Im Friends With The Monster

49.2K 2.3K 154
                                    

Pagkarating ko galing school pumasok na agad ako sa room ko.

"Baby, may mga gustong makipaglaro sa iyo"

"Ayoko Mom sa room na lang po muna ako"

Inilapag ko kaagad ng lunch box ko sa bed ko at binuksan iyon, may natira pa akong baon kasi balak kong ibigay kay Allen yun. Inihulog ko ang sandwich malapit sa ilalim ng higaan.

Maya-maya'y may mabilis na kamay ang dumampot nito na siyang ikinagulat ko pero ikinatuwa ko.

"Hello ?" Walang sumagot.

"Heellooo ?" Wala parin.

Nag isip ako ng paraan para makita ulit yung monster, itinali ko yung sandwich at inihulog. Unti-unting may lumabas na kamay, mas lalo kong inilayo yung sandwich pero pilit niya paring inaabot.

"Gottcha !" Pag gulat ko sa kanya sabay tawa sa naging reaksyon nya.

"Shit !" Inis na sabi nya.

"Gusto lang nama kita maging kaibigan"

"Hoy ! Bata wala akong panahon para sayo"

"Gusto mo tulungan kita na ma remember ang lost memories mo ?"

Salitang nakaagaw ng atensyon kay Allen, na siyang dahilan kung bakit di ito umalis at nakipag usap kay Jessica.

"Paano ko maalala ang nakaraan ko ?" Seryosong tanong ni Allen.

"Balikan natin, wala ka na bang iba pang naaalala ?"

"Hm.. mga tao, ibat-ibang tao at kwarto ang nakikita ko tuwing sisilip ako mula sa itaas"

"Eh sino sila tsaka panu ka napunta jan ?"

"Di ko sila kilala at hindi ko alam"

"Ah.. tignan mo makaluma ang suot mo nakapang pormal ka tuxedo ? parang suot ni Jack sa titanic na parang kapanahunan ni Jose Rizal"

"Hindi ko alam kung bakit eh"

"Anung taon kaba pinanganak ?"

"Taon ?"

"Oo, tignan mo August 26 2012 ngayon" Sabay turo ni Jessica sa Calendaryo.

"Fif..Fifteen.. 1531 !"

"Ha ?"

"Oo 1531 nakakita ako ng calendaryo dati"

"Grabe ang tagal na nun ! Sa bahay niyo ba iyon ?"

"Hindi pagmamay-ari yun ng dating may ari ng kama na ito"

"So sa panahong iyon nandito kana nakatira sa ilalim ng kama" Gulat na sabi ni Jessica.

"Gaano ka na kaya katanda ?"

"Wala akong ideya" Sagot ni Allen na may pagka desmiyado.

Simula ng araw na iyon lagi na akong umuuwi ng bahay, lagi na siyang nakikipagkita sa akin, tinuturuan ko siya ng mga bagay na hindi niya alam. Kahit na nasa kwarto lang ako hindi ako naboboring kasi may kalaro naman ako.

"Teka may naisip ako gawin" Sabi ko habang naglalaro kami ng snakes and ladders.

"Anu Jackstone naman ?"

"Haha hindi"

"Eh anu ?"

"Mag picture tayo" Pagkatapos ay kinuha ko ang camera sa may divider.

Tapos noon lumapit ako sa kanya at clinik ang camera."Ngi ? Wala ka ? So di ka rin pala nag rereflect sa camera" Naka pout sa sabi ko.

"Anu bayan ?"

"Camera ito pag pinindot mo ito maya-maya makikita mo na yung sarili mo dito sa screen"

"Ah pero sa akin di tumalalab"

"Aha !" (brain blast !)"Idradrawing kita"

"Anu yun ?"

"Gamit itong pencil, di ako talagang magaling pero pag-aaralan kong idrawing ka" Ngiti ko sa kanya.

Everynight kong tinatry na idrawing siya, isa iyon sa araw-araw at gabi-gabi kong pinag kakaabalahan. One day biglang pumasok si Mom sa kwarto ko.

"Dali Allen tago"

"May ibang kausap kaba dito ?"

"Wala po Mom"

"Bakit hindi mo na munang subukang lumabas ? May mga gustong makipaglaro sa iyo"

"Ayoko po, okay na po ako dito"

"Are you sure ?"

"Yes Mom" At nag smile ako sa kanya.

"Allen labas kana wala na si Mom" At lumabas si Allen mula sa ilalim ng kama.

"Ay may idea ako ! eh kung sumama ka kaya sa akin sa school ?"

"Di ako nakakaalis sa kama na ito"

"Ha bakit ?"

"Malay ko, sa tingin mo magtitiis ako dito kung pwede naman akong umalis ?"

"Oo nga nu, sayang" Malungkot na sabi ko.

The Monster Inside Of My BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon