Confused

44.5K 1.9K 93
                                    

Allen's POV

Nakaupo kaming dalawa sa kama niya habang naglalaro ng chess. Nakakailang di ko alam kung paano sasabihing sorry sa nangyari kanina.

"Checkmate !" Sabi niya kaya napatingin ako sa pagkakayuko.

"Ayoko matutulog na ako" Sabi niya ulit habang nagliligpit.

Gusto ko siyang kausapin, pero naiisip ko nakakailang strike na ako sa kanya. Higit na mas matanda ako dapat aware at alam ko ang mga bagay na iyon pero .. ano nga ba iyon ? Eh wala nga akong maalala sa past life ko. Anung klaseng tao kaya ako ? At ang malaking tanong buhay pa ba ako ? baka patay na ako at nagmumulto na lang ngayon ?

I'd look at her, Inaayos na niya ang kumot niya at humiga na ng nakatalikod sa akin. Lumipad ako sa kabilang sulok kung saan siya nakaharap, ewan ko kung anung force ang nagtulak sa akin para bigla na lang siyang halikan sa noo.

"Goodnight Jessica" Bulong ko.

Jessica's POV

Napadilat ako sa ginawa niya, wala na siya sa harapan ko .. At oo totoo nga he kissed me on my forehead ! Napa smile ako at bulong na sinabing " Goodnight too Allen" Even if alam kong hindi niya ito narinig.

Dapat makakatulog na ako eh, pero after what he did ? Mukhang hindi na ata. Nakakainis, nakapikit ako pero gising paren ang diwa ko everything flashes on my mind, paulit-ulit na nag rerewind yung nangyari kanina although di ko naman talaga nakita eh nag pictures na sa isip ko yon.

Pabalik-balik akong nagbaliktad sa kama, at nag stop. Naisip ko kasi na nasa ilalim lang pala siya at maramdaman niya ang pag likot ko.

Para akong na stuck up o na stroke ! Di na ako gumagalaw (heart beats fast !) Eto na naman siya.

Pagkagising ko.. okay parang hindi naman ako gumising kasi hindi naman talaga ako nakatulog. Pag lingon ko nasa likod ko na pala siya.

Heart beat fast !

colors and promises ..

how to be braved ?

How can I love when im afraid to fall ?

Watchi'n you stand alone ..

all of my doughts centainly goes away somehow ..

One step closer

Nakatingin lang ako sa kanya, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at wala akong pake doon basta nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay nakatingin din sa akin.

May kung anu sa mata niya ? Na parang may sinasabi siya pero di ko maintindihan.

"Anung nangyari sa mata mo ?" Tanong niya.

"Ah eto ? Wala to" Hindi ikaw ang may kasalanan ng eyebags ko na ito.

"Di kaba nakatulog ng maayos?"

Oo hindi ako nakatulog dahil sa ginawa mo, dahil ginugulo mo ang isip ko. "Ah nakatulog naman" Sagot habang pilit na ngumiti.

That night ng matutulog na ako. Lumapit siya sa akin at umupo banda sa may uluhan ko.

"Gusto mo tabihan kita para makatulog ka ng maayos ?" Tanong niya.

There you go again ! Making me confused always, nagtataka na ako. Allen malaki na ako, Im not like the kid before na naninibagong matulog mag-isa. Yun parin ba ang tingin mo sa akin ? Na ako parin ang batang iyon ?

Ewan ko kung bakit hindi ako nakasagot, nakita ko sa mukha niya na di niya alam ang gagawin pero humiga siya para tabihan ako.

May kung anu magnet ang sumanib sa akin bigla na lang akong humiga sa braso niya at yumakap sa chest nya na alam kong ikinagulat niya. I felt the same, walang nagbago, ako lang yung nagbago.

Maganda ang naging gising ko were on the same position. Una akong nagising sa kanya, unang beses kong nakitang tulog siya kasi kadalasan siya ang nauuna o halos sabay kami.

So flirt of you Jessica ! You and a guy sleeping on a same bed ? If dati parang big brother ko lang siya na katabi matulog eh ngayon parang boyfriend o asawa ko siya. Kung sino man ang makakita sa amin ngayon iisiping may nangyari sa amin.

Bigla tuloy akong natawa sa mga naiisip ko tapos bigla na lang siyang nagising. Kaya bigla akong umupo.

"Ah eh good morning ?" Utal na sabi ko. Shunga mo talaga ! parang naging patanong yung sinabi ko.

"Good morning" Nakangiting sabi niya.

"Jessica let's breakfast na !" Sigaw ni Mom mula sa ibaba.

"Tawag ka na ng Mommy mo sige mag breakfast kana"

"Okay dadalhan na lang kita later ng food" Umalis na ako at bumaba.

Allen's POV

Bumaba na para mag breakfast si Jessica, nakakatuwa kasi tingin ko na sa kanya ngayon ay si Jessica at hindi na ang batang babaeng iyon.

Bumalik din siya agad na may dalang pagkain na itinago niya sa magulang niya paakyat dito. Bumalik na ako sa ilalim para doon na kumain dahil maliligo na siya.

Eh kung silipin ko kaya siya ? Siraulo ka Allen lumalabas pagkalalaki mo, tumigil ka. At nagpatuloy ako sa pagkain.

6:00 pm na, ilang saglit lang uuwi na iyon. Nakatingin ako sa labas mula sa bintana ng kwarto niya.

Maya-maya may humintong kotse, may lalaking bumaba at binuksan ang kabilang pintuan. At nakita kong si Jessica ang babaeng inaalalayan ng lalaki iyon.

Nakangiti sila sa isat-isa at nag usap sandali tapos pumasok yung lalaki sa kotse pinaandar ito at umalis. Nakita kong papasok na si Jessica ng bahay kaya nag abang ako agad sa may pintuan niya nang makita niya ako mukhang nagulat siya sa akin.

"Sino siya ?" Tanong ko sa kanya habang siya binababa ang mga gamit niya.

"Classmate ko"

"Bakit siya pumunta dito ?"

"Hinatid niya lang ako"

"Bakit ?"

"Hm.. Wala nag alok lang siya na ihatid ako"

"Bakit hindi mo ba kayang umuwi ?"

Napalingon siya sa akin at biglang tumawa "Haha ! Seryoso ? o Niloloko mo lang ako ? Gusto niya lang na ihatid ako"

"Seryoso ako !" Sabi ko habang seryosong nakatingin sa kanya. Mukhang nagulat siya sa nasabi ko.

"Anu kaba bakit ka ganyan ang weird mo" Sagot niya sa akin at biglang pumasok ng banyo.

Nakatayo ako sa labas ng pintuan ng banyo at hinihintay siyang lumabas. Bakit ko ba sinabi iyon ? Ano kaya ang iniisip niya sa akin ngayon ? Bakit ko biglang naramdaman ang mainis dahil may lalaking naghatid sa kanya ?

Maya-maya'y lumabas na siya ng banyo tumingin ng diretso sa akin, hinintay niya may may sabihin ako pero nung wala akong masabi dinaanan niya ako at nagsimula ng matulog.

Gusto kong kausapin siya, mag sorry ? o ang itanong ulit kung bakit ba talaga siya inihatid ng lalaki ? Gusto ko bang magpaliwanag siya sa akin ?

Nakatayo lang ako sa gilid ng kama at tinititigan siya. Di ko siya magawang kausapin kaya pumasok na ako sa ilalim ng kama.

Hindi ako makatulog. Bakit ba ako magtataka kung may lalaking mag aalok na ihatid siya, una maganda siya, siya yung tipong hahangan at gugustuhin ng lahat. Malaki na siya Allen, hindi dalaga na siya, malamang may mga lalaking magkakagusto at liligawan siya.

Nagtaka ako bigla. Bakit ko na sabi iyon kung wala akong maalala. nagsasalita ako na parang may karanasan na ako sa pakikipag relasyon. Tsk ! nakakatawa.

The Monster Inside Of My BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon