I'm Here Without You

41.7K 1.9K 331
                                    

A hundred days have made me older since the last time that I saw your pretty face,

Nakahiga ako sa ilalim ng kama ng biglang bumukas ang pinto at may pumasok.

A thousand lifes have made me colder and I don't think I can look at this the same,

Isang paa ng matanda ang nakita ko na dahan-dahang pumapasok sa loob.

All the miles have separate,

it disappeared now when I'm reading of your face.

Sinilip ko siya, isang matandang babae ang pumasok, nakangiti siya habang nakatingin sa buong paligid ng kwarto.

Maaliwalas ang mukha niya, matanda na siya pero maganda parin siya, pamilyar ang mukha niya sa akin.

"Jessica"

I'm here without you baby,

but you still on my lonely mind,

Umupo siya sa gilid ng kama at nagpatuloy  parin sa pagtingin sa buong kwarto, tapos hinawakan niya ang dibdib niya, pumikit at nakangiti parin.

I think about you baby,

and I dream about you all the time,

Dahan-dahan akong lumalapit sa kanya galing sa likod niya, minumukhaan ko kung siya ba talaga si Jessica. Mas lalong lumalapit ako, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Mas lalo kong sinasabi na si Jessica nga ito at wala ng iba.

I'm here without you baby,

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin, nagkatitigan lang kaming dalawa, nginitian ko siya, sure na ako na siya nga talaga si Jessica. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, hinawakan niya ang pisngi ko at gumanti ng ngiti sa akin.

But your still with me in my dreams,

and tonight, it's only you and me .

Mangiyak-ngiyak siya habang nakangiti, mukhang di rin siya makapaniwala ng makita niya ako.

"Hi Jessica" nakangiting sabi ko.

Patuloy niyang hinahaplos ako sa pisngi, "Allen ?" sabi niya.

"Ya, ako ito the monster inside of your bed" nakangiting sabi ko tapos  natawa siya.

"Di ka nagbago, binata ka parin, nakakamangha"

"See ? I'm right, I can't be with you"

"Ya true, it's the reason why our love story was became a tragic"

"Hays Jessica, you made another love story with Chris" ngiti na sabi ko. "By the way kamusta siya?"

"Ya, I loved him, he pass away 2 years ago" Nalungkot ako sa sinabi niya."Ikaw kamusta ?"

"Me ? still like this" nakangiti parin ako sa kanya.

Staring each other, nagbago ang mukha niya sa paningin ko, ang nakikita ko ngayon ay yung hitsura ni Jessica na kasing edad ko lang.

"Parang Peter Pan, nanatiling bata si Peter at nag grow old na si Wendy" nakangiting sabi niya.

"Pero di kagaya ni Peter Pan, pwede siyang mamili kung tatanda siya o hindi, pero ako kahit gusto ko hindi pwede"

"Mas malala pa kela Romeo and Juliet, atleast sila naging sila"

"Si Romeo kasi can die, ako hindi eh"

Unti-unti ng lumalakas ang pag-agos ng mga luha namin.

"Matagal akong nagtiis" sabi ni Jessica.

The Monster Inside Of My BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon