My Sacrifice

34.6K 2.2K 84
                                    

Umiiyak ako sa galit dahil hindi ako maka-alis ng kwarto niya, malamang umiiyak na yun dahil nag-iisa siya doon.

"Mahal mo siya ?" Bigla na lang may babaeng nagsalita kaya napalingon ako at nagulat.

"S-sino ka ?" Takot na tanong ko.

Isang magandang babae na nasa edad 30's na ang nasa harap ko ngayon may mahaba siyang kulot na buhok at naka white dress.

"Sa tagal ng panahon di mo na ako naalala" Sabi niya ng nakangiti sa akin.

"Anong pinag sasabi mo ?"

"Siguro nga di mo na ako naaalala, well .." Sabi niya pagkatapos tinakpan niya ang mga mata ko.

Bigla na lang ako nasa isang lugar kasama siya, nasa isang kwarto kami na mukhang pamilyar sa akin. Nagulat ako ng biglang may pumasok na kamukha ko hinahabol siya ng babae, nagtatalo sila at bigla siyang sinampal.

"Wala kang kwenta manloloko ka !" Sabi ng babae sa kamukha ko at lumabas na ng kwarto.

"Nakikita mo ba siya ? Ikaw siya" Sabi nung babaeng kasama ko.

"Ha ? Pero panung naging ako yan ?" Nagtatakang tanong ko.

Sumunod-sunod ang mga eksenang napanuod ko kasama yung babaeng nagpakita sa akin at nagdala sa akin dito. Puro mga galit at umiiyak yung mga babaeng kasama ng tinutukoy niyang ako.

Naiinis ako sa nakikita kong ako, matapos magalit at umiyak yung mga babae natatawa at ngumingisi pa siya.

"See ! play boy ka dati, iilan lang ang mga pinakita ko sayo na mga babaeng niloko at pinaglaruan mo" Sabi sa akin ang babaeng nagdala sa akin dito.

"Kung ayan ang talagang ako, ikaw sino ka ?" Tanong ko na naguguluhan at nalulungkot na.

"Hm.. sabihin na natin na parang isang fairy god mother ng mga babaeng niloko mo at ang magpaparusa sa iyo ?"

Natawa ako sa sinabi niya " Imposible ang mga ganyan, hindi totoo yan !"

"Yan din ang sinabi mo sa akin ng nakaraang maraming taon, di ka naniwala"

"So ikaw ba ? yung nagkulong sa akin sa kama na iyan ?"

"Tama ka, nilagay kita doon para maturuan ng leksyon"

Unti-unti ng bumabalik ang mga ala-ala ko, mula sa kung sino ako, saan ako nang galing at kung ano ba talaga ako. Di ako makapaniwala na nagawa ko lahat ng iyon.

"At ngayon ng balikan kita, ang dating di marunong mag mahal ay nagmamahal na" Nakangiting sabi niya.

"Ganun katagal, ganun ako katagal nakulong doon alam mo ba iyon !" Sigaw ko sa kanya.

"At tapos na ang lahat" Dugtong niya sa akin.

"Anong ibig sabihin mo ?"

"Malaya ka na, natuto ka na, nasaktan ka na dahil nagmahal ka na"

"Kung ganun makakasama ko na si Jessica ?" Masayang sabi ko.

Nalungkot ang mukha ng babae "Hindi Allen" Malambing na sabi niya.

"Pero ba-bakit sabi mo.."

"Matagal ka na dapat na wala, Ilang taon ka na ? Malaya ka na pero hindi ka na dapat na nandirito kung di nasa langit na" Putol niya sa akin.

Natawa ako "Hindi, nababaliw ka na, ang daya !" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Pero may paraan pwede kang mamili" mahinang sabi niya.

Nang marinig ko iyon hinawakan ko agad siya sa magkabilang balikat at sinabing "Ano yun ? sabihin mo sa akin !"

"Ang sumalangit na at maging malaya sa pagkakakulong o ang makasama siya ng ilang oras pero habang buhay ka ng makukulong sa kama na iyon"

Natigilan ako sa mga sinabi niya, napaka daya, bakit ganito ? lakas magbiro ng tadhana di na nakakatawa. Malaya na nga ako pero kailangan kong umalis, makakasama nga siya pero ilang oras lang at makukulong na ako dun ng pang habang buhay.

Nagmahal ako sa unang pagkakataon, mas naging ibang tao ako ngayon dahil bumalik na ang naaalala ko, kaya anung masama kung piliin ko siya give all for the last !

"Sasamahan ko siya" seryosong sabi ko.

Nagulat yung babae sa naging desisyon ko, di niya akalaing iyon ang magiging sagot ko. Makitid na nga ang utak ko ngayon, baliw at sira ulo na kung tatawagin dahil sa naging desisyon ko. Habang buhay na akong makukulong para sa ilang oras na makasama siya ? Handa ako.

"T-eka sigurado ka ba isipin mo --"

"Sigurado ako !" seryosong putol ko sa kanya.

♥♡♥♡

Hi ! nakakatuwa kasi mas dumarami yung nagbabasa nito, thankieee O(∩_∩)O

Leave comment po, love kong mabasa ang mga comments nyo ♡

Try to read also my other stories @LoveForDee same as also lang po sa Twitter (*^﹏^*)

xoxo

The Monster Inside Of My BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon