kong nagtataka narin si Myusa kung bakit di ako lumalabas pero sa tingin ko ay naipaliwanag na ni momma.
Dalawang araw naring tunog ng tunog ang cellphone ko sa dami ng text na nari-receive pero ni isa ay wala akong binuksan. Kaya napagpasiyahan kong pumasok na ngayon, nagtataka narin siguro yung iba kong kaklase dahil ni minsan naman ay hindi pa talaga ako nakapag-absent.
Gulat ang rumehistro sa mukha ni momma ng makita niya akog pumasok sa kusina at nakabihis pa. Nagmano lang ako dito bilang pagbati sa umaga at tuluyan ng umupo at pinagsilbihan ang sarili.
"Papasok ka anak? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Mahihimigan ang pag-aalala sa tinig ni momma kaya nginitian ko na lamang siya at nagsimula ng kumain. "Sige anak, kain ka lang diyan. Titignan ko lang kung tapos narin bang mag-ayos si Myusa." Sabi niya sabay haplos sa buhok ko at umalis na.
Tahimik lang akong kumakain habang iniisip ang mga nangyari nung nakaraang mga araw nang marinig kong may kumatok sa pintuan. Bigla na naman akong natigilan at nanlamig ng maalala na naman yung nangyari, ganitong-ganito rin iyon, kumakain ako ta's biglang may kumatok. Dahil sa takot ay hindi ko pinagbuksan kung sino man iyon at nagtuloy-tuloy lang sa pagkain. Narinig kong may bumaba sa hagdan at ang pagbukas ng pinto. Tatayo na sana ako at muling tatakbo sa taas ng marinig ko ang nagsalita.
"Magandang umaga po,.. Si Mel po?" Si Note. Ano namang ginagawa niya dito? Oo nga pala, sabay na kami kapag pumapasok. Naisip ko, pumunta rin kaya siya rito nung mga nagdaang araw? Pero wala rin namang sinasabi si momma kaya siguro ay hindi rin.
Niligpit ko na yung pinagkainan ko at nagsepilyo. Inayos ko muna ng kaunti ang sarili bago nagpakawala ng buntong hininga.
"Galit ka parin ba?" Rinig kong tanong ni Note na hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala.
"Galit? Bakit naman ako magagalit?" Sagot ko sabay harap sa kaniya.
"Hindi ka pumasok ng dalawang araw dahil dun kay Camille dba?" Camille? Ah..yung babaeng nakasagutan ko sa cr. "Sorry kung nagsinungaling ako sayo. Ayaw ko lang kasing pag-usapan siya kasi hindi naman siya importante sa buhay ko." Hindi ko alam kung bakit siya nagpapaliwanag. Hindi naman siya obligado na magpaliwanag sakin, pero aaminin ko, gumaan ang pakiramdam ko nung narinig ko yun.
"Ayos lang yun, tsaka hindi naman ibig sabihin na magkaibigan tayo ay dapat alam ko ang lahat ng tungkol sayo. Alam ko naman yung limitasiyon ko." Sabi ko sabay tapik sa balikat nito. "Tsaka hindi ako nag-absent dahil dun, kaya kalimutan na natin yun."
BINABASA MO ANG
Raindrops by You
General FictionKung minsan talaga ay hindi natin matantiya ang panahon. Yung sobrang init tas bigla na lang palang uulan. Minsan naman sobrang dilim ng kapaligiran na akala mo uulan, pero nagdaan ang ilang oras ay sumilay na si haring araw. Kahit sabihin na natin...