Ilang araw ang nagdaan simula nung akala ko nawala na si Myusa. Ilang araw narin ang nagdaan na palagi kaming magkasama ni Note, simula sa pagpasok sa school hanggang mag-uwian. Napagalaman ko na ang ikalawang bahay mula sa bahay namin ay ang bahay kung saan siya nakatira. Sa mga nagdaang araw na palagi kaming magkasama ay naging malapit kami sa isa't-isa. Napagku-kwentuhan na namin minsan ang tungkol sa buhay niya, yung tungkol sa pag-aaral niya dati, lahat ng mga parangal na naiuwi niya, at ang tungkol sa kaniyang pamilya. Mas naging malapit pa kami sa isa't-isa nung mas naging magkakilala pa.
Dahil rin sa kaniya ay napagtanto ko na ang pagkakaroon ng kaibigan ay hindi nasusukat sa tagal ng pinagsamahan niyo, dahil sa kokonting panahon pa lang na magkasama kami ay itinuring na naming kaibigan ang isa't-isa. Dahil sa kaniya naisip ko na hindi porket bago palang kayong magkakilala ay hindi na kayo pwedeng magkaibigan, may iba nga diyan na ilang taon ng mag-bestfriend pero malalaman mo nalang, inaahas ka na pala. Wala talaga sa tagal ng pinagsamahan masusukat ang tunay na pagkakaibigan, kundi sa kung paano niyo itrato ang isa't-isa.
"Ano na namang iniisip mo?" Nagbalik ako sa ulirat ng marinig ko ang boses ni Note. Nandito kami sa canteen para mag-lunch, hihintayin pa sana namin si Kaye kaso nag-text ito na hindi siya makakasama dahil sinundo umano siya ng daddy niya. Kaya heto kami ngayon, si Note ay kumakain habang ako ay nakatulala lang. "Sabi ko, ano na namang innisip mo?" Ulit nito sa tanong niya kanina.
Pinagmasdan ko pa muna ito sabay ngiti bago sinagot ang tanong nito. "Wala naman. Naisip ko lang na hini pala nasusukat sa tagal ng panahon ang pagkakaibigan. Kase naman, tignan mo tayong tatlo ni Kaye, hindi pa nga umaabot ng isang buwan pero nakapagpalagayang-loob na tayo." Wika ko sabay paskil muli ng ngiti. Hindi ko lang talaga lubos maisip na may bago akong kaibigan. Ngayong college lang kase ako nagkaroon ng kaibigan. Si Kaye. Noong elementary pa kasi ako ay walang lumalapit sakin, lahat sila nandidiri, kaya ang saya ko ng madagdagan ako ng isa pang kaibigan.
"Masaya rin ako kasi kayo yung una kong nakilala rito." Sabi ni Note sabay paskil rin ng ngiti. Tumunog ang cellphone nito kaya kinuha niya ito sa bulsa niya. Binasa nito ang message na natanggap bago tumingin sakin. "Ahh Mel, kailangan kong magpunta sa office. Ok lang ba kung iwan muna kita rito?" Medyo nag-aalangan pa uto ng sabihin niya yun. Siguro kailangan niyang gumawa ng report, he's an exchange student afterall.
"Sge na, ok lang ako dito. Kakain lang ako ta's punta na sa klase." Inayos pa muna nito ang mga gamit niya bago tumayo at tuluyang nagpaalam.
Matapos kumain ay pumunta muna ako ng cr para ayusin ang sarili. Walang tao ng makapasok ako, hindi na ako pumasok sa cubicle kasi kailangan ko lang namang mag-ayos. Nakaharap ako sa malaking salamin ng cr ng makita kong bumukas ang isang pinto ng cubicle. Lumabas ang isang babae, halatang drawing lang ang kilay nito na may eyeliner pa na hindi naman tugma ang pagkakalagay, pulang-pula rin ang pisngi nito na aakalain mong mistiza pero dala lang naman iyon ng blush on, halos pumutok narin ang labi nito sa sobrang pula. Nagawa ko pa talagang manlait, amp. Tinignan ako nito mula sa kaharap naming salamin, at dahil may angking kamalditahan ang ate niyo ay lumaban rin ako ng titigan rito. Tinaasan ako nito ng drawing niyang kilay, tss, akala mo kung sinong maganda, burahin ko mukha nito eh- este yung make up.
BINABASA MO ANG
Raindrops by You
General FictionKung minsan talaga ay hindi natin matantiya ang panahon. Yung sobrang init tas bigla na lang palang uulan. Minsan naman sobrang dilim ng kapaligiran na akala mo uulan, pero nagdaan ang ilang oras ay sumilay na si haring araw. Kahit sabihin na natin...