Goodbye Allen

40.4K 2.1K 31
                                    

"Okay baby, good night matulog kana maaga ka pang papasok bukas" Sabi ng Mommy ni Jessica.

"Sweet dreams" His dad said then kiss her in the forehead.

"Yes Mom and Dad ! Goodnight too"

Mga ilang oras nagising si Allen dahil sa ingay na naririnig niya.

"Teka ! Si Jessica ba iyon ?" Inaantok na sabi ni Allen.

Lumipad si Allen para tignan si Jessica. At nakita niyang binabangungot ito.

"Gising, gumising ka"

Nagisng si Jessica na umiiyak na, agad itong yumakap kay Allen.

"Bakit ? Anung nangyari ?"

"Nagka nightmare kasi ako" Sumbong niya habang umiiyak.

"Panaginip lang iyon, sige na matulog ka na"

"Wait ! Natatakot ako"

"Anung gusto mong gawin ko ?"

"Sila Mommy and Daddy, binabantayan nila ako hanggang sa makatulog ako ulit"

"Ganun ? Hay sige na nga" Inaantok na pagpayag niya.

Umupo si Allen sa tabi ni Jessica at binantayan ito hanggang sa makatulog ito. Pinipilit na imulat ang mga mata kahit na naghihikab na.

"Goodnight Allen" Nakangiting sabi ni Jessica

"Goodnight Jessica" Sagot nito.

Allen's POV

Tanaw ko siyang papaalis mula sa bintana ng kwarto niya, tumingin muna siya sa akin at ngumiti, sumakay sila ng pamilya niya sa isang kotse papunta doon sa America na sinasabi niya.

Matapos noon ay tumingin ako mula sa may kalendaryo, binilugan ni Jessica yung araw na darating siya, yun daw ang araw matapos ang isang buwan.

Mag-isa na lang ako lagi sa kwarto niya halos lahat ng maaaring pagkaabalahan ko sa kwarto niya ay nagamit ko na ata. Ewan ko pero mukhang nasanay na ako na kasalamuha siya, dati naman maraming taon akong nag-iisa pero di ako naiinip.

Hanggang sa dumating yung araw na sinasabi niya, isang buwan na ang nakalipas pero di dumating yung batang babae.

Lumipas pa ang nakakainip at mahabang panahon, napansin kong maalikabok at madumi na ang buong kwarto niya. At ang dating taon na 2000 sa kalendaryo noon ay naging 2012 na ngayon.

Nasa ilalalim ako ng kama, nakadapa at nagsusulat sa maalikabok na sahig ng biglang bumukas ang pintuan at may pumasok kaya naman ay nagtago ako.

Hindi si Jessica ang dumating, marahil mukhang isang katulong dahil naglinis siya ng kwarto matapos niya ay umalis din.

Lumipas pa ang ilang mga araw. Hindi kaya pinagbili na nila itong bahay ? Baka naman ibang tao na ang mag mamay-ari ng kamang ito. Mukhang di na ata darating yung batang babae.

"Hay ! nakakainip na" Sigaw ko. Tapos biglang bumukas ulit yung pintuan.

The Monster Inside Of My BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon